Chapter 46 TIN-TIN... "SIGURADO na ba kayo sa desisyon ninyong iyan?" Tanong ng daddy niya. Magkakaharap silang pamilya para magpaalam sila ni Theodore na magsasama na naman silang dalawa. But this time sa San Andres na lang sila maninirahan dahil nandito naman na ang kabuhayan ni Theodore. "Yes po Tito, inaayos na naman po namin ni Tin-tin ang relasyon namin. At doon din naman kami papunta ni Tin-tin, naghihintay lang naman po kami na matapos ang kasabihan ng mga matatanda na sukob," ani Theodore na hanggang ngayon parang masama Pa rin ang loob sa kasabihan na bawal ang sukob sa taon. "Next year po unang buwan pa lang po ng taong magpapakasal na kami agad ni Tin-tin, Tito and Tita." Dagdag Pa ni Theodore sa naunang sinabi. "Bakit Tito Pa rin ang tawag mo sa Akin? daddy na, tuta

