Hinanap nya kung saan nagsuot ang asawa nya. Pumunta sya sa kwarto nito sa mansyon ngunit wala ito. Sinilip nya din ito sa veranda pero wala din. Tumingin sya sa baba mula sa veranda at nakita nya si Lithe na nakaupo sa bench ng garden habang nilalaro ng kamay ang cactus na nasa lamesa.
Mabilis syang bumaba at tinungo ang kinauupuan nito sa garden at tumabi dito. Dinig nya ang buntong hininga nito. Napadako ang tingin ko sa kamay nito na may dugo. Sanhi marahil ito ng pagsuntok nito sa lamesa na lagayan ng mga vase.
Humalukipkip ako at sumandal sa upuan "ang nguso mo kasing haba ng traffic sa edsa" tudyo ko dito
Lumingon ito at tinignan sya ng masama "bakit ka nandito? Dun ka kay Lindt" maktol nito
Tumawa ako ng mahina "para kang timang, Dunkin."
"o bakit. Gusto mo sya diba?" parang batang nagtatampo
"Lithe, hindi ko sya gusto. Hindi ko sya magugustuhan. Mas gwapo ka kaya dun. Mas malambing. Mas lalaki" halos hindi nya mabigkas ang huling salita
"Pero mas malaki yung akin" sabay sila napalingon na masama ang tingin sa nagsalita. Si Lindt na nakangisi
Tinangisan ko ito ng ngipin. Kagigil toh.. alam ng nagmamaktol tong isa gumagatong pa. Grrr!
"Gusto mong isampal ko sayo tong cactus?" nanggigigil kong wika dito at hinawakan ang cactus na maraming tinik na nasa table
Tumawa ito at tinaas ang mga kamay ng naka-peace "Joke lang! Masisira ang pogi kong mukha dyan, Baby girl"
"Pwede bang umalis alis ka sa harapan ko baka di kita matantya dyan!" pumulot ako ng maliit na bato at ibinato dito na agad na inilagan
Tumatawa itong tumakbo papasok ng mansyon.
Nilingon ko si Lithe at nakakunot noo pa din ito. Siniko ko ito ng mahina "ano nagtatampo ka pa din?" sinipat ko ang mukha nito na pilit iniiwas para hindi ko makita
Kakainis napaka-pabebe...feeling babae ayyy!
Marahan akong tumayo at bumuntong-hininga. "Okay, kung ayaw mo makipagusap bahala ka" at akmang aalis na ako.
Akmang patalikod na ko ng naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa braso ko para pigilan ako. Lihim akong napangiti. Winner..char!
Napanganga ako ng bigla ako nitong hatakin palapit at napaupo sa kandungan nito. Binaon nito ang mukha sa leeg ko at pinulupot ang mga braso sa beywang ko.
"Im sorry, Munchkin. I got jealous" mahinang usal nito habang nakabaon pa din ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko din ang pagsinghot nito at panaka nakang paghalik.
"Bakit ka naman kasi bigla bigla nalang naghuhuramentado, Dunkin?" untag ko dito. Pilit kinukubli ang pagiinit na nararamdaman ko sa kaibuturan ko sa simpleng paghalik nito at pagkakadaiti ng katawan nila.
"im sorry. Alam ko kasi karakas ng siraulo kong kapatid na yun buti nga at hindi na din nakisali si Light. Alam mo namang parehas malakas tama ng mga yun sayo." nanghahaba nguso na wika nito
"Pero sino ba ang asawa ko ngayon?" kumalas ako dito at nilagay ko sa beywang ang mga kamay ko habang nakakandong padin sa kanya.
Si Light at Lindt kasi ang mga umamin na may crush sa kanya dati. Pero etong si Lithe naman ang naging crush nya. Hays life!
Ngumiti na ito at inabot ng mga palad ang magkabila kong pisngi at hinila palapit sa mukha nito. Mabilis nitong kinintalan sya ng halik sa mga labi. "thank you, Munchkin"
Kinuha ko ang isang kamay nito yung may sugat. "ayan tuloy nagkasugat ka. Halika na sa loob at gamutin natin ito"
Ngumisi ito ng nakakaloko "Gamutin mo din ang bullet train ko, Munchkin."