CHAPTER FOUR *BHL: The Sorrows*

3116 Words
"Helen? Can you please stop?! Kanina mo pa tinatawagan 'yang ex mo! Sorry to say this but you're getting worst!" Naiirita na ang kaibigan ni Helen na si Sophia. "Kapag nalaman kong may iba si Grecian, makakapatay ako!" Nanggagalaiti na siya sa galit at sa lungkot na nararamdaman. Dalawa hanggang tatlong beses siyang iiyak at bigla nalang magagalit sa isang araw. Pinaghihinalaan niyang may iba itong babae. Ilang araw naring ganoon ang suspetsa ni Helen. Wala siyang tigil na tawagan ito o text nang paulit ulit. "Thats it! You're unbelievable Helen! Tignan mo nga sarili mo, halos mangayayat kana dahil sa lalaking 'yan! He doesn't even deserve you in the first place! Maganda ka, matalino, mabait, Maraming iba diyan!" Nanlulumong sabi ni sophia habang hawak nito ang kamay niya. "Sophia you know how I love Grecian right? Ngayon lang naman ako magiging ganito, Ngayon ko lang itataya ang pagmamahal ko sa kanya." Tuluyan na nga itong umiyak. Walang nagawa ang kaibigan kundi ang yakapin ito. "Kapag malaman kong may iba si Grecian, sisiguruhin kong masisira ang buhay niya." Hindi mawari ng kaibigan nito kung anong plano niya. Alam nito kung paano siya magalit. **** Ayaw ni Gilbert na magsinungaling sa sarili. Hindi rin naman niya maloloko ang kanyang sarili na ipilit na wala siyang nararamdaman para kay Paris gayung malaki ang puwang nito sa puso niya. Kanina pa hindi makatulog si Gilbert matapos niyang ihatid si Paris at ang dalawang batang kasama nito kanina. Sobrang saya niya na nakita niya ito ulit. Malaki ang ipinagbago nito kung kaya, mas lalo lang siyang namangha sa pagkatao nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ito kanina. Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin kay Paris? Bukod sa ma appeal ay kamangha mangha din ng ugali nito... Halos isigaw na ni Gilbert ang kanyang mga naiisip tungkol kay Paris. Hindi niya rin alam kung anong nangyari dito sa loob ng walong taong hindi sila nagkita. Nang nagpunta ito sa beach ay lasing na lasing at umiiyak. Maraming problemang dinadala sinabayan pa nang pagkamatay ng mga magulang nito na siyang mas lalong nagpahina sa buong pagkatao nito. Hindi niya mapigilan ang maawa noon kay Paris. Para itong isang batang umiiyak habang nagkukuwento sa kanya noong gabi. Noon lang din sila nagkakilala. At noon palang, kapansin pansin na ang pagiging inosente nito. maamong mukha, mahinhin na boses, magandang kalooban at higit sa lahat, ang galing nito sa pagkanta at pagtugtog ng gitara. Naalala pa niya kung pano sila nagkakilala sa dalampasigan. °~•°•°•~° "Gilbert it's getting late gabi na ano pang ginagawa mo diyan malapit sa dagat?" Napalingon siya nang may tumawag sa kanya. "Mamaya na ho ma susunod nalang po ako, hindi ako makatulog eh. Mauna na kayo, magpapahangin lang po ako." Napabuntong hininga naman ang ina nito. "Oh siya sige, mauuna na kaming matulog ng Daddy mo. Sumunod kana ha?" Tinanguan na lamang niya ito bilang tugon. Naririnig niya ang ingay ng mga alon mula sa dagat kasabay ang preskong hangin mula dito. Tumingala siya at nakita niya ang liwanag ng buwan at mga bituin na siyang nagsisilbing repleksiyon sa dagat. Napasinghap siya. Ito rin ang gabi na gusto niyang malaman kung ano ba talaga siya. Kung ano ba ang gusto niya. Lumalalim na ang gabi pero nag-iisip pa rin siya. Alam niyang kakaiba ang pakiramdam niya kumpara sa mga normal na lalaking nakikita niya. Bata palang siya pero alam niyang naiiba na siya. At naramdaman niya iyon nang magka-gusto siya sa isang dalaga. Hanggang sa may nagugustuhan na rin siyang kapareho sa kasarian niya. Iyon ang dahilan kung bakit nalilito siya sa sarili. Ilang linggo na siyang nag-iisip matapos niyang maramdaman ang ganoong bagay. "F*ck! Naguguluhan na ako!" Para siyang baliw sa kaiisip kung ano ba ang dapat na gawin gayung hindi alam ng mga magulang niya na may kakaiba sa kanya. Napasabunot na siya sa sarili niya. Lumalamig na pero hindi niya pa rin maramdaman iyon dahil abala siya sa pag-iisip. Isang itim at manipis na boxer ang suot niya habang suot din niya ang maluwag na shirt. Labing pitong taong gulang palang siya pero parang marami na siyang pinoproblema sa buhay. "Mommy!!! Daddy!!!!" Napatigil siya sa pa-giisip nang biglang may sumigaw. Hindi niya inaasahan iyon. Hinanap niya kung saan nanggaling ang boses na iyon pero sa tantiya niya ay isa iyong batang lalaki. Napansin niyang may umiilaw na bagay mula sa di kalayuan sa may dalampasigan. Napansin niyang doon nagmumula ang boses na patuloy pa rin sa pagsigaw. May dala itong flashlight. "Mommy!! Daddy!! Bakit niyo 'ko iniwaaaaaan?!" Napatigil siya sa pglalakad nang mapansin niya ang boses nito. Madilim na pero naaaninag niya ang kabuaan nito. Nakaboxer ito at nakasandong puti. Naramdaman niya ang lungkot sa boses nito. Hindi niya alam kung anong sunod niyang gagawin para makalapit dito. Nagtatago siya sa likod ng niyog habang pinapakinggan ang sinasabi nito. "I am nothing without you! I'm still young and I don't know what to do without you! Please come back!" Natigilan siya sa mga isinigaw nito. Sinilip niya ito. Dala dala pa rin nito ang flashlight. Nang bahagyang mapunta ang liwanag ng flashlight sa mukha nito, nakita niyang puno ng luha ang mga mata nito habang nasa pisngi naman nito ang ibang luhang kanina pa tuyo. "Paano na ako, Mom?! Dad?!" Naawa siya para sa bata. Alam niyang kung ikukumpara niya ang sarili ay may mas mabigat ang pinagdadaanan nito. Maswerte siya at may mga magulang pa siya. Garalgal na ang boses nito dahil sa pagsigaw. Kung titignan ay mas bata ito sa kanya ng ilang taon. "Mom, Dad, mahal na mahal ko po kayo. Pero bakit ganito? Bakit niyo ako iniwan?" Tila napagod na ito dahil napansin niyang humihina na ang boses nito sa pagsigaw. Nakita niyang bigla nalang itong napaupo sa buhangin at isinubsob ang mga palad sa mukha nito at tumungko sa dalawang tuhod nito. Narinig niya ang hikbi nito. Mukha itong lasing. Maliban sa pag-iyak nito ay kapansin pansin ang panghihina ng katawan nito. Hindi niya alam pero bigla na siyang nalungkot sa sitwasyon ng bata. Nagdadalawang isip pa siya kung lalapitan niya ba ito o hindi. Hindi niya napigilan na hindi ito lapitan. "Psssst!" Sa una ay parang wala itong naririnig dahil hindi pa rin umaangat ang ulo nito mula sa pag-iyak kaya inulit niya ang ginawa. "Psssst! Aaaah, Okay kalang ba?" Hindi niya alam kung papansinin siya nito o hindi pa rin siya nito narinig. Nabigla siya nang mag angat ito ng mukha. "Okay ba 'yong alam mong umiiyak ako?" Doon niya nalaman na lasing ito dahil nangangamoy alak na ito kahit may distansiya na sa pagitan nilang dalawa amoy niya pa rin ito. Napangiwi siya sa sagot nito. "Sabi ko nga, hindi eh." Nahihiyang tugon niya. Tinabihan niya ito sa pagkakaupo. Nabigla ito sa ginawa niya kaya bahagya itong dumistansya sa kanya. Napatawa naman siya. Alam niyang takot din naman pala ito sa mga taong hindi niya kilala. "Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito? At bakit kaba nangingialam?" Tinitigan niya ito habang pinupunasan nito ang mga luha sa mata. Natawa siya nang makitang medyo may tumulong sipon sa ilong nito. "Anong nakakatawa?" "Wala," Kaagad na iwas niya ng tingin dito. "Sagutin mo na 'yong tanong ko," Walang emosyong sambit nito. "Ako si Gilbert Ramirez seventeen years old. Malapit lang bahay namin dito sa dalampasigan, narinig kitang sumisigaw at umiiyak. Nakakapagtaka kasi na merong maliligaw dito, eh sobrang dilim dito. Kaya pumunta ako dito no'ng narinig kitang umiiyak at sumisigaw–" may sasabihin pa sana siya kaso bigla naman itong nagsalita. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya. "They're gone, Mom and Dad..." napahikbi ulit ito pero kinokontrol nitong hindi na umiyak. Nakita niya itong nakatitig lang sa dagat kung saan makikita ang repleksiyon ng buwan. Naawa siya dito. Sinabayan niya itong tumitig din sa dagat. "Lahat ng bagay sa mundo naglalaho, Magbabago, at nawawala. Normal lang 'yon pero sa kaso mo, masakit 'yong maulila lalo pa't napakabata mo pa..." Tinitigan siya nito. Napansin niya iyon kaya tinitigan niya rin ito. "Para sa 'kin, hindi normal 'yon Gilbert. Ang daya ng mundo, Sa dinami-dami ng bata sa mundo, bakit sa 'kin pa 'to nangyari?" Lumuluha ito habang nakatitig sa kanya. Alam niyang tama ito at hindi niya iyon maikakaila. Hindi niya alam kung paano mawalan ng mga magulang dahil hindi niya naman iyon naranasan. Pero habang tinititigan niya ito, nararamdaman niya ang lungkot nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gilbert. Pagkatapos ay iniwas niya ang tingin mula dito at ibinaling ang atensyon sa ingay ng hampas ng mga alon. "Alam mo, kahit na hindi ko alam ang magiging future mo, sigurado akong kakayanin mong lagpasan ang lahat ng pinagdadaanan mo. Kasi kahit na umiiyak ka, Kahit na sumisigaw ka, ramdam kong matibay ka. I'm sure, Lord gave this challenge to you because you can and you will dauntlessly survive. Kaya mong harapin na hindi kaya ng iba, kaya ibinigay niya 'tong pagsubok sa'yo..." Tinignan niya ito nang matapos siyang magsalita. Nakatitig lang ito sa kanya. Tila natuyo na ang mga luha nito. "Kung ito nga ang gusto niya, gagawin ko. Pinalaki akong matapang at may takot sa diyos, ang alam ko sa ngayon, masaya na silang magkasama. But..." Nangilid na naman ang mga luha nito. "But?" Takang tanong niya. Napasinghap ito. "Alam kong alam na nila sa ngayon kung ano talaga ako, at isa 'yon sa ayaw kong malaman nila. Ayokong itakwil nila ako, ayokong pagsisihan nilang naging anak nila ang tulad ko..." Tuluyan na ngang pumatak ang nagbabadyang mga luha mula sa mga mata nito. Naguluhan siya sa sinabi nito. "B-bakit?Ano ba 'yon? Bakit naman sila magagalit? Bakit ka nila itatakwil?" Pinunasan nito ang mga luha bago nagsalita. "Since we're strangers, I better tell it to you. Wala din naman akong mapapagkwentuhan..." Pinunasan ulit nito ang mga luha. Napapangiti naman siya sa pagiging iyakin nito. At ang inosenteng mga mata nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "I don't know how to start this, there were times that I wanted to control myself and my emotion. It just that, I really can't and I don't know how. Gilbert..." Napansin niya ang pagbanggit nito sa pangalan niya. Namangha siya. Hinayaan niyang magpatuloy ito sa pagsasalita. "Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko, mahirap. Sobrang hirap sa pakiramdam, ang magkagusto sa isang lalaki..." Nagulat siya sa sinabi nito at dahil doon, nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Hindi niya akalain na pareho lang sila ng nararamdaman. "But of course, I still have to act like a straight little boy." Dahil sa mga sinabi nito. Nagkaroon siya ng pag-asa. Nagkaroon siya ng dahilan para maging komportable sa sarili. Hindi lang siya ang nakakaranas ng ganoong bagay sa mundo. Ang akala niya ay siya lang ang naiiba sa lahat pero hindi pala. May mga tao pa rin ang nakakaranas ng ganoong sitwasyon. Dahil dito, makakaya niyang harapin ang ganitong sitwasyon na meron siya. Bigla siyang napatawa dahil sa tuwang nadarama nang mapagtantong pareho lang sila ng sitwasyon. "Bakit ka tumatawa?" Parang nainis naman ito sa kanya. "I will not consider myself as a stranger to you, because you already know my name. Sabihin mo muna ang pangalan mo..." Tumaas ang kilay nito bagay na ikinatuwa niya. Iyon ang isang bagay na natatawa siya kapag nagtataas ito ng kilay sa kanya. Bigla itong nagsalita. "I'm Paris Zamora, thirteen years old." Nagulat siya nang mag-abot ito ng kamay sa kanya. Kaagad naman niya iyong tinugunan ng pakikipagkamay. Natawa ito sa ginawa niyang pakikipagkamay dahil parang excited siyang hawakan ang kamay nito. Nagsalita ulit si Paris. "Bakit ka naman napatawa kanina?" Takang tanong nito sa kanya. "I have to tell you this, I guess we have the same situation..." Bigla siyang tumingala at tumitig sa buwan. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I didn't expect that I will be attached to a young girl and at the same time, to a young boy. Nahihirapan ako, sobrang hirap. Hanggang ngayon, mahirap pa rin kasi 'di ko kayang kontrolin ang sarili ko kung ano ang dapat na gawin ng isang lalaki. Pero hindi 'yon ang gustong sundin ng puso't isipan ko..." Bigla niya itong tinignan. Nagulat naman siya nang bigla itong yumakap sa kanya nang mahigpit. Hindi niya alam ang magiging reaksyon dito. "Hindi ako makapaniwalang may makakaintindi sa 'kin," naiiyak na naman ito. Yumakap na rin siya pabalik "Tahan na, meron at merong makakaintinding tao sa 'yo. At sa 'kin din," Sambit niya habang mahigpit ang yakap nito sa ibabang bahagi ng dibdib niya. Nailang siya sa ginawa nito pero mas nangibabaw ang paghanga niya dito. Napansin niyang maputi ito kumpara sa balat niyang moreno. Malambot din ang balat nito. Ang bawat hikbi nito na parang isang liriko sa isang kanta, dama niya bawat tunog. Hindi niya sinasadyang mapatingin sa leeg nito. Hindi niya mapigilan ang paghanga. Hindi lang niya nakikita ang kagandahang loob nito kundi ang kabuaan nito. Naramdaman niyang parang may malagkit sa kamay nito na tumagos naman sa damit niya kaya naramdaman niya iyon sa balat niya. Mabilis niyang kinuha ang kamay nito. Nagulat siya nang makita ito. "Bakit may dugo?!" Bulalas niya. Tila kinabahan naman ito sa naging reaksyon niya. "Aaah aksidente, malayo naman sa bituka 'yan–" Hindi ito nakapagsalita kaagad. "And who give you consent to drink alcoholic drinks?" Takang tanong niya dito. Bigla naman itong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Ako lang at 'yang sugat ko sa kamay, aksidente rin 'yan pati 'tong sugat ko sa paa aksidente lang. Malayo sa bituka." Paliwanag nito. Mas nagulat siya nang ipakita na nito ang sugat sa paa. Mas mahaba ang sugat na nandoon kumpara sa sugat sa kamay nito. At mas ikinagulat niya nang makitang dumudugo iyon. "What the f*ck! Anong ginawa mo?" Nag-aalala niyang tanong dito. Hindi siya nito pinansin saka tumitig lamang sa dagat. Nagsalita ulit siya. "Halika, do'n tayo sa bahay. Hindi na rin maganda dito sa labas masyadong malamig," "At anong gagawin natin sa bahay niyo?" Baling nito sa kanya. "Gagamutin natin 'yang mga sugat mo, tignan mo 'yang paa mo kanina pa dumudugo." Nabigla ito sa mga sinabi niya pero tumayo na lamang ito. "Sige," nag-aalangang tugon nito. "Amoy alak ka," Deretso niyang sabi. Hindi naman ito nakapagsalita kaagad kaya minabuti niyang tanungin ito. "Taga dito ka ba? Ngayon lang kita nakita dito eh," "May rest house lang kami dito pero hindi talaga ako dito nakatira," agad na tugon ni Paris. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong niya. "Aaah, tumakas ako..." Hindi niya akalain ang isasagot nito. Nagtaka siya kung bakit madali para dito na gawin ang mga bagay. "Bakit ka tumakas? At saan mo nakuha 'yang mga sugat mo?" Hindi naman ugali ni Gilbert ang mangialam pero talagang lumalabas ang pagiging maalalahanin na ugali niya kapag may taong napapahamak. "Gusto kong mapag-isa kaya kumuha ako ng alak sa fridge, tapos naglakad lakad na ako dito sa may beach. Tapos habang nahihilo ako, palakad lakad lang ako hanggang sa may matulis na kahoy na pala akong madadaanan, Ayan! eto, nasugatan ako sa paa. No'ng hinawakan ko ang kahoy, di ko alam na sa dulo ko pala mahahawakan kaya nasugatan din kamay ko." Sagot naman nito. Nakahawak ito sa paa niyang may sugat. Hinubad ni Gilbert ang damit niya at pinunit niya iyon at kinuha ang malaking bahagi ng tela para takpan ang sugat. Nilapitan niya ito at inalalayan pagkatapos ay hinawakan niya ang paa nito saka tinalian. "Ayan, hindi na dudugo 'yan..." Saad niya dito. "Nakakahiya," Sabi nito habang hindi makatitig sa kanya. Naramdaman niya ang lamig ng hangin na dala ng alon sa dagat. "'Wag kang mahihiya sa 'kin, gusto mo ihatid na kita?" Tanong niya. Parang nabigla naman ito sa tanong niya kaya agad itong nagsalita. "Ayoko... Malungkot do'n sa bahay, kaming dalawa lang ni tita Luming. Aaaah, Pwedeng sa inyo nalang muna ako matulog?" Hindi niya alam pero parang pati siya ay nakaramdam ng excitement nang ito na mismo ang nagsabi. "Ang akala ko kanina ayaw mo sa bahay, pero ngayon ikaw naman itong gustong pumunta..." "Aaah, eh, uhm... Natanong ko lang naman," Nahihiyang sabi nito. "O sige na, Halika na. Do'n na tayo sa bahay, dahan dahan lang..." Umakma siyang alalayan ito pero kaagad naman itong nagsalita. "Kaya ko na," Tumigil naman siya. Pero nang makita niyang mawawala ito sa balanse ay maagap niya itong inalalayan. "Kaya pala ha," Napangisi siya. Nakarating sila sa bahay ni Gilbert. Hindi niya akalain na magiging ganito ang gabi niya. Sa isip niya, maswerte siya at nakilala niya si Paris. "Teka, dito kalang ha? Kukunin ko lang 'yong first aid kit," Pinaupo niya muna ito sa sofa kasabay ang mabilis na pagtango nito. Ilang minuto lang ang lumipas nang may marinig siyang tunog mula sa sofa. Naabutan niya si Paris na tumutugtog ng gitara kaya napahinto siya. Sa simulang kasa palang ng gitara alam niyang magaling itong tumugtog. Mas lalo siyang napahanga dito nang marinig niya ang malamig na boses nito. Bagay na bagay ang boses nito sa kanta. Talagang dinadama nito ang bawat salitang binibitawan at isa ito sa mga paborito niyang kanta. Hindi niya alam pero parang nahuhulog na ang loob niya dito. Maiigi niyang tinititigan ang kabuuan nito at ang galaw ng kamay nito. Napatigil ito sa pagkanta nang mapansin siya sa likod. "Ang galing mo naman," Nagulat pa ito nang magsalita siya. "Nandiyan kana pala! Sorry nakita ko lang dito sa tabi ko 'tong gitara, na-pakialaman ko... pasensiya na," Nahiya ito. "Okay lang! Ang galing mo nga eh," "Naku hindi naman pero salamat na rin," Magsasalita pa sana siya nang mapalingon silang dalawa dahilan para magulat sa boses ng isang babae. "Naku iho, magaling palang tumugtog 'yang bago mong kaibigan." Biglang sabi ng ina ni Gilbert. "Nagising kami ng mommy mo dahil sa tugtog mula sa labas ng kwarto," Dagdag naman ng ama ni Gilbert. Napansin niyang biglang tumayo si Paris. "Sorry po, hindi ko po sinasad–" "It's okay iho, maganda ang boses mo at magaling ka ring tumugtog, anong pangalan mo?" Natuwa si Gilbert sa naging reaksyon ng kanyang mga magulang. "Paris po, Paris Zamora." Pakilala naman nito. "Zamora? Oh my God... I think you're," Biglang sabi ng ginang. Nakita niyang napangiti si Paris at handa na para dugtungan ang sasabihin ng ginang. "Opo, the only child of Francis and Elizabeth Zamora." Nagtaka si Gilbert kung bakit kilala ng mga magulang niya si Paris. Kitang kita naman ang lungkot sa mukha ng mga magulang ni Gilbert. Hindi niya iyon inaasahan. "Our deepest condolences Iho..." Banggit naman ng ama ni Gilbert. Hindi niya akalain na kilala pala ng mga magulang niya ang pamilya ni Paris. Tumango nalang si Paris bilang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD