"ANO ba, Lindt!" sigaw nya dito. Hatak hatak kasi sya nito sa kamay at dinala sa kwarto nito. Nakakuha ito ng pagkakataon na makaladkad sya nung nagpaalam sya na magbabanyo. Si Lithe kasi ay todo bantay sa kanya sa dalawang kapatid. Ni ayaw sya pahawakan o palapitan man lang. Kala mo naman nanakawin.. Haha!
"Let's talk baby girl. Si Kuya kasi daig pa great wall of china kung makabakod sayo!" maktol nito..
Si Lindt ang pinaka-close nya sa magkakapatid nung bata pa sila. Sabi din nito dati ay crush sya nito pero ang ending nasuntok nya lang ito sa mukha dahil umakma itong hahalikan sya.
"Ano ba pag-uusapan natin?" natatawa sya sa itsura nito na nanghahaba ang nguso.
Sinarado nito ang pinto at nilock sabay baling sa kanya.
"Oh my God! Namiss na kasi kita!" tili nito. Napamaang sya.
"T*ngina! Bakla ka???!" mura ko dito habang nanlalaki ang mata at nakaduro dito
"Gaga! Hindi ako bakla! Chick-boy ako!" wika nito sabay halukipkip at maarteng inusli ang pwet.
Napatawa sya ng mahina sabay kunot ng noo "Anong chick-boy?? As in babaero?"
"Hindi! Pwede sa chick, pwede din sa boy" litanya nito na kinatawa nya ng malakas.
"G*go! Abnormal ka talaga! Pare-parehas lang kayong tatlong magkakapatid! Mga siraulo!" sinipa ko ito ng mahina sa binti na mabilis nitong iniwasan habang tumatawa din.
Hindi nya alam kung maniniwala ba sya o hindi. Hindi din kasi nya alam kung kelan ba ito seryoso.
"Aray! Hindi ka pa din nagbabago! Napaka-mapanakit mo, Baby girl!"
"Eh pano? Mga siraulo kasi kayo! Dapat sa inyo kinukulong sa mental!" irap ko dito
"Hay naku! Alam mo bang ikaw ang dahilan bakit ako nagkaganito?" paninisi nito sa kanya
Nanlalaki ang butas ng ilong ko at maging ang mga mata ko sa paratang nito sakin. "kapal ng mukha mong Lind-ta ka! Pano naging ako?"
Humakbang ako palapit dito at umatras naman ito. Wari bang iniiwasan ang maabot ng kamay ko. Alam yata nito na nangangati na ang kamay ko na bigwasan sya. Haha!
Nakangisi ito habang tila ba naghahanap ng matatakbuhan habang nakikipaghuntahan sa kanya "Eh kasi diba, nung nagtapat ako sayo nung bata tayo imbes na matuwa ka eh nasapak mo pa ko. Ngayon tuloy nagka-trauma na ko. Takot na ko umamin sa babaeng nagugustuhan ko. Kaya ----" kusa nito binitin ang sasabihin.
Kinunutan ko ito ng noo at tinangisan ng ngipin para ipakita na nagngingitngit na talaga ako sa kanya "Kaya ano? Letsugas ka pabitin ka pa eh!"
Tumawa ito ng malakas bago sumagot "Kaya napag-isipan ko na mag-try naman ng lalaki. Baka mas masaya" nang-aasar ang mukha nito habang nakamaweywang.
Mabilis ko itong nilapitan at dinamba sa likod hanggang sa parang nakapasan na ko dito habang pinupukpok ang ulo nito ng hindi naman kalakasan.
Nasa ganito kaming ayos ng biglang marahas na bumukas ang pinto at bumungad ang namumulang mukha ni Lithe habang naglipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Nakita kong kumuyom ang mga kamao nito at halos mabali ang susi ng kwarto na hawak nito.
"So, mukhang nag-eenjoy ka sa g*gong yan?! Bullshit!" sigaw nito. Sabay talikod at sinuntok ang lamesa na pinagpapatungan ng vase kaya nagbagsakan ang mga ito at nabasag.
Nagkatinginan kami ni Lindt "ano nangyari dun?" wika ng lalaki sakin. Nagkibit balikat lang din ako
"Hala kayo! Nagalit na ang dragon!" wika ni Light na biglang sumulpot sa kwarto habang nakataas ang isang daliri.
Akmang hahabulin ito ni Lindt pero mabilis na tumakbo na ito palabas.
"Let's go, Baby girl. Mukhang kailangan ng himas ng seloso mong asawa." nakangisi nitong wika sabay hila sa kamay nya
"G*go! Eh kung sabihin ko kayang bakla ka?"
Mabilis lumingon ito sa kanya ngunit hindi ko mabasa kung natutuwa ba ito o natatawa lang sa kanya dahil naniniwala sya sa kalokohan nito.
"Awit!" tili nito.
Hindi sya makangiti ng wagas dahil nag-aalala sya sa asawa. Baka nga sobrang nagalit ito.