CHAPTER THREE *BHL: The Witness of Love*

3259 Words
"Thank you," iyon na lamang ang lumabas sa bibig ni Grecian dahil hindi niya alam kung paano pasalamatan si Paris sa nagawang tulong. "You're welcome." After Paris confess about his s****l preference, he didn't bother to say anything. Tinitigan niya ito. Hindi pa rin ito nagsasalita mula kaninang nasa biyahe sila hanggang nakarating sila sa event na pupuntahan niya. Pagkatapos ng pag-uusap nila nag-alok itong ihatid nalang siya. Nag-alangan pa siya pero wala siyang choice. Sira ang kotse niya. Nilingon naman siya nito. "Ayos ka lang?" Tila nabigla ito. "Yes, I'm okay. Dito na ba 'yon?" "Yeah it's here, salamat ulit." Pag-uulit niya. He couldn't figure out what's with Paris. Kanina pa ito tulala at parang malungkot. "Ayos lang, ah Grecian?" Tinignan niya ito. "Oh?" "I don't want to talk about this one but I hope you understand, you know I've witnessed all the love that Helen did just for you to love her back. I don't want her to contemplate everything that you've said to her, Nakakaawa siya sana naman makita mo 'yong side niya." Kalmado pero napaka-seryoso nito habang nagsasalita. Hindi niya alam kung ano nga ba ang isasagot niya dito. Nakatitig lamang siya sa mata nito. "Yeah I understand, Pero buo na desisyon ko. Pasensiya na," Tugon niya dito. Akmang magsasalita ito pero kaagad naman siyang nagsalita. "Kung ano man ang naging dahilan ng hiwalayan namin, sa 'min nalang 'yon." Paliwanag niya dito. "Sige naiintindihan ko, Pasensiya na. Pa'no? Mauuna na ako ha? Baka hinihintay na ako ng mga bata eh," Hindi alam ni Grecian pero parang may gusto siyang sabihin dito kaso naunahan naman siya nito. "Yeah sure, keep safe Paris." "Sige, salamat din." Nginitian niya ito at marahang isinara ang pinto ng sasakyan. Paris started the engine and eventually sped away. **** Nakakapagod pero sulit naman ang saya na nadarama ngayon ni Paris. Matagal na niya itong gustong gawin. Ang gumala kasama ang dalawang malalapit sa kanyang puso. "Henry? Sarah? Ayos na ba ang mga gamit niyo?" Tanong niya sa mga ito habang inaayos ang mga gamit nila paalis. "Ayos na ayos na po kuya Paris!" Sabay na tugon ng dalawa. "Okay sige sumakay na kayo sa kotse, magpapaalam lang ako sa ibang mga bata." Alam niyang magtatampo ang mga ito. Kaso hindi naman pwede na higit sa dalawa pa ang dalhin niyang mga bata. Baka hindi niya kayanin na tignan at alagaan ang mga ito. Nagpaalam siya kay sister Ana na hihiramin na muna sina Henry at Sarah. Isa ito sa mga namumuno sa pangangasiwa ng mga bata. kaagad naman niyang kinausap ang dalawang batang sasama sa kanya. Masigla ang mga ito nang marinig ang sinabi niya. Nakita niyang nakaabang ang mga bata sa kanya. Kabilang na sina Lucy at Johny na parang nakayuko at nagtatampo. Nilapitan niya ang mga bata. "Lucy? Johny? 'wag na kayong magtampo kay kuya Paris, babalik din naman kami kaagad." Pag-aalo niya sa dalawa. Alam niyang nagtatampo ang mga ito kabilang na din ang mga batang kasama ng dalawa. May ibang yumakap sa kanya. "Akala ko pa naman kuya Paris maglalaro tayo," Nangingilid na ang mga luha ni Lucy. "Bakit sila lang ang isasama mo kuya Paris?" Nagtatampong tanong ni Johny sa kanya. Bumuntong hininga siya. "Johny, Lucy, hayaan niyo kapag seven years old na kayo, isasama ko kayo pangako ni kuya 'yan." Pumupungas na napayakap ang dalawa sa kanya. Kung pwede lang niya itong isama ay kanina pa niya ginawa. Nakita niyang lumapit na sina sister Andrea at sister Jacky para magpaalam din sa kanya. "Sister Andrea, Sister Jacky, kayo na muna ho ang bahala sa mga bata ah?" Sabi niya sa dalawang madre. Tumango naman ang mga ito. "Sige na, aalis na kami." "Kuya balik kayo agad ha?" Sabi ni Lucy. "Kuya Paris sama na kami sa susunod ah?" Dagdag naman ni Johny. Niyakap niya ulit ang mga ito. Nakisabay na rin ang ilang bata na mangiyakngiyak na din. "Oo naman, sige na." Hindi niya mapigilan na mapaluha. Talagang mahal siya ng mga bata. Nakabalik naman siya agad sa kotse. Nakita niya ang mukha ng dalawang batang kasama niya. Kanina ay puno ng sigla ang mga ito pero agad din naman naging tahimik at matamlay. "Uy, ayos lang ba kayo diyan sa likod? Bakit parang di kayo masaya?" Tumingin ang dalawa sa kanya. "Nalulungkot lang po kami kuya Paris kasi hindi natin kasama sina Lucy at Johny," Tugon ni Henry. "O kahit isa sa mga kalaro namin sa bahay ampunan," Dagdag pa ni Sarah. He knew how they feel and he cannot blame them because they treat their selves as brother and sisters. Masakit iyon para sa kanya. "'Wag na kayong malungkot, hayaan niyo isasama na natin sila sa susunod. Kayo na muna ang isinama ko ngayon kasi kayo ang mas nakakatanda, kaya mas madali ko kayong maasikaso." "Talaga kuya Paris?" Manghang tanong ni Henry. "Oo naman!" "Kuya Paris," Tinignan naman niya si Sarah na parang malungkot pa rin. "Oh sarah? May problema ba?" Tumitig ito sa kanya at saka nagsimulang lumuha. Nag-alala siya para sa bata. Inakala niyang may masakit sa katawan nito. "Kasi po kung hindi dahil sa pagiging madaldal ko, hindi po sana malalaman ni kuya Grecian 'yong tungkol po sa'yo. Sorry po, kuya Paris." Umiiyak na ito. "Ayan kasi, sinabi ko naman na sa 'yo na dahan dahan ka lang sa pagsasalita. Hindi mo alam, may masasaktan ka na pala." Bigla namang nagsalita si Henry dahilan para mas lalong lumakas ang iyak ni Sarah. Napangiti nalang siya sa inaasal ni Henry. May pagka prangka ang bata. Nakakunot pa ang noo nito. Nagmukha tuloy itong matanda sa tinuran nito. "'Wag kana ngang umiyak teka lang, Oh ayan." Sabay bigay ni Henry ng panyo nito kay sarah. "Sshhh... Tamana 'yan. Alam niyong mahal kayo ni kuya, diba? Sarah, tahan na. Ayos lang 'yon, hindi naman galit si kuya Paris." Masuyo niya itong hinawakan sa pisngi. "At ikaw naman Henry, 'wag ka 'ding masyadong prangka ha? Hahaha!" napatawa naman si Henry sa sinabi niya. Nagbibirong tinakpan ni Henry ang bibig. Napatawa nalang siya sa ginawa nito hanggang sa unti unti na ring tumatawa si Sarah. "Pupunta tayo sa batanes, maganda doon masarap maligo sa beach siguradong magugustuhan niyo." Namilog naman ang mga mata ng dalawang bata sa tinuran niya. Bagay na ikinatuwa niya rin. Nagsimula nang umandar ang kotse. **** "Naku sir! wala po siya dito, kaaalis lang din po nila." Tugon ni sister Ana. Makalipas ang isang araw, binalikan ni Grecian ang kotse sa bahay ampunan. Nagtaka siya kung bakit wala sa bahay ampunan si Paris kaya naitanong niya ito. "Sila? Sinong kasama niya? Wala ba siyang pasok sa trabaho ngayon?" "On leave po siya ng anim na buwan sa trabaho niya sir, kasama niya po ang dalawang bata." Tugon naman nito. "Aah gano'n po ba? Sige po thank you," Gusto niya ulit magpasalamat kay Paris. Kung hindi ito nagyaya na ihatid siya sa event, siguradong mahihinto ang promotion niya. "Bakit niyo po siya hinahanap?" Napatingin siya sa madre sa itinanong nito. "I just want to thank him," "Gano'n po ba? Medyo matatagalan sila bago makabalik," "Saan po ba sila nagpunta sister?" "Magbabakasyon sila sa probinsiya sa batanes," Tumango na lamang siya bilang tugon sa sinabi ng madre. "Sir Grecian! Ayos na po 'to! Pwedeng pwede na pong gamitin!" Napalingon siya nang tawagin siya ni mang Kulas. "Sige sister, mauuna na po ako." Ngumiti naman ito sa kanya. "Mag-iingat ka," Pagkatapos ay pinuntahan niya si mang Kulas. "Salamat, mang Kulas. Eto po, tanggapin niyo." Akmang kukuha ng ilang libo sa wallet niya. "Naku sir Grecian, 'wag na ho. Ayos lang naman po 'yon," Nahihiyang sabi nito habang napapakamot sa likod ng ulo nito. "Hindi mang Kulas, tanggapin niyo po. Tulong ko ho 'yan, 'wag niyo po sanang tanggihan." Kinuha niya ang kamay nito at inilagay ang ilang libong nakuha niya sa wallet. Nahihiya itong tumingin sa kanya. Nginitian niya ito. "Sige ho, salamat nalang ho dito. Nakakahiya naman ho, pero malaking tulong po ito lalong lalo na manganganak si misis." Tila sumigla ang boses nito na siyang ikinatuwa naman niya. "Talaga po? Sige gawin niyo po akong ninong ah?" Natatawa niyang sabi dito. "Talaga ho sir? Sige sige. Aasahan po namin 'yan ni misis, salamat ho ulit dito sa tulong niyo." "Walang anuman po," Saka niya tinapik ang balikat nito. "Sige, alis na ako mang Kulas." "Mag-iingat ka sir," Natanaw niyang kumaway pa ito nang makaalis na siya. **** Isa sa pinakamanda at kaakit- akit na lugar ang Batanes sa buong bansa. Bukod sa bughaw at mala-kristal na dagat ay sari-saring pagkain ang makikita dito. Lalo at hitik na hitik ito sa iba't ibang pagkain na nagmula pa sa malalim dagat ng Batanes. Kanina pa pinagmamasdan ni Paris sina Henry at Sarah. Nakikita niya ang tuwa sa kilos at sa mga mata ng dalawa. Naliligo na ang mga ito sa dagat. Hindi niya maikakaila na talagang masarap ang maging bata. Aside that Henry and Sarah have different perspectives, they don't care for something that would hurt them. They only care for some coins and play with their friends. Iyon ang alam ni Paris noong bata siya at hanggang sa siya na mismo ngayon ang nakakita sa kaligayahan ng dalawang bata. Pero nagbabago ang lahat, alam niyang may katapusan ang ganoong bagay sa mundo. Sa ngayon, siya naman ang handa para alagaan ang mga ito. Hindi napansin ni Paris na nakalapit na pala ang dalawang bata sa kanya. Nagulat siya nang bigla siyang mabasa. Nakita niyang nakangisi ang dalawang bata. "Sorry kuya Paris! Hahaha!" sigaw ni Henry. "Maligo kana kuya Paris! Halikana! Hahaha!" Napatawa na rin si Paris sa ginagawa ng mga bata. "'Andiyan na akooooooooo! Waaaaaaah! Hahaha!" Bigla namang nagsigawan ang dalawang bata at nagsi-takbuhan palayo kay Paris. "Hahaha! habulin mo kami kuya Paris! Hahaha!" natatawang pang-aasar ni Henry. "'Andito ako kuya Paris bleh bleh! Hahaha!" sigaw naman ni Sarah. Hinabol habol niya ang mga ito. Nang mahuli niya ang dalawa na nasa magkabilang braso niya na ngayon ay deretso niya itong itinakbo pabalik sa dalampasigan. Tumatawa naman ang mga ito. "Ngayon na nahuli ko na kayo, kayo naman ang taya! Hahaha! habulin niyo naman si kuya dali!" Mabilis siyang tumakbo palayo sa mga ito. Tumatawang hinabol siya ng dalawang bata. Tawa siya nang tawa habang tumatakbo. Hindi niya napapansin ang dinadaanan niya. Isang kahoy ang nakaharang sa dadaanan ni Paris dahilan para matapilok siya at mawala sa balanse sa pagtakbo. Naramdaman niya ang pagkakaunat ng kanyang ugat sa paa. Alam niyang anumang segundo ay matutumba na siya kung saan hindi niya pansin ang isang matulis na bato na maaring tumama sa ulo niya kung hindi sa isang lalaki na biglang hinawakan ang kamay niya nang mahigpit para hindi matuloy iyon. Tiningala niya ito at biglang napamura sa sakit na naramdaman niya nang hatakin siya nito dahilan para maigalaw niya ang natapilok na paa. "Sh*t! Ang sakit!" Hindi mainda ang sakit na nararamdaman ni Paris. Dahan dahan siya nitong pinaupo sa buhangin. Maagap nitong tinignan ang paa niya. Doon niya napansin na pamilyar ang mukha nito sa kanya. "Ayos kalang ba Paris?" Tanong nito nang tignan siya nito sa mukha na puno ng pag-aalala. A thick eyebrows that highlighte the soulful eyes and a pink heart shaped lips. Paris accidentally saw how perfect the jaw line that the man has and slowly examine the reddish ears down to the man's neck with a sultry collarbone. Alam niyang pinaghalong pawis at tubig dagat ang nakita niya sa collarbone gayung basa ang buhok nito. Pero mas nakakagulat ang binanggit nito. Nagtatakang tinignan niya ito sa mukha matapos niyang mapansin ang kabuuan nito. "Ha? Aah hindi masyado," Napangiwi siya nang igalaw niya ulit ang paa. "Keep calm, 'wag mo masyadong igalaw siguradong sasakit 'yan." Nag-aalala nitong sabi sa kanya. Napatingin siya ulit dito. "Kilala mo ba ako? Bakit alam mo pangalan ko?" Tanong niya dito habang hindi niya alam kung ano ekspresyon ng mukha niya dito gayung sumasakit ang paa niya. "Kuya Paris!" "Kuya!" Napalingon siya sa sumigaw. Nakita niyang palapit na sa kanya sina Henry at Sarah. Napangiwi ulit siya sa sakit. "Kuya ayos kalang? Anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Henry. "Masyadong malayo na ang tinakbo mo kuya Paris," Sabi ni sarah habang tinitignan ang paligid. Doon niya lang napansin na malayo nga ang tinakbo niya. Hayst! 'Di kasi nagiingat! Naisigaw niya sa isip. "Tara, doon na muna tayo sa rest house ko. May clinic ako do'n," Nabigla siya nang magsalita ito. "Salamat, pero sino ka ba?" Ngumiti ito sa kanya at dahil sa ginawa ay nailang siya bigla. Tinignan naman niya ang dalawang bata. May mga nakakalokong tingin ang dalawa sa kanya. "Hindi mo na ako maalala? Hahaha! ikaw talaga Paris, walong taon lang ang lumipas pero nakalimutan mo naman ako kaagad? Ako 'to, si Gilbert! Ako 'yong tumulong sa 'yo noon dahil nalasing ka? Dito mismo sa beach?" "G-Gilbert?" Tinignan niya ulit ito at sinikap na alalahanin. Hanggang sa tuluyan na ngang pumasok ito sa isip niya. "Gilbert Ramirez?! Ikaw na ba 'yan?" Manghang ulit niya dito. Nagkibit balikat ito. "As usual," Tugon nito. Bigla siyang napayakap dito pero kaagad din namang napangiwi. "Aray!" Napatawa naman ito sa ginawa niya. Napakamot nalang siya sa likod ng ulo niya. "Kuya Paris relax lang," Nag-aalalang sabi ni Sarah. "Tara?" Tanong ulit nito sa kanya. Sa huli, wala rin siyang nagawa. Malayo layo ang natakbuhan niya. Imposibleng marating nila ang tinutuluyan nilang bahay ng hindi siya makalakad ng maayos. Inalalayaan naman siya nitong makatayo. Hawak nito ang kaliwang kamay niya habang nasa kanan naman nakaalalay ang dalawang bata. "Dahan dahan lang," Biglang sabi niya Kasabay ang pag-ungol niya dahil sa sakit. **** "Masarap ba?" Nakangiting tanong ni Gilbert habang inihahain nito ang mga pagkain sa lamesa. Sasagot sana si Paris sa tanong nito sa kanya kaso inunahan naman siya ng dalawang bata na ngayon ay katabi niya. "Ay naku, sobrang sarap po nitong malaking alimango!" Bulalas ni Sarah. "Masarap din po 'tong Ginisang tahong!" Dagdag ni henry. Napatawa naman ito sa tinuran ng mga bata. "Gilbert nakakahiya naman, Nag-abala ka pang ipagluto kami. Gagabihin na rin kaming uuwi niyan, masyado mo kasing ginalingan magluto para sa mga bata." Hindi makatingin ng deretso si Paris kay Gilbert. "Ano ka ba, Okay lang. 'Tsaka ako lang naman dito mag-isa and besides, I'm enjoying cooking because I'm with these cute little children and of course, I'm with you." Nakangiti pa rin ito. His genuine smile makes him more kind. Iyon ang kapansin pansin sa binata. Nahiya siya sa sinabi nito. Kunwari ay naubo ang dalawang bata. Dalawamput limang taong gulang na ito samantalang dalawamput isa naman si Paris. "Okay na ba 'yang paa mo? I hope it doesn't hurt you now," Dagdag pa nito. "Okay naman na ako Gilbert," Nahihiyang tugon niya dito. Kanina ay ito na mismo ang naglagay ng ice bag sa namamaga niyang paa. "Salamat nga pala ng marami ah," Nakangiting sabi niya. Hindi na masyadong masakit ang paa niya kumpara kaninang halos manlamig na ang pawis sa balat niya dahil sa sakit. Natapos ang kainan. At napagdesisyunan nang umuwi nila Paris. Nag alok naman ang binata na ihahatid sila ngunit tinanggihan iyon ni Paris. Pero sadyang mapilit ito kaya wala na rin siyang nagawa. Mabuti na lamang at merong daan mula sa bahay nito papuntang bahay niya na hindi na kailangan dumaan pa sa dalampasigan. Sumakay sila sa kotse nito. Mabilis ang andar ng kotse. Wala pang labing limang minuto ay nakarating na sila sa bahay ni Paris. "Pa'no Gilbert, ingat ka nalang pauwi ah? At maraming salamat sa tulong dito sa paa ko," Sabay turo sa paa niyang namamaga. Napatawa naman ito. "You're always welcome," "At maraming salamat din sa pagkain, alam kong busog na busog 'tong mga bubwit." Hindi niya mapigilan ang mapatawa nang tignan niya ang mga mukha ng dalawang bata. "Wala 'yon! Malakas itong dalawa sa 'kin eh," Sabay gulo sa mga buhok ng mga bata. "Makulit ang mga 'yan, Hahaha!" Napapatawang sabi ni Paris. "Paris may sasabihin sana ako sa 'yo," Tinignan niya ito. "Henry, Sarah, mauna na muna kayo sa loob ituturo kayo ni tita Luming sa kwarto niyo," Bago nakapasok sa loob ang dalawa ay bigla namang huminto si Sarah at tinitigan muna siya nito sabay kindat. Napalingon naman siya kay Gilbert nang tumawa ito. "Ang bata pa nila pero parang matanda kung kumilos at makisalamuha," Napangiti siya sa sinabi nito tungkol sa mga bata. "Ano nga pala sasabihin mo?" Bigla siya nitong tinitigan dahilan para mailang siya sa ginagawa nito. "Paris walong taon na rin ang nakakaraan, nagulat ako nang hindi ka na bumalik dito sa Batanes. Pagkatapos no'ng gabing 'yon, hindi na kita nakita dito. Ilang linggo din akong naghintay doon sa beach na pinupuntahan mo lagi, pero hindi ka na dumating." Naging malungkot ang boses nito. Hindi niya alam kung saan hahagilapin ang mga tamang salita para isagot sa mga sinabi nito. Bumuntong hininga siya. "Gilbert... Hayaan mo na 'yon, kalimutan nalang natin kasi hindi ko na rin iniintindi 'yon. I was just enervated that time, I hope you understand." Gilbert is one of his close friends and once tried to be more than just friends. "Paris... Kung sakaling puwede na, sabihan mo naman ako." Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon sa mga sinabi nito sa kanya. Alam niyang may gusto ito sa kanya. Gilbert is a bisexual too and one of the most ideal guy that he ever knew in his life. Pero hangga't wala pa siyang nararamdaman na espesyal para dito, hindi niya maaaring itaya ang sarili. Masipag ito, maprinsipyo, bonus nalang na gwapo ito. "Don't worry, I understand." Hinawakan niya ito sa balikat. Napatingin naman ito sa kanya. Napangiti ito kaya bigla siya nitong niyakap. "Aray! aray! Bert, 'yong paa ko haha." Napapangiwi siya nang maramdaman niyang suamkit nang bahagya ang paa. "Sorry sorry," Natawa siya sa naging reaksyon nito. Hindi nagtagal at nagpaalam na rin ito sa kanya. Pumasok na din siya sa loob ng bahay. Hindi niya akalain na magiging ganito ang araw niya ngayon kasama ang mga bata. Medyo napagod siya sa araw na ito. "Tita Luming? Nasaan na sina Henry at Sarah?" Tanong niya nang makaupo na siya sa sala. Naabutan niya itong nanonood ng korean drama. Ito na ang nangangalaga sa bahay. Tinignan siya nito nang mapansin siya. "Ay naku! ayon, mabilis na nakatulog sa kwarto nila." Sagot nito nang makita siya at kaagad na ibinaling ang atensiyon sa TV. Minabuti niyang magpaalam dito para makapagpahinga na siya. "Tita mauuna na ho akong matulog ha? Kayo na ho bahala magsara," Humihikab na siya. "Sige sige, teka kumain kana ba?" Tanong nito habang nakatitig parin sa TV. "Busog po ako tita, bukas nalang po." Wala siyang narinig mula dito kaya nagsimula na siyang umakyat papuntang kwarto niya. Nang nasa harap na siya sa pintuan ng kwarto ay bigla naman siyang tinawag ng kanyang tita Luming kaya napahinto siya. "Paris! Oo nga pala may bisita ka! Nasa kwarto mo na siya ngayon at nagpapahinga! Kaibigan mo daw!" Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing magpapatuloy ito ng bisita nang hindi sinasabi sa kanya. Paano nalang kung magnanakaw ito o isang serial killer pala? Bigla niyang binuksan ang pintuan. Isang lalaki ang nakaupo sa swivel chair niya at sa harapan mismo ng personal computer niya. Nakatalikod ito sa kanya at napansing may hawak na mug. Tumaas ang kilay niya. Unti unti itong humarap sa kanya. Nagulat siya. "Grecian?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD