Chapter 38 TIN-TIN... NAKAKAMISS DIN pala talaga ang buhay sa Pilipinas. Lalo na sa probinsya, na may sariwang hangin at wala kang masyadong iniisip na problema. Gabi na sila umuwi ng San Andres na buong mag-anak, kinabukasan pagdating nila ng Pilipinas. Hinintay kasi nilang wala nang gawin si Dominic para sabay-sabay na silang umuwi ng San Andres. Sa linggo na kasi ang kasal ng mga ito, at dito sa San Andres balak ganapin nila Devine ang kasal ng mga ito. "Good morning baby Nathan ko!" Bati niya sa anak niyang nakatalukbong Pa rin ng kumot. Hindi ito nagising kahit na anong halik niya sa pisngi nito, kaya pinabayaan na niya itong matulog Pa. Baka kasi may jet lag Pa ang anak niya, wala naman itong gagawin na important kaya hinayaan na niyang matulog na muna. Sa paglabas niya

