Chapter 45 TIN-TIN... "I MET Teofelo, in a most scary and unimaginable day. Parang iisipin mo na sa nangyaring iyon sa libro o sa TV mo lang makikita." Pinatay na ni Theodore ang TV at magkaharap na lang sila ngayon. Bakit ba feeling niya kinikilabutan siya ngayon? Siguro kasi napili Pa talaga niyang ikwento si Teofelo sa ganitong dis-oras ng gabi. "I'm listening Tin-tin," sabi Pa ni Theodore ng hindi Pa siya nagsalita ulit. Huminga siya ng malalim ng tatlong beses. "I first met Teofelo in a cemetery. November 2 to be exact, eight to nine years ago." Nakita niya kung paano ang pagkunot ng noo ni Theodore pero hindi naman ito nagsasalita. Hindi rin tuloy siya nagsalita, parang ayaw na niyang ituloy ang magkwento. Baka kasi isipin ni Theodore nababaliw na soya tulad ng inisip ng

