"What?? Magkasama sila??" hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan ni Helen na si Sophia nang i-kwento niya dito ang tungkol sa pagpunta ni Grecian sa Batanes.
Kasalukuyan naman silang nag-uusap sa isang coffee shop.
"Hindi rin ako makapaniwala hanggang ngayon na maglilihim sa 'kin si Paris. Kilala ko si Paris, anumang bagay na may kinalaman sa 'kin, sinasabi niya agad sa 'kin 'yon. Nakakapagtaka lang..." Napapaisip din naman ang kaibigan ni Helen habang nagsasalita siya.
"Hindi ako sigurado Helen, pero parang may tinatago si Paris sa 'yo." Napaisip naman siya sa sinabi nito.
"Parang hindi rin eh. Kasi nang puntahan ko si Grecian sa Batanes, ang sabi ni Grecian, siya ang nagpumilit na makituloy sa bahay ni Paris," tugon niya dito.
"Well, it doesn't make sense. Basta ang gawin mo, kung ano makakapagpasaya sa 'yo, 'yon ang gawin mo." Bigla naman itong ngumiti.
"Thanks sophia."
"I have to go, Helen. Kailangan na ako sa business ko," paalam nito sa kanya.
"Sure. Mag-iingat ka." Nang makaalis na ito, napaisip naman siya sa sinabi nito.
Kung ano man ang tinatago mo Paris, malalaman at malalaman ko 'yon.
Patuloy siya sa pag-iisip habang nagkakape.
****
"Nanay Celia." Malamig ang boses ni Paris at ramdam ang lamig ng hangin kasabay ang malakas na buhos ng ulan. Kanina lamang ay tirik na tirik ang araw pero agad namang umambon nang magsimula siyang maglakad papunta sa bahay ng kaniyang nanay Celia.
Kasabay no'n ang biglaan pagkulog at pagkilat hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan
"Diyos ko anak! Bakit basang-basa ka?!" Gulat ang mukha ng ginang nang makita nito si Paris.
Habang malakas ang buhos ng ulan, inaasikaso naman ng ginang ang nilulutong champorado.
Nakita nito si Paris sa labas ng kanilang bakuran. Nagpatuloy sa pagsasalita ang ginang.
"Naku! Halika muna dito, pumasok ka!" Maagap ito at kaagad na kumuha sa loob ng bahay ng isang malinis na tuwalya at agad na pinunas sa mukha ni Paris.
"Ako na po nanay Celia, nakakahiya naman po..." saad niya dito.
"Hindi anak, ako na. Naku, ikaw na bata ka oh! saan ka ba galing?! Aba, sobrang lakas ng ulan!" Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"Pasensiya na sa istorbo, nanay Celia. Gusto ko lang dumalaw dito sa inyo," pagdadahilan niya. Napangiti naman ang ginang sa sinabi niya.
"Naku Paris, kahit na kailan pwede kang pumunta dito," sabi nito habang patuloy sa pagpunas sa kaniyang katawan. Napapangiti siya sa ginagawa nito sa kaniya. Talagang anak ang turing nito sa kaniya.
Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.
"Pero Paris, anak, pwede ka namang magdala ng payong. 'Ayan tuloy, basang-basa ka. Mabuti nalang at saktong nagluluto ako ng champorado. Paborito ni Fredo at alam kong gusto mo rin 'yon." Napangiti ito.
"Talaga po?" Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi nito.
"Oo anak. Naku! oo nga pala, nagpunta si Fredo sa bahay niyo, kumusta naman ang pagdalaw niya?" Bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay. Unti-unti na rin siyang natutuyo dahil sa ginagawa nitong pagpunas sa kaniya.
"'Ayon po, nagkwentuhan kami ni Fredo at kumain ng dala niyang pansit palabok. Hindi pa rin po nagbabago si Fredo nanay Celia... Nakakatuwa po siyang kausap," tugon niya dito.
Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Tila nabahiran iyon ng malalim na pag-iisip at lungkot. Nagsalita si Paris.
"Bakit nanay Celia? May nasabi ba akong mali?" nag-aalala niyang tanong dito.
"Wala anak, sobrang masaya lang ako nang sabihin mo sa 'kin ang tungkol sa pagdalaw ni Fredo. Simula nang mamatay ang kaniyang tatay, hindi ko na ulit nakita at naramdaman ang pagiging masayahin at ang pagiging makulit ng batang 'yon. Pero ngayon na nai-kwento mo sa 'kin ang pagdalaw niya, alam kong may malaking siyang dahilan para maging masaya ulit," maluha-luha nitong sabi.
Makalipas ang ilang taon na pagkamatay ng mga magulang ni Paris, ay siya namang pagkaulia ni Fredo sa ama. Nalaman niya iyon nang ibalita ng ginang sa kanya ang nangyari.
Hindi ni Paris inaasahan ang ganoong pangyayari sa buhay ni Fredo. Hinahangaan niya ito dahil sa kabaitan at pagiging masayahin . Pero batid niyang nagbago ang lahat ng iyon nang mawala ang ama nito.
"Nanay Celia, dahil 'yon sa 'yo. Alam kong alam ni Fredo na sobrang swerte niya at ikaw ang naging nanay niya. Maswerte po siya, Maswerte rin po ako dahil anak po ang turing niyo sa 'kin. Nagpapasalamat ako dahil do'n, nanay Celia." Dahil sa sinabi niya napapahikbing niyakap siya nito.
Isang mahigpit na yakap ang itinugon niya mula rito.
Kahit ulila na siya ng lubos, maswerte siya at naramdaman niyang mayroon siyang nanay na tulad nito.
"Erhm! Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" Isang boses ang nagpalingon sa ginang at kay Paris.
"Fredo, anak! naku! pati ba naman ikaw, basa rin?? Hay! kayo talaga ni Paris, oh! Hindi na kayo nagbago! mga pasaway pa rin," natatawa nitong sabi. Alam ng ginang kung gaano kalapit sa isa't isa sina Paris at Fredo.
Napatingin naman si Fredo kay Paris.
"Uy! May bisita pala tayo! At basang-basa pa!" Natawa naman si Paris nang pabiro siya nitong tingnan.
"Pasensiya na Fredo na-miss ko lang si nanay," tugon niya dito.
"Mukha nga eh!" napapatawang sabi ni Fredo.
"Oh siya! Sige na. Paris, pumunta ka na sa kwarto at magpalit ka na," agad na nagsalita ang ginang.
Maiigi niyang sinuri ang buong kabahayan at may mga nagbago na rito kumpara sa dati.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang ginang.
"At ikaw naman Fredo, doon ka muna sa sala. Naku! Tingnan mo 'yang nga gamit mo, Basang-basa!" Nahihiyang sumunod naman si Fredo sa sinabi ng ginang.
Tumingin ito kay Paris habang napapakamot sa batok. Iba na ang hitsura nito kumpara sa dati.
Napatawa naman siya sa hitsura nito. Basa ang buhok nito pati ang uniporme, hanggang sa suot nitong sapatos. Pero hindi iyon dahilan para matakpan ang dating nito bilang isang lalaki.
"Paris, sa kwarto ka ni Fredo mag palit ng damit. Kahit na maluwang ang mga damit ni Fredo, basta may masuot ka lang. Sige na, baka lamigin ka pa," sabi nito nang ibaling nito ang atensyon sa kaniya.
"Sige po nay," tugon niya dito. Agad siyang pumasok sa kwarto ni Fredo.
Isang maluwang at Itim na shirt ang nakuha niya. May nakita siyang itim na boxer shorts at agad niya iyong isinuot. Isang pulang jersey shorts naman ang kaniyang nakuha mula sa kabinet nito. Narinig niya naman ang pagtawag sa kaniya mula sa labas ng kwarto ni Fredo.
****
"Paris anak, halika na dito. Nakahain na ang pagkain." Narinig ni Fredo ang pagtawag ng kaniyang ina kay Paris. Nagulat siya sa pagdating nito. Medyo nahiya pa siya nang makita ito. Hindi niya inaasahan na dadalaw ito ng biglaan lalo pa at malakas ang buhos ng ulan. Nakita tuloy nitong basang-basa siya.
Kasalukuyan naman siyang nagpupunas gamit ang tuwalyang ipinunas kanina ng kaniyang ina kay Paris. Sinadyang amuyin ni Fredo ang tuwalya. Kumapit sa tuwalya ang amoy ni Paris.
"Fredo ano 'yang ginagawa mo? Magbihis ka na sa taas at tawagin mo na si Paris baka lumamig itong pagkain." Bahagya siyang nagulat nang magsalita ang kaniyang ina.
"Sige po, nay. Tawagin ko na si Paris." Agad niyang tinungo ang kwarto niya.
Walang pintuan ang kwarto ni Fredo at tanging isang kurtina lang ang nakaharang. Nang makapasok siya sa loob, nagulat siya nang makita si Paris na naka boxer shorts lang.
Nakita niyang suot nito ang itim niyang shirt at napansin niyang isusuot palang nito ang pulang jersey shorts niya.
Hindi nito napansin ang pagpasok niya. Maliwanag pa sa buwan nang makita niya kung gaano kaganda ang balat nito. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Fredo ang mamula-mulang tuhod at siko ni Paris. Nang mapansin siya nitong nakatayo ay nakita niya ang pagka-gulat nito. Nagmadali itong suotin ang jersey shorts niya.
"F-fredo?! Nanggugulat ka naman diyan!" Napatawa siya sa reaksyon nito.
"Magugulatin ka na pala ngayon Paris? nga pala, tinatawag ka na ni nanay. Kakain na raw." Nang mapansin niyang nakabihis na ito ay agad naman niyang hinubad ang basa niyang pang-itaas na uniporme.
Tiningnan niya si Paris at nakita niya ang ayos nito suot ang ilan sa mga damit niya.
"Pasensiya ka na Fredo biglaan kasi akong napadalaw dito sa bahay. Pasensiya na kung hihiram muna ako ng mga damit mo ha? na-miss ko rin kasi si nanay Celia," nahihiyang sabi nito. Napangiti naman siya dito.
Umaandar naman ang pagiging makulit ni Fredo.
"Ayos lang 'yon. Eh, ako? Hindi mo ako na-miss?" nakangiti niyang tanong dito. Napansin ni Fredo na hindi makatingin ng deretso si Paris sa mga mata niya.
Napapakamot naman si Paris sa likod ng ulo.
"Ha? Eh, gano'n na rin 'yon. Sige na bababa na ako. Sumunod ka nalang din." Pansin ni Fredo ang pag-aalangan ni Paris sa kaniya.
Parang may nagbago dito at kung anuman iyon, gusto niya iyong malaman. Agad itong lumabas ng kwarto niya.
Napagtanto niyang nakahubad siya ng pang-itaas na damit. Siguro ay hindi na ito sanay na makita siyang ganoon kaya hindi ito makatitig sa kaniya. Pero tinanong niya rin ang sarili kung bakit anong problema do'n? samanatalang dati naman, kahit naka-brief lang silang dalawa at sabay na naliligo sa ulan ay ayos lang naman. Hindi maiwasan ni Fredo na mapaisip sa pagbabago ni Paris. Pero sa huli ay naintindihan niya ito.
Ilang minuto lamang ang lumipas at nakapagbihis na siya. Isang asul na sando at itim na shorts ang suot ni Fredo.
Agad siyang bumaba nang maramdaman ang pangangalam ng sikmura.
Nang marating niya ang hapagkainan, nakita niyang seryusong nag-uusap ang dalawa. Nagtaka siya sa nakita. Ang hinain ng kaniyang ina ay hindi pa nagagalaw sa lamesa.
"Nay, mukhang seryuso ang usapan niyo ni Paris ah?" Bahagyang nabigla ang dalawa nang mapansin siya ng mga ito.
"Umupo ka. May sasabihin si Paris. Makinig ka ng mabuti at sana maunawaan mo siya." Seryuso ang boses ng kanyang ina.
Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.
"Fredo, bago ang lahat, gusto ko sanang magpasalamat sa lahat ng tulong na ginawa niyo ni nanay. Pero sana maintindihan mo ako, sana maunawaan mo ang sitwasyon ko." Isang mahinahon na boses ang kaniyang narinig mula kay Paris.
Kinakabahan siya sa sasabihin nito. Baka ito na ang huling beses na dadalaw ito sa bahay.
"Maiiwan ko muna kayo," sabi ng kaniyang ina at agad naman sila nitong iniwan sa hapag.
Isang malalim na paghinga ang kaniyang naramdaman mula kay Paris. Kinakabahan siya sa sasabihin nito.
"Fredo, may aaminin ako sa 'yo... Sana maintindihan mo ako." Kita ni Fredo ang lungkot sa mukha nito.
"Sigurado akong mauunawaan ko 'yon.. Pamilya tayo eh..." Pilit niyang kinakalma ang sarili.
"Fredo hindi ako 'yong isang tunay na lalaking inaakala mo. Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa inyo ni nanay pero ngayon lang ako nagka-lakas ng loob para sabihin sa inyo ang lahat tungkol sa 'kin. Nagkakagusto ako sa babae at sa lalaki, Fredo. Pero hindi ko maintindihan... Mas mabigat ang epekto sa 'kin ng isang lalaki. Pero hindi ako katulad ng iba, Fredo... Masaya ako kahit ako lang, kahit sarili ko lang, kaya kong panindigan ang sarili ko... 'Yon nga lang, naduwag akong sabihin sa inyo ni nanay na ganito ako... Mahirap pero kinakaya ko. Fredo sana maintindihan mo ako. Inaamin ko, nagsinungaling ako sa inyo ni nanay..." Hindi alam ni Fredo kung ano ang tamang salita para isagot sa mga sinabi ni Paris.
Katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Nakayuko ito at tila pinapakiramdaman ang sasabihin niya.
"Matagal mo 'tong tinago sa amin ni nanay, Paris? Hanggang sa mawala ka na lang bigla, hindi mo pa rin sinabi sa 'min?" May bahid ng tampo ang boses ni Fredo. Hindi niya alam kung anong sasabihin kay Paris.
"Sinadya ko 'yong gawin para hindi niyo ako pandirihan..." Alam niyang lumuluha na ito kahit na nakayuko ito naririnig niya ang paghikbi nito.
"Hindi kami gano'n, Paris... Ikaw lang ang nag-iisip niyan," tugon niya dito.
"Alam ko, Fredo. Alam ko, naduwag ako. Pero sana maintindihan mo 'yong sitwasyon ko–" Alam niyang mabibigla ito sa sasabihin niya.
"Alam ko, naiintindihan ko. Naiintindihan kita kasi gusto kita, Paris. Gusto kita..." Isang gulat na ekspresyon ang nakita niya nang mag-angat ito ng mukha sa kaniya.
"Fredo... A-anong ibig mong s-sabihin?" Hindi pa rin ito makabawi sa sinabi niya. Nanatili namang kalmado si Fredo.
"Matagal nang alam ni mama na ganito ako. Matagal ko nang sinabi sa nanay. Sinabi ko rin sa tatay bago siya mawala. Pinaniwala ni nanay ang sarili niya na isa akong purong lalaki noong mga bata pa tayo, Paris. Ang akala ko, hindi na ako matatanggap ni nanay. Hindi ko rin sinabi sa 'yo dahil baka iwasan mo ako, baka hindi ka na pumunta dito. Ayokong mangyari 'yon. Hindi ko kaya... Matagal na kitang gusto Paris..." Napayuko naman si Fredo sa pag-amin niya.
****
Hindi makapaniwala si Paris sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Alam nito kung ano siya at mas lalong nagulat siya nang umamin din ito sa tunay na pagkatao. Hindi niya inaasahan na pareho silang dalawa. Matalik niyang kaibigan si Fredo pero kahit kailan hindi niya nakitaan ng kaunting pagka-gusto sa parehong kasarian.
"Fredo, totoo ba 'yan? Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong niya dito. Hindi ito makatingin sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay nito. Kahit hindi nito sabihin ay alam na ni Paris kung bakit.
Pero hindi niya inaasahan na gusto pala siya nito. Hindi niya akalain na hindi lang si Gilbert ang kaibigan niyang katulad niya ay pareho ang pinagdadanan.
Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Gusto kita, Paris... Gusto kita." Mahigpit ang yakap na ginawa ni Paris kay Fredo pero nang sabihin nito ulit ang nararamdaman para sa kaniya, naging dahilan iyon para lumuwag ang yakap niya mula kay Fredo.
Huminga siya nang malalim bago magsalita.
"Fredo, hindi ko akalain na ganiyan ang nararamdaman mo pero hindi madali ang gano'ng bagay. Hindi mo alam kung gaano ka-miserable ang magiging buhay mo kapag ipinagpatuloy mo 'yang nararamdaman mo. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon." Isang malungkot na boses ang narinig ng binata.
"Pero matagal na 'to, Paris... Matagal na akong naghihintay." Naging malungkot din ang boses nito.
"Fredo makinig ka, binata ka at gwapo. Maraming babae ang magkakagusto niyan sa 'yo. Huwag mong sayangin ang buhay mo para sa isang bagay na alam mong hindi mo kakayanin."
"Kaya ko, Paris. Kahit kailan hindi pa ako nagkaka nobya," mahinahong sagot nito.
"Subukan mo Fredo." Hindi makakapayag si Paris na masaktan lang ito. Malaki ang responsibilidad nito bilang isang anak at bilang isang guro. Akmang magsasalita ulit si Paris nang biglang may gawing hindi inaasahan si Fredo.
"Fredo–" Bigla siya nitong hinalikan.
Napahigpit ang kapit niya sa binata.
The moment Fredo started to kiss Paris passionately, he want Paris even more. He didn't stop. He expeditiously in his tongue to Paris and he ceaselessly explore inside.
Hindi makahinga si Paris dahil sa ginagawa nito sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas at paulit-ulit ito sa ginagawa sa kaniya habang nakapikit at mahigpit ang hawak niya sa braso nito.
Pinilit niya ang sarili na awatin ito. Hindi na siya makahinga sa ginagawa nito.
"Fredo!" Biglang sambit niya. Nang makabawi siya sa halik nito ay isang malakas na sampal ang ginawa niya kay Fredo.
Walang ekspresyon ang mukha ni Fredo nang sinampal niya ito.
Nagmamadali siyang umalis.
Napalingon siya nang tinawag siya nito.
"Paris!" Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Pero wala siyang ibang maisip kundi ang umalis.
Nang makalabas siya sa pintuan ng bahay, nakita niya ang kaniyang nanay Celia.
Inaasikaso nito ang pagpapakain sa mga alaga nitong hayop sa bakuran.
"Anak, aalis ka na?" Nabigla ito nang makita siya.
"Opo, nanay Celia... Mauna na ho ako. Babalik na lang po ako." Mabilis niyang nilakad ang daan palayo sa bahay.
May sinabi pa ang ginang pero hindi na niya iyon narinig dahil mabilis siyang nakalayo.