Chapter 71 THEODORE… HIS WHOLE body is aching, parang daig pa niya ang nabugbog nang pauli-ulit sa sakit ng katawan niya. Sobrang bigat ng katawan niya, hindi lang mabigat sobrang kirot din ng ilang parte ng katawan niya. Ano nga ba ang dahilan at ganito ang nararamdaman niya. “Mister Montefalco, do you hear me?” Sino ang boses na iyon at kinakausap yata siya nito, unti-unting lumilinaw ang paningin niya mula sa madilim na paligid. Ngayon niya lang niya napagtanto na nakadilit na pala ang mga mata niya, wala lang siyang Makita kanina. “Mister Montefalco,” ani ng boses na nagtatanong kanina. Doon lang niya rin nalaman na doctor ang kumakausap sa kanya, hindi niya mai-focus ang mga paningin niya. Parang may hinahanap siyang na hindi niya alam kung ano, para kasing may kulan

