Chapter 39 TIN-TIN... WHAT is really happening? Hindi niya maintindihan bakit ganito ang nangyayari sa paligid niya. Nathan, her son knows who his father. While all she know is that Nathan is clueless about his own father. Tapos ang tatay niya at si Theodore parang may lihim dahil madalas niyang makitang magkausap ang dalawa na para bang nagbubulungan ang mga ito. "Papa," tawag ni Nathan kay Theodore pero wala sa tabi nila ang binata. Gabi na pero ayaw pa nitong matulog, hinahanap nito si Theodore. "Anak gabi na, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas. Remember tomorrow is Uncle Nic and Ninang Devine's wedding. Ring bearer ka do:'n hindi ba? Look at your clothes there 'di excited ka ng isuot iyon." In two days hindi na mapaghiwalay ang mag-ama niya. Nathan was always with Theodor

