Chapter 37 TIN-TIN... Parang kailan lang nang sumakay siya ng erplano paalis ng bansa. Pero ngayon nakasay na naman siya ulit ng eroplano pabalik naman ng bansa. Umalis siya ng bansa na ang buong akala ay hindi na babalik pa ng bansa. Pero heto nga siya ngayon pabalik na kasama ang buong pamilya niya. Babalik sila dahil sa kasal ng pinsan niyang si Dominic at ng best friend niyang si Devine. Hindi dahil sa kagustuhan niya talagang bumalik. Wala sana siyang balak na bumalik at magpapadala na lang siya ng regalo sa mga ito. Ang kaso kinuha siyang maid of honor ni Devine at ring bearer naman ang anak niya. Ninong at Ninang ang mga magulang niya, maging si Boyong kinuha rin na abay. Tinakot Pa siya ni Devine na kapag hindi sila babalik ng bansa para sa kasal nito hindi na lang nito

