Chapter 40 TIN-TIN... Namamanhid ang buo niyang katawan, nakikita niya ang paligid niya pero hindi niya alam bakit parang nakalutang ang kawalan ang utak niya. Nakatitig sa kanya si Theodore, nakatitig lang din siya sa binata. Pinaglalaruan ba talaga siya ng tadhana sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon. All this time ang alam niya walang de Asis na nag-e-exist sa mundong ibabaw. Na baka nga totoo ang mga sinasabi sa kanya ng mga tao na kathang isip lang niya noon si Teofelo at ang buong de Asis. Na panaginip lang talaga niya ang lahat nang nangyari noon na mangkukulam, sumpa, sila Teofelo at ang pamilya nito at ang itim na libro. Pero ano na naman itong nalaman niya, si Theodore ay isang de Asis. "Alam ko kung sino ang asawa mo, si Teofelo de Asis hindi ba? alam ko kasi

