Chapter 9

1863 Words
Jolie/ Marian pov Dahil sa biglang pagpatay ng mga ilaw sa event O mas sabihin na date nang sinasabi ng lalaking minsan ko nang minahal, o mas sabihin natin buong buhay kong minahal! Ang Ang simpleng date na na sinasabi nila ay malinaw na saakin, ang babaeng kina iingitan ko ay walang iba kunti ako! Ang babaeng unti unti nyang pinapatay walang iba kundi ako! Oo, ako si Marian Mondragon ang nag iisang tagapagmana ng Cruises sa buong mundo. Pero dahil may ganid na mga tao! Nakuha pa nilang, magnakaw at pumatay nang taong walang kalaban laban. At ang taong subra kong Minahal, hindi ko akalain sya pala ang papatay saakin ng unti unti. Bakit ba nagbalik ang ala Ala ko, bakit hindi nalang ako hinayaan ng dios Para mabuhay ng payapa at tahimik, masaya Naman ako kahit wala kong pamilya! Hinding Hindi ko sya mapapatawad, ang pinaghirapan ni mommy at daddy, iba ang nakinabang!! Ang Sakit, subrang sakit! Hindi ko na alam kung ilang luha na ang naluha ko, pero hindi ako Magpapatalo, pagbabayaran nya ang ginawa nya Sa pamilya ko!! Dahil bumalik lahat ng sakit! Flashback "Hello babe malapit na kami" sabi ko sa kabilang linya. "Babe, wag na kayong tumuloy bumalik na kayo Sa bahay" si Alvin "Pero andito na kami babe" sabi ko naman "Damm it" narinig ko pang sabi nya Dahil malapit na kami sa event na pupuntahan namin kaya pinatuloy ko nalang ang takbo ng Driver ko, pero bago pa sana sya liliko may humarang na saamin. Bigla akong kinabahan Bumaba ang mga goons at pilit nila ako pinababa. Pero gusto ko tawagan ang bf ko pero hindi ko na makontak. "Mam, mukhang ikaw ang kailangan nila" Sabi ni mang delfin. "Mang delfin wag mong bubuksan ang pinto" Utos ko naman dito. At sumunod naman! Pero binasag lang ang salamin ng kotse ko at walang awang pinagbubugbog ang driver namin, "Mga hayop kayo!!" Sigaw ko dito. "Mas hayop ang master mind dito miss Mondragon" nakangisi nyang sagot "Halika na hinihintay ka na nila" sigaw pa nya At hinila na ako!! Nagpupumiglas ako pero bale Wala lang. Piniringan nila ang mga mata ko kaya wala akong makita. "Nasaan ako? " tanong ko sa kanila "Marian, anak what are you doing here" boses yun ni mommy Bigla akong kinabahan ng triple sa pagkarinig ko Ky mom. "Mommy, mommy" sigaw ko dito At may nag alis ng piring sa mga mata ko Pagtambad ko, si daddy na nakahandusay sa sahig ang nakita ko na naliligo sa sariling dugo "Da... Da... Dad... dy.... " nanginginig kong boses Habang si mommy naka gapos ang mga kamay Na naka tali sa isang upuan. "Mo... Mo.. Mommy... " halos wala nang lumabas sa bibig ko sa mga nakikita ko.... "Ano misis Mondragon!! Magmamataas kapaBa Kapag sarili mo nang anak ang duguan naman sa harap mo" sigaw ng lalaki na wala na atang kaluluwa. "No, no no please! Pakaawalan nyo na ang anak ko, ibibigay ko na ang gusto nyo wag nyo syang sasaktan!!! " sigaw ni mommy "Sinasabi ko na nga ba eh, madali ka naman palang kausap, kung kanina sana eh buhay pa siguro ang asawa mo!!! " sigaw nya ulit Nanginginig ang kalamnan ko, gusto ko ako nalang ang tatapos sa kanila. Pero wala akong Magawa..... "Mommy im sorry" bulong ko dito Dahil wala na akong boses na lumalabas "Anak lumaban ka, kahit anong mangyari mabubuhay ka" sigaw naman ni mom Punong puno na ang luha ng aking mga mata kaya hindi ko na maaninag ang taong pumasok "Ohhh, boss buti naman dumating kana, patay na sya, at isusunod ko na rin ang mag ina, tulad sa usapan, hati tayo sa kayamanan nila na maiiwan, " sabay halakhak nyang malakas "Bakit hindi nyo ako hinintay bago kayo gumawa ng hakbang hah" sigaw nya sa lalaki Pero sapat na ang boses nya na narinig ko, ang walangyang lalaki, isa sang trydor!! At bigla nalang akong nagkaroon ng lakas ng luob na harapin sya kahit alam ko wala na akong magagawa, dahil bukod sa nakatali na ag mga paa ko nakagapos pa ang mga kamay ko! "Eto ba, eto ba ang gusto mo hah, ang patayin mo ang mga taong nagtiwala sayo!! Bakit kailangan ganito ang mangyari, bat hindi mo nalang hiniling, baka binigay pa sayo nga kusa Ni daddy, bakit kailangan kapang pumatay, hayop ka kriminal" sigaw ko dito! Kahit kapos na ang bosed ko, pinipilit ko parin Na ilabas lahat ng sama ng luob ko, total papatayin lang naman kami. "Alam mo na pinagsisihan ko na minahal kita, Kung alam ko lang, na ikaw pala ang kukuha sa buhay namin, sana..... Sana hindi nalang kita Minahal..... "Patuloy parin ako sa pag iyak "Ngayon ano pa ginagawa mo, sige patayin mo Kami, katulad ng sa pagpatay mo sa daddy ko na walang kalaban laban" sigaw ko pa "Boss sayang naman kung hindi pakinabangan si miss Mondragon" sabad ng isa at sabay sabay na silang nagtataawan. "Walang gagalaw at kahit ni hibla ng buhok nya wag na wag nyong hahawakan" sigaw naman nya na at bigla naman tumahimik ang lahat "Hahaha, hahawakan??? Eh paano kung sabihin Ko sayo na pinagsawaan na ako ng mga tauhan mo" sigaw ko dito, pero hindi yun totoo wala naman talagang nangyari. Nakita ko pa bigla nalang nagdilim ang mukha nya, na akala mo gusto na naman pumatay, "Ganyan sige ipakita mo ang tunay mong pagkatao' kausap ko sa sarili ko. Lumapit sya saakin. "Sino ang humawak sayo papatayin ko" Tanong nya pero tinawanan ko lang "Bakit kung sasabihin ko ba lahat sila papatayin mo? " pang iisulto ko dito "Kung mabubuhay man ako ngayon, habang buhay kitang kamumuihan, at kung mamatay Din ako, kahit sa kabilang buhay, kamumuihan Parin kita, kahit saan ako magpunta dala dala ko ang galit sa puso ko sayo" sigaw ko dito Nakita ko sa kanyamg mga mata ang sakit pero Bale wala lang saakin ang lahat!! Dahil higit pa Kinuha nya saakin. "Dalhin nyo na ang bangkay sa labas ni Mr Mondragon! " utos nya sa mga tauhan nya. Gusto kong lumuha pero wala nakong luha. "Pakawalan mo na si mommy kung my awa kapang natitira dyan sa puso mo! " sabi ko dito Pero ang kriminal parang walang narinig! "So, tapos naba ang ang drama dito brother? " Tanong ng isang lalaki na kakapasok lang "Baldirama, " rinig kong bulong ng kaharap ko "Buenavista, bat ang tagal mo naman gawin ang part mo, diba nag usap na tayo, ohh baka naman ako na ang gagawa! " sabi pa nito "Ang usapan natin kukunin lang natin ang ari arian nila, hindi kasali ang mga buhay nila" Sigaw din nya! " opppsss, sorry pasyensya na excite ako eh" Bale wala naman sagot ang baldirama kausap nya. "Hayop ka..... '''Susugod na sana sya kaso tumambad ang mga tauhan nila "Relax Buenavista, nakalimutan mo na saling pusa kalang dito, para naman wag mong sabihin na hindi tabla sige, ibabalato ko na sayo ang anak nya, kahit alam ko naman na pinagsawaan mo na!" Malaswa pa nyang sagot "Pero syempre patayin ang ugat" sabay tutop ng baril ky mommy " No please!! Ako nalang patayin nyo" Pagmamakaawa ko naman dito "Hahahaha!! Oh Buenavista hindi mo ba pinaligaya to, bat gusto nang mamatay" sigaw pa nya "Baldirama tama na!! Wag mona silang idamay, sayo na lahat pakawalan mo na sila" alvin "Akala mo makakalabas kayo dito, hinding hindi kayo makakalabas dito ng buhay! "Men igapos sila lahat,! Utos ni Baldirama "Hayop ka Baldirama kapag nakawala ako dito papatayin kita"sigaw pa ni Alvin "In your dream Buenavista" sabay halakhak "Anak, mahina na si mommy, ipangako mo na makaalis ka dito kahit anong mangyari hah" "Mommy lalabas tayong dalawa dito, magsasam pa tayo diba hmmp? " pagsusumamo ko "Anak, hindi ko na kaya, at gusto ko rin malaman mo na may sakit ako sa puso at malala na, baka siguro hangang dito nalang ang buhay ko. Ayaw lang namin sabihin sayo ng daddy mo Kasi ayaw namin na mag alala ka" naiiyakna si mom. "No... No! Hindi totoo yan mom no please, don't" Hikbi ko....... "Anak promise me, na kahit wala na kami ng dad mo magiging masaya ka sana" Bakit parang naghahabilinn na si mom. "Mommy kahapon lang masaya pa tayo diba, gisingin mo ako panaginip to si daddy buhay pa sya diba? "Hikbi ko ky mom Pero niyapak lang ako, kahit parehas kaming Nakagapus, "iloveyou anak" "Mommy, i.... Lo.. Lo... ve you too mo.. Mmy" Hikbi ko. "Wag kayong mag alala mrs mondragon ilalabas ko kayong buhay dito" determendo naman sabi ni alvin. "Hijo promise me, no matter what happened protekhan mo sya" si mommy Sa narinig ko tumawa lang ako ng malakas "Protektahan???? Mom kani kanina lang, at ang nangyayari saatin ngayon, ng dahil sa kanya LAHAT bakit mo pa ako ibibilin sa ganid na to, kung sya mismo ang gumawa nito saatin hah" sabi ko sa mommy ko na hindi ko mapigilan ang emosyon "Anak u don't understand.... " magpapaliwanag pa sana si mommy pero pinatigil ko na "No, stop mommy!! Alang ala nalang ky daddy, Kung hindi dahil sa ganid na to, wala tayo dito, walang nangyari ganito, kaya kung mabigbigyan ako pagkakataon na makatakas dito ako mismo ang papatay sa kanya" Sabay tingin ko sa kanya ng masama. Pero nakita ko na may nagkislapan na mga butil na nahulog sa mga mata nya. "Umiiyak pala ang kriminal" parinig ko dito "Ano ang haba naman ng dramahan nyo? " Si Baldirama. "Sige na kunin nyo na si Mrs Mondragon" utos nya sa mga tauhan. Kukunin na sana nila si mommy pero bigla nalang sumabat ang kinamumuhian nya "Ako na ng tatapos ng lahat, pero pwede ba sa labas nalang duon sa my cruise" sabi pa nya "At mabuti naman at nagbago na ang isip mo" Sagot naman ni baldirama Nasa labas na kami hindi ko alam kung ano na nang mangyayari, pero bago yun my pakiusap pa sya sa amo nya, oo amo nya kasi kung sya ang boss bakit sya ang sunudsunuran! "Baldirama, pwede ba maghabilin sa anak ni miss mondragon" tanong nya. "Tsk, ang dami mong arte Buenavista la sige dalian mo" utos naman nito Kaya naman lumapit na saakin. At bumulong "In 3mins, may darating, pagputok ko ng baril, tumalon ka sa dagat, susundan kita duon, don't worry sa mom mo, sila na ang bahala sa kanila" Sabi pa nya bago na umalis. "Wow at may habilin kapang nalalaman ah Buenavista" si baldirama "Pampabwenas lang baldirama" si alvin "Ok simulan mo na! "Utos pa nya "Pwede bang ilipat nyo din miss mondragon, para naman ganahan ako na tatapos sa ina nya sabi pa nito. "Ok as u wish, men dalhin si miss mondragon dito" sigaw ni baldirama Pero bago barilin ni alvin si mommy nakita ko pang may hawak na baril ang tauhan nila na nakatutop kay mom, kaya naman bago pa matamaan si mommy, sinalo ko na ang bala na Para sana sakanya, at dalawang putok ang narinig ko, at bigla nalang ako nahulog sa dagat, bago ako nawalan ng malay tinawag ko pa ang mommy ko! "Daddy, mommy iloveyou" bulong ko pa bago ako nilamon ng tubig. Ends of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD