Chapter 29 TIN-TIN... PARANG pinipiga ang puso niya habang pinagmamasdan si Theodore. Mahimbing na itong natutulog nang makauwi siya. Wala pa sana siyang balak na umuwi, hindi niya Pa kayang pakiharapan si Theodore. Hindi sa galit siya o ano Pa man, hindi niya Lang kayang ipaliwanag kay Theodore ang mga nangyayari. Papaano niya ipapaliwanag na kaya niya ito nilalayuan ay dahil sa sumpa na mayroon sila. Na hindi sila pwedeng magkasama dahil sa sumpa na mayroon sila. O baka nga siya lang dahil wala naman nang kinalaman si Theodore sa nga nangyayari. "Bakit naman kasi ang complicated ng buhay ko," kausap niya sa sarili niya. Nagtungo siya sa banyo para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig para Kay Theodore. Sinabihan siya ni Nelson na naglasing ang kaibigan nitong si Theodore at

