CHAPTER 12

1066 Words
HINDI sya umuwi ng bahay ni Lithe matapos nyang ilampaso ang bulateng babae na yun. Kailangan nya ng space para huminga at mag-isip. Isang buwan syang nagtago sa lahat. Tanging ang sekretarya nya lang ang nakakakausap sa kanya. Lahat ng mga papeles na kailangan nya ireview at pirmahan ay pinapadala nya dito sa isang coffee shop. Pinapaiwan nya sa counter at tsaka nya kukunin pag nakaalis na ito. Ganundin ang scenario pag kukunin na nito ang mga papeles "Maam Jent, andami na pong naghahanap sa inyo dito sa opisina. Hindi ko na po alam isasagot ko." aburidong wika ng sekretarya nya ng minsang tawagan nya ito para sa mga papeles na pinapadala nya "Sabihin mo hindi mo alam kung nasan ako." patamad kong sagot. Kaya ayaw nyang ipaalam din dito kung nasan sya ay para hindi din ito mahirapan. Dahil sigurado akong pipigain ito ni lola at mommy para malaman kung nasan ako. "Eh nagtataka po sila kasi kung pano nyo po napipirmahan at narereview ang mga proposal kahit wala kayo dito. Tsaka nakikita po nila ako na naalis ng post ko dahil nga po pag pupunta ako dun sa coffee shop" parang batang nagmamaktol ang sekretarya nya "Krish, sino ba ang amo mo dito? Ako diba? So wala kang kailangan iexplain sa kahit na sino" pag-alo ko dito. Ramdam ko ang pagkaipit nito sa sitwasyon. "Bibigyan kita ng double bonus okay? Kaya itikom mo yang bibig mo" banta ko pa dito Ilang minuto lang ng maibaba nya ang telepono ng biglang mag-ring ito muli. Nakakunoot noo syang dinampot iyon at nakita ang sekretarya nya na tumatawag. Never itong tumawag sa kanya dahil sya ang laging unang tumatawag dito "Krish, bakit?" sagot nya "Maam Jent, si Lola Edel po kasi" wika nito na natataranta. Biglang parang may sumipa sa dibdib nya at dagling gumapang ang kaba sa buong sistema nya "Ano nangyari kay Lola?" parang nanginginig ang kamay nya "Masama daw po ang pakiramdam at nagpaiwan sa yate matapos ang meeting dun ng mga kliyente. Wala ho kasing magsusundo at titingin sa kanya dahil aligaga din po ang lahat pati ang Mommy at Daddy nyo dahil sa board meeting ngayon. Si Mang Tupe daw po ay napaluwas ng probinsya dahil nagkasakit ang asawa nito" Hindi nya alam kung gano kabilis ang naging kilos nya. Daig pa yata nya si The flash sa bilis nya at halos liparin nya ang papunta sa daungan ng yate nila. "Syete naman! Ang matandang yun talaga! Masama na pala pakiramdam nakisawsaw pa sa meeting meeting na yan!" pagbubunganga nya mag-isa habang nagmamaneho. Paraan na din nya para maibsan ang pag-aalala nya. Halos takbuhin nya ang papunta sa Yate ng makarating sya sa daungan. Hindi na nga nya matandaan kung maayos ba nya naipark ang kotse nya. Basta kumaripas na sya ng takbo..daig nya pa ang nasa marathon sa pagkaripas nya. Nang marating nya ang yate ay tahimik ito. Bakit parang wala namang meeting na naganap dito? Madilim na din ang buong yate dahil gabi na din nya narating ang daungan. Pinasingkit nya ang mata nya hanggang masanay ito sa dilim. Nilabas nya ang cellphone para buksan ang flashlight "Lola? Asan ka po?" tawag ko dito. Kinakabahan ako. Advance kasi ako mag-isip kaya kung ano ano na ang naiisip ko "Lola Edel! Si Jent po ito.. Nasa kwarto ka ba?" sigaw ko habang kumakapa sa switch para mailawan ang daan nya. Walang sagot syang natanggap. Kaya lumakad sya papasok sa loob ng cabin ng yate. Habang naglalakad papasok ay naramdaman nya na parang umandar ang yate.. O baka sa alon lang? Nagpatuloy sya sa paglakad papasok sa cabin. Pumasok sya sa kwarto na tinutulugan ng lola nya pag ginagamit ito . Dahan dahan nyang pinihit ang doorknob dahil baka nga natutulog ito at maistorbo nya ang pagpapahinga. Pagbukas nya ay dahan dahan syang pumasok. Madilim. Walang ilaw ni lampshade. Kinapa nya ang switch at binuksan ang ilaw... Wala ang lola nya.. Lumabas sya muli at umakyat sa upper deck. Napanganga sya sa nakita... "Potah! Bakit wala na sa daungan tong yate! Umaandar ito at nasa gitna na ng dagat!" Luminga sya. Hindi maproseso ng utak nya bakit at pano nakaandar ang yate na hindi nya namamalayan? Napaigtad sya ng magring ang cellphone nya, si Krish. "Akala ko ba andito sa yate si lola?" sigaw ko dito pagsagot ko sa tawag Saglit na katahimikan ang naulinigan nya bago may nagsalita "Jent Apo, magusap kayo ni Lithe. Stop running and hiding like a rat. Dyaskeng bata ka! Isang buwan kaming nabaliw kakahanap sayo lalo na yang asawa mo!" ramdam ko ang tampo sa boses nito pero mas nanaig pa din ang pride chicken nya.. "so ano lola, magpapanggap ka pang maysakit para lang tulungan ang impaktong yun? Ako ang apo nyo pero bakit pinagtutulungan nyo ko!" maktol ko "Hoy Jent Ashley Montejo! Wag mo kong sinasagot sagot ng ganyan ha. Baka gusto mong tamaan saken!" sigaw nito sa kanya. Pag ganitong buong pangalan na nya ang tinatawag nito alam kong galit na ito "Lola naman kasi!" wika nya habang nagpapadyak at ginugulo ang buhok sa sobrang inis "Ayusin nyo yan! Wag nyong ipurnada yung mga apo na hinihintay namin ni Mila!" Napa-angil nalang sya sa hangin ng walang sabi sabi nitong ibaba ang telepono "Ay p*tang kabayo!" wala sa loob na nasambit nya ng makakita ng pigura na nakasandal sa may gilid ng railing ng yate Namilog ang mata nya ng mapagsino ito. Lithe! Pero bakit ganito ang itsura nito? Parang pumayat ito. Malalim ang mata at parang hindi din ito nag-aahit. "So ano to? Kinasabwat mo pa ang lola ko?" pagtataray ko dito pero sa kabilang dako ng isip ko ay gusto kong haplusin ang mukha nito at itanong ano nangyari. "Im sorry munchkin. Wala na kasi akong maisip na paraan kung pano kita makakausap." tila ba hirap na hirap ang loob nito "edi sana nagtawag ka ng paranormal expert para ipatawag ang kaluluwa ko" pamimilosopo ko dito sabay halukipkip "Damn. I missed you!" halos pabulong nitong wika Humakbang ito papalapit sakin kaya humakbang ako paatras. "Hep! Huwag kang lumapit!" sigaw ko dito sabay duro "Anong gagawin mo pag lumapit ako?" naghahamon ang tingin nito Naramdaman ng likod ko ang dulo ng yate. "Ta-tatalon ako?" hindi nya alam bakit patanong ang naging sagot nya. Haha! Ngumisi ito at dahan-dahang lumalapit sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD