Chapter 70 THEODORE… NAGHIHINTAY SIYA ngayon sa labas ng banyo ng kwarto kung saan sila tumutuloy ng asawa niya. Nasa Manila pa rin sila ngayon na mag-asawa kahit pa alam na naman nila ang resulta ng DNA. Ang usapan nila ni Tin-tin ay babalik sila agad sa San Andres sa oras na malaman nila ang resulta. Positive man o negative ang result, pero nandito pa rin sila sa Manila at bukas pa sila babalik ng San Andres. Kung bakit? Iyon ay dahil na rin sa kahilingan ni Tin-tin. Ang sabi ng butihing may bahay niya, magandang bumawi muna siya sa anak niya kay Weng bago sila umuwi ng San Andres. Is it he’s the luckiest guy on earth for having such a lovely, kind hearted and amazing wife? Siguro ang ibang may asawang lalaki na malalaman na may ibang anak sa ibang babae baka naitak

