GIRLFRIEND?? paulit ulit nag-play sa isip nya ang sinabi ng babaeng mukhang bulate na to..
Nilingon nya si Lithe. Parang namumutla ito sa takot habang nakatingin sa kanya.
"Munchkin, let me explain" nagsusumamo ang mukha nito at boses.
Hindi nya pinansin ang sinabi nito at binalingan ang babaeng bulate. "Girlfriend ka kamo nitong impakto na to?" wika ko dito sabay turo kay Lithe.
Taas noo naman itong sumagot sabay halukipkip "Yes"
"Ahh sige. Tignan nga natin. Ikaw umupo ka dun sa sofa!" turo ko kay Lithe na agad namang tumalima
Naglakad ako papunta sa likod ng haliparot habang nakapameywang. Walang sabi sabi kong sinipa ang likod ng binti nito na dahilan para masubsob ito paluhod.
"Ouch! What the heck!" she screamed at kita ko ang sakit na lumatay sa mukha nito habang napasalampak ito hawak ang tuhod
Umikot ako paharap dito at umupo sa lamesa na nasa sala para magpantay ang mukha namin "appetizer palang yan.. Gusto mo ng main course?" walang sabi sabi ko syang sinampal ng ubod ng lakas at napahandusay ito sa sahig.
Nakita ko na napatayo si Lithe "O ano? Gusto mo ikaw na sumalo ng dessert? Halika dali!" gigil kong sinenyasan ito na lumapit
"No. Munchkin, you should stop" wika nito na kita ang takot at pag-aalala sa babaeng nakahandusay. Nawalan ito ng malay
Yabang ng babaeng toh.. Wala naman palang binatbat... Cath kalang Leon ako! Grrrr!
"That's what she gets upon entering the lion's den. I'll stop when I'm done! Now come here!" sigaw ko dito. Kaya ayokong nagagalit eh.. Napapa-english ako!
Lumapit ito. Tila handa sa kaya nyang gawin. "This is why I hated men. Ang gago ko para umasa na iba ka sa kanila pero t*ngina! Bakit ka nga ba magiging iba? Not unless na hindi ka lalaki" mababa ang tono kong turan pero lumalatay ang bawat hagod ng salita nya.
Akmang lalapit ito at hahawakan sya "No! Don't touch me. Dalhin mo na yang haliparot na bulate na yan sa ospital. Dahil pag ako nagdala dyan hindi ko sa ospital dadalhin yan kundi sa sementeryo. Ililibing ko yan ng buhay!" banta ko dito.
Mabilis kong pinahid ang naglandas na luha sa mata ko at dire-diretso akong lumabas ng bahay at tumakbo. Kailangan ko huminga, parang sasabog ang dibdib ko! T*ngina! Hindi nya akalain na eto nanaman ang walang kasing sakit na pakiramdam.
Paulit ulit nanaman na nag-replay sa isip nya yung araw na iniwan sila ng Daddy nya at pinagpalit sa kabit nito.
I even kneeled at him at nagmakaawa na kami ang piliin pero mistula itong bingi.
Magmamakaawa ba ko sa lalaking ito ngayon para piliin sya at mag-stay?? No! I will never do that again!
I want an annulment. Mas mabuti nang ako na ang mang-iwan kesa ako ang iwanan... Hindi na mangyayari yun ulit.. I will never let that happen again.. Never again!
Nakarating sya sa isang park at umupo sa isang bench na wala masyadong tao. Syempre eemote sya kaya dun sya sa sulok.
Tumulala sya at nagisip. Bakit nga ba sya umasa na iba si Lithe sa mga lalaki?
"Ang tanga tanga mo, Jent! Binigay mo pa ang tunnel mo.. Gaga ka!" halos sabunutan na nya ang sarili nya
"Baka naman maubos yang buhok mo, Miss" napaigtad sya ng may nagsalita sa gilid nya. Nakayuko kasi sya at kasalukuyang sinasabunutan ang sarili
Hindi nya ito pinansin at akmang tatayo na sya ng magsalita itong muli "If you never learn to let go, then you will never heal"
Nilingon nya ito at bumalik sa pagkakaupo at sumandal sa bench habang nakahalukipkip. Parang may pwersa na nagsasabi na magstay sya at makinig.
"You will always go back on the same situation and feelings everytime na may magpapaalala nito. You will never learn to trust other people and listen to the truth because you are blinded by your hatred and pain."
She was moved by his words. Parang bawat salita nito ay pilit sumasaksak sa kanya at kahit anong iwas nya ay tinatamaan sya.
She let her eyes swell in tears. F*ck it! She cursed under her breath. Sino bang may gusto maging ganito?
"Huwag mong hayaang bulagin ka ng galit at sakit ng nakaraan. Dahil kung hindi mo papalayain ang sarili mo, patuloy ka lang masasaktan" wika nito bago tumayo na at umalis.
Pinahid nya ang luha nya at nilingon ito. Makapagpasalamat man lang pero bigla itong nawala sa paningin nya... Luh? Multo yern?
Paulit ulit nya ninanamnam ang mga sinabi nito. Napakadaling sabihin pero mahirap gawin. Ang patawarin ang taong halos kalahati ng buhay mo ay kinasusuklaman mo.