CHAPTER FIVE *BHL: Attachment*

3667 Words
Kanina pa hindi makatulog ng maayos si Paris dahil kay Grecian. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa tabi na niya ito ngayon. Sobrang likot nito kung matulog. Alas kwatro na ng madaling araw pero gising pa rin siya. Tinignan niya ito sa tabi niya. Mahimbing ang tulog nito at para itong hindi sikat na modelo kung matulog. Sobrang lakas kung humilik. "Grecian ano ba! Ang luwag ng kama ko pero sumikip lang nang dahil sa 'yo! Umusog ka kasi!" Pilit naman niyang tinutulak ang paa at kamay nito na isa din sa mga dahilan kung bakit hindi siya makatulog ng maayos. Wala ring silbi ang ginawa niya. Masyado itong mabigat para guluhin pa niya. Sa huli wala rin siyang nagawa kundi ang mahiga sa tabi nito kahit na masikip. Napansin niya ang suot nitong boxer. Naiinis siya sa pagiging makulit nito. Ngayon niya lang nakita ang ganoong ugali kay Grecian. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang tignan niya itong suot ang paborito niyang boxer. His gray boxer that has his signature. Naiinis siya dahil isinuot nito ang paborito niyang boxer at naiinis siya dahil bumagay lang ang boxer dito. Hindi niya maiwasan titigan ang pwet nito. An apple butt that makes him more seductive and becomes his allure. Pinilit niyang burahin ang iniisip tungkol dito. Hindi pa rin siya makatulog dahil sa mga nangyari kanina nang makita niya ito sa loob ng kwarto. Inalala niya ang mga nangyari dahil hindi pa naman siya dalawin ng antok. °~•°•°•~° "Grecian??!" Hindi siya makapaniwala nasa loob ito ng kwarto niya. Parang dinalaw siya ng matinding guni guni. Nakangiti pa ito na para bang nang-aasar. "Hi Paris..." Kaagad itong tumayo mula sa swivel chair at may dala pang mug. Gamit nito ang personal mug niya at hindi lang 'yon, gamit din nito ang isang maluwag na pang-itaas na damit niyang hindi na niya sinusuot magmula nang umalis siya sa bahay at nagtrabaho. Pero mas nakakagulat ang suot nitong boxer. His gray and cottony boxer was wore by Grecian. He dubiously examine Grecian and he abruptly saw how bulky his erotic part down from his body. Nag-iwas siya ng tingin mula doon sa huling tinitigan. "Anong ginagawa mo dito sa Batanes?! Anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko?! Pa'no mo nalaman kung nasaan ako?! Bakit ka ba nan–" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla itong nagsalita. "Wait! Can you please shut up?! Let me explain!" Hindi niya alam pero bigla nalang itong nairita sa mga tanong niya. Grecian's masculinity didn't escape from Paris' eyes. Paris pokily saw how sultry Grecian's shoulders and how mannish his legs. Diyos ko nagiging makasalanan na 'tong mata ko... Patawarin niyo po ako... Halos maisigaw na ni Paris ang kanyang mga iniisip. Para siyang tangang napaupo sa kanto ng kama. Hindi niya mapigilang titigan ang kabuuan nito. Nakahanda siyang sabunin ito ng tanong bukod sa pangingialam nito ng mga gamit niya ay gusto niyang pagsisihan nito na hindi manlang nagpaalam sa kanya. "Sinundan kita papunta dito Paris," Nabigla at nagtaka siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa. "Bakit mo ginawa 'yon? Anong dahilan mo?" Nalilito na siya dito. Wala siyang mahanap na magandang dahilan para sundan siya nito sa Batanes. Bigla itong nag-iwas ng tingin. "Aaah kasi humingi muna ako ng time sa Manager ko para makapag bakasyon, tapos ayoko din munang makita si Helen lagi kasing nakabuntot 'yon eh. Kaya no'ng nalaman kong nandito ka, I decided to follow you here." "You don't know what you're talking about, Grecian. Alam ni Helen ang lugar na 'to, wala kang mapagtataguan dito." Tinignan niya ito at nakita niya ang pagkabigla nito sa sinabi niya. Nagsalita naman ito para magdahilan. "But does she know that you're here?" Napamaang siya sa tanong nito. "H-hindi! At bakit ko naman sasabihin eh gusto ko ngang magbakasyon kasama ang mga bata," "Hindi naman pala, So I'm safe here then." Pinagkrus nito ang mga braso sa ibabang dibdib nito. Naiinis siya sa inaasal nito. He's something like a brute! Nakakainis! Sigaw niya sa isip. "You're not safe now, Grecian. I'm going to call Helen," Dahil sa inis niya ay bigla siyang tumalikod dito at akmang hahawakan ang pintuan nang mabilis siya nitong naabutan at nahawakan ang kamay. "What are you thinking, Paris? Ayoko na siyang makita! Ni anino niya'y ayokong makita! Hindi mo alam kung anong ginawa niya sa 'kin," Maririin ang mga salitang binitawan nito sa kanya. Naiilang siyang tumitig dito kasabay ang pagkailang niya dahil mahigpit ang hawak nito sa kamay niya. Tinignan niya iyon nang bigla naman nitong napansin kung saan siya nakatingin ay mabilis naman nitong binitawan ang kamay niya. "Hindi tamang dito ka pumunta, Grecian. Hindi tama na pumasok ka sa kwarto ko, hindi tama na ginagamit mo ang paborito kong mug, at mas lalong hindi tama na sinusuot mo 'yong damit ko. Lalong lalo na 'yang paborito kong boxer," Sunod sunod ang mga sinabi niya dito habang nakatitig siya kay Grecian. Napansin niyang malalim ang iniisip nito. Bigla namang nahiya si Grecian sa mga sinabi niya. "Sorry I didn't bring my things, Biglaan." Napaiwas na ito ng tingin mula sa kanya. "How did you know that I'm here?" Takang tanong niya dito. "Pumunta ako sa bahay ampunan, I'm about to get my car and I was thinking that you were still there. No'ng 'di kita makita, nagtanong ako kay sister, sabi niya nandito ka daw may kasama kang dalawang bata." Doon lang din naliwanagan si Paris dahil sa sinabi ni Grecian. Alam din pala nito na kasama niya sina Sarah at Henry. "Sigurado akong malalaman at malalaman ni Helen na nandito ka Grecian–" "Not unless if you tell her," Kaagad na sambit nito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Grecian intindihin mo naman si Helen, she really do love you. She's madly inlove with you. Sana makita mo 'yong halaga niya," Nakatitig siya dito. "Pwede bang 'wag na natin siyang pagtalunan o pag-usapan?" Sobrang seryoso nito. Hindi niya alam pero parang napatigil siya nang deretsong magtama ang mga mata nila. Parang may sariling isip ang bibig niya dahil bigla nalang siyang natahimik. Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita. "Sorry kung pinakialaman ko 'tong mug mo at 'tong boxer mo, wala kasi akong dalang damit pangtulog kaya kumuha nalang ako diyan sa cabinet mo. I didn't know that these are your favorites," Paliwanag nito. Wala na siyang magagawa. Nagamit na nito ang mug niya at ang boxer. Huminga siya ng malalim. "It's okay, sige na, dito kana matulog sa kabilang kuwarto nalang ako–" "One more thing! Aaah sorry ulit Paris, pero 'yong kabilang kwarto na sinasabi mo, may mga nakatambak na lumang gamit. Apat na kwarto lang ang available sabi ng tita Luming mo kaya dito sa kwarto mo naisipan niyang patuluyin at patulugin ako at ang sabi ng tita mo, okay lang daw kung dito ako matulog. Hindi naman daw available ang isang kuwarto," Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ayaw niyang tumabi dito kung sakali pero kung makikisiksik pa siya sa kwarto ng tita niya na sakto lang para sa isang tao at sa kuwarto ng mga bata na kasya lang din ang dalawang tao, siguradong maiistorbo niya ang mga ito. I really have no choice. This is so unbelievable! Pagod na pagod ako, tapos meron akong madadatnan na Grecian Grey sa kwarto ko? And then now, na mukhang wala akong matutulugan na maayos! Wala na talaga siyang choice. "Sige sa labas nalang ako matutulog, sa may sofa. Dito ka nalang, kukunin ko lang ang kumot ko," Ramdam niya ang pagod habang sinasabi niya iyon kay Grecian. "Wait, what? No! we can share this bed. Malapad naman 'tong higaan mo," Nairita na siya dito. "We can share??? I have never been sharing my bed with someone who's very strange after my parents death! Sila lang natatanging mga nilalang na tinabihan ko sa pagtulog!" Napangisi naman ito na hindi niya alam kung anong nasa isip nito. "Yeah! We can share! What's wrong with that? o madamot kalang?" "Hindi ako madamot!" Napasigaw na siya. "Then we can share," "Puwede ka namang maging mapagbigay, ikaw nalang sa labas. Doon ka sa sofa," Tinitigan siya nito. "Hindi ako sanay sa gano'n, Paris. Now please, get on the bed and let's sleep. May sugat kapa naman," Hindi niya alam na napansin pala nito ang sugat niya. "Ayoko," Sagot niya. "Paris sleeping with me, isn't a bad thing. We both know about that right? We know each other," Pagdadahilan nito. Yes we know each other but we're far different from each other. Medyo may laman ang mga iniisip ni Paris. Napahinto si Grecian pero kaagad na nagsalita nang may pumasok sa isip nito. "Or there's something bothering you? Wait, are you thinking that we're going–" nakangisi ito kaya kaagad niyang pinigil ang sasabihin nito dahil parang nararamdaman niyang iba ang iniisip nito. "Hey, it's not what you think!" Napahalakhak naman ito sa reaksyon niya. "Whatever, Paris! hahaha! Get on the bed and sleep with me," Naiinis siya sa ginagawa nito sa kanya. At mas naiinis siya sa sarili kung bakit ganoon nalang ang epekto ng pang-aasar ni Grecian sa kanya. "You're unbelievable Grecian!" Singhal niya dito. Nabigla sila sa boses na nanggaling sa labas ng kwarto ni Paris. "Paris?! Natutulog na ang mga bata, matulog na rin kayo. Ang ingay niyong dalawa!" Nahiya siya sa sinabi ng tita Luming. Tumingin siya kay Grecian at agad naman itong nagsalita. "See? Be quiet and sleep with me, now." Natatawang sabi nito sa kanya. Ngayon lang naranasan ni Paris ang ganoong pakiramdam. Ang mainis sa taong hindi niya akalaing matindi ang epekto sa kanya. "Shut up," Pabulong niyang sabi dito bagay na mas lalong nagpatawa kay Grecian. In the end, Paris doesn't have any choice. He better rest. "Galing ka bang beach? Amoy dagat ka eh," Natatawang tanong nito sa kanya. Hindi na nakapag banlaw si Paris dahil sa nangyari at dahil na rin sa itinagal nila sa bahay ni Gilbert. "Wala kana do'n!" Natawa na naman ito. Nahiga na siya sa kama at nakatalikod naman si Grecian sa kanya. "I wonder if who's your top crush," Pabulong pero narinig niya iyon ng mabuti. Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil sa sinabi nito matagal bago niya tignan ang likod ni Grecian. Dahil sa pagkabigla, tinignan niya si Grecian at bahagyang sinundot sa braso pero walang reaksyon mula dito. Napansin niyang humihilik na ito bagay na ipinagtaka niya. Hindi niya akalain na sa kabila ng pagiging Grecian Grey, sa kabila ng pagiging sikat na modelo sa industriya, ay ang hindi maitatagong lakas ng paghilik nito. Nasa bente sais na ito at talaga namang kamangha mangha ang tikas nito bilang isang modelo. Kahit alam ni Paris na taliwas ang ugali nito sa maamong mukha ni Grecian. Hindi niya maikakaila na para itong isang sikat na Hollywood star sa mga palabas. Isang half australian at half filipino model. Siguradong manhid lang ang hindi makakapansin sa appeal nito. Manhid ba ako? Hindi napigilan na isipin ni Paris ang tanong na sumagi sa isipan niya. Isang ngiti ang hindi inaasahan ni Paris na ramdam niyang namutawi sa kanyang mukha. Napagdesisyunan niyang matulog para mas makapagpahinga at maagang magising. **** Tanghali na nang magising si Paris. Naramdaman niya ang kirot sa kanyang paa at hindi na iyon ganoon kasakit kumpara noong nakaraang araw. Sa pagkakaala niya ay meron siyang katabi sa pagtulog. Naramdaman niya ang paggaan ng kama. Biglang pumasok sa isipan niya si Grecian at saka nilingon ito sa tabi niya pero wala na siyang naramdaman ni anino nito. Hindi naman siguro ako nananaginip? Imposible namang nakatulog agad ako kagabi. Biglang naisip niya. Nag- ayos na siya at kumuha ng damit mula sa cabinet bago maligo. Naamoy niya ang sarili at doon lamang naalala na amoy dagat siya kaya minabuti niyang pumasok sa banyo at maligo. Ilang minuto ang lumipas at nakabihis na siya. A dark blue hawaiian shorts and a sky blue hawaiian polo shirt. Isa iyon sa mga paborito niyang suotin kapag gusto niyang mamasyal sa dalampasigan. Konting polbos at ayos ng makapal na kilay ang kanyang ginawa. Napagdesisyunan na niyang lumabas ng kwarto. Nang makalabas na siya ay saka naman niya pinuntahan ang kwarto nila Henry at Sarah. "Henry? Sarah?gising na ba kayo?" Tanong niya dito habang kinakatok ang pinto. Alam niyang napagod ang mga ito kahapon sa paglalaro. Nang hindi ito sumasagot at maramdamang hindi naka lock ay minabuti niyang pumasok na lamang. Nakita niya ang dalawa na mahimbing pa ang tulog. "Henry, Sarah, tanghali na. Late na tayo, hindi na tayo nakapag almusal, halina kayo." Parang mga tulog na mantika ang dalawa. "Kuya five minutes pa... Susunod na kami." Si Henry ang nagsalita na tumutulo ang laway habang yakap yakap nito ang unan. "Mauna kana kuya," Si Sarah naman na parang dinaanan ng bagyo ang buhok. Napatawa nalang siya. Pagod ang mga ito kaya hinayaan na lamang ni Paris. "O sige pero sumunod na kayo ha? Five minutes!" Sabi niya sa mga ito. "Opo," Napangiti siya ng sabay pa itong tumugon. Lumabas na siya ng bahay at deretsong bumaba papuntang kusina. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari. Hindi niya nakita ang kanyang tita Luming sa kusina kaya minabuti niyang maghanda ng makakain. May kanin at may ilang ginisang gulay siyang nakita may nakita rin siyang malalaking ginisang hipon. Hindi niya napansin na tapos na pala itong magluto. Kaagad niyang nilagyan ang plato niya ng ilang pirasong hipon at kumuha ng mangkok para sa mga gulay. Iniligay niya ang lahat ng iyon sa dining room kasama na ang mainit na kanin at nang mainhanda na ang lahat ay umupo na siya para kumain. "Mukhang napasarap tulog mo ah?" Nagulat siya nang may nagsalita mula sa likod niya. Nilingon niya ito habang nakasubo ang isang kutsara sa bibig. Nakita niya si Gilbert na may dalang isang bag. Paris didn't expect that Gilbert would grow like what he sees right now. May mga bagay na nagbago dito. Kasama na doon ang pagiging magandang lalaki nito. Ni hindi mababakas ang isang side nito ng pagiging third s*x. Gilbert has a white and airy polo, he is actually good looking with his sun glasses and with his black shorts. "O! Gilbert ikaw pala! Kumain kana ba? Sabayan mo ako dito," Nakangiti niyang alok dito. Bigla naman itong napangiti sa tinuran niya. "Hindi ko 'yan tatanggihan, Paris." Kung hindi niya lang ito kilala at kaibigan, matagal na niya itong pinagkamalang model. "Syempre naman! Hahaha!" natatawa niyang tugon kay Gilbert. "Okay na ba 'yang paa mo?" Biglang tanong nito habang kumukuha ng kanin. "Yeah, I guess so. Hindi naman na gano'n kasakit," "Buti naman, mag-iingat ka sa susunod. Napansin ko lang na parang pag nagkikita tayo, palagi kang nadidisgrasiya." Natawa narin ito. "Hahaha! are you saying that I'm clumsy?" Kunwari ay seryoso niyang tanong habang tinataasan niya ito ng kilay. "No no, hindi naman sa gano'n hahaha! sadyang natatawa lang ako pag gano'n," "So you think I'm funny?" "You're funny, in the best way." Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya dito. Hindi naman niya maikakailang nagbibigay motibo ito sa kanya. "Oo nga pala, kumusta sila tito at tita?" Biglang iba niya ng tanong. "They're on their business trip in hongkong," Tila nakita niya ang lungkot nito. Alam niyang hindi ganoong madalas magkasama ang pamilya ni Gilbert kaya malungkot ito. "Alam na ba nila?" Napatitig ito sa kanya na alam niyang alam nito kung ano ang tinutukoy ni Paris at iyon ay ang tungkol sa kasarian ni Gilbert. "Yeah, It started when I was telling about someone to them. And I often do that," Tumango naman siya pero kaagad na napaisip. "And who's that someone?" Takang tanong niya dito. Napaiwas ito ng tingin sa kanya at napansin ang malalim nitong paghinga bago nagsalita. "It's you, Paris." Nakangiti ito habang sinasabi 'yon. Pero nagulat siya sa sinabi nito. "You mean, B-because of me, they knew?" Hindi niya alam kung paano hahagilapin sa sistema niya ang mga tamang salitang dapat sabihin dito. Parang nataranta siya. "Hey, Don't worry. Masaya nga ako na hindi sila nagalit sa'kin... Matagal na nilang alam noon pa, hindi lang nila ako makausap pero alam na nila. My Dad keeps on telling me that I should be true to myself, and as well as Mom. Hindi ko alam na alam na pala nila..." Napangiti siya sa pagpapaliwanag nito. "Mabuti naman kung gano'n," bigla siyang nag-iwas ng tingin mula dito pero isang pakiramdam naman ang hindi niya maiwasan sa kanyang pagkatao. "Ang swerte mo Gilbert kasi tanggap ka nila, Alam na nila. I'm sure, they're very proud of having a son like you." Napansin naman ni Gilbert ang lungkot sa boses niya. "Hey, I'm sure if they're still alive, they will understand and accept you." Napangiti nalang si Paris sa isinaad ni Gilbert. Bagay nagpagaan sa loob niya. Nailang siya nang bahagyang yakapin siya nito. Nagpatuloy sila sa pagkain. "Ang sarap nitong hipon niyo Paris ah," Natawa siya sa sinabi nito. "Hahaha! parang nakita ko din naman ang mga 'yan sa bahay niyo kahapon. hahaha! ikaw talaga," Hindi mapigilan ni Paris ang tawa niya habang kumakain dahil kay Gilbert. "Well, these shrimps are more delectable than I taste from my home." Tumatawa parin ito. Gilbert can't resist seeing Paris laughing out loud and memorizing every part of his body. Habang nagtatawanan biglang natigilan ang dalawa sa pagkain. "Errhm!" Napalingon ang dalawa ni Gilbert. Nabigla si Paris nang makita niya si Grecian. Iba ang tingin nito sa kanilang dalawa. Nakakunot ang noo nito. Pero mas nabigla siya sa suot nito. Sumusobra kana talaga! Sinuot na naman ang isa pang boxer ko! "O! Ang akala ko umalis kana? Akala ko natakot ka baka sundan ka ni Helen?" A sarcastic voice came out from Paris. Nalilitong tumingin naman si Gilbert kay Paris. Halatang kahit na wala itong sabihin ay alam niyang nagtatanong ang ekspresyon ng mukha nito. "I don't want to talk all about her," Mariing sambit nito. Pagkatapos nitong magsalita bigla nalang itong naglakad palapit sa kanila at umupo sa tabi ni Paris. "Gutom kana pala?" Walang emosyong tanong niya dito nang makaupo sa tabi niya. "Yeah," Tugon nito na hindi tumitingin sa kanya at sumubo ng isang pirasong hipon. Hindi alam ni Paris pero bigla nalang may kusang mga salitang lumabas sa bibig niya. "Sandali, Ikukuha kita ng plato." Bigla siyang tumayo. "Thank you," Palaging may inis na nararamdaman si Paris sa tuwing iismiran siya nito. Tinignan naman niya si Gilbert pero hindi ito nagsalita. Mabilis na nakakuha ng plato si Paris at nakabalik din naman kaagad sa dining room. Nang maupo siya ay walang may gustong umimik. Umupo siya. "Oh ayan," Kaagad niyang ibinigay ang plato kasama ang kubyertos. "Ang saya mo namang kasama siya, Paris." Napatigil siya dahil sa sinabi ni Grecian. Pagkatapos ay nilingon ni Grecian si Gilbert. Hindi alam ni Paris pero may inis na naman siyang naramdaman. "Bakit mo nasabi?" Tanong niya naman dito. "Because I saw both of you, laughing earlier." Walang emosyong sagot nito. "And? What's wrong with that?" Hindi ito nagsalita at kumain nalang. "Uhm, Nga pala Paris, dinala ko 'yong gitara. Tumugtog ka mamaya ha?" Naagaw naman ni Gilbert ang pansin ni Paris. "Sure! Mamaya," Tugon naman niya. "Doon nalang tayo sa may dalampasigan," Nakangiting sabi nito sa kanya. "Kuya Grecian?" Nagulat naman sila nang may nagsalita mula sa likod nila. Si Henry. "Kuya Gilbert??" Kasama nito si Sarah. "Hey!" Nagulat naman siya nang sabay si Grecian at Gilbert na nagsalita. Nagkatinginan ang mga ito sa pagitan ni Paris. Tumingin naman si Paris sa dalawang bata. May mga nakakalokong ngiti ang mga ito. Lumapit ang dalawang bata sa kanila at umupo sa harap nila. "Samahan mo ako mamaya Paris," Mas lalo pa siyang nalito nang sabay na namang magsalita si Grecian at Gilbert. "Saan ka pupunta Gilbert?" Tanong niya. "No I just want to remind you about joining me playing with guitar?" Sabi ni Gilbert. "Saan ka naman pupunta Grecian?" Tanong niya sa taong hindi siya sigurado kung anong tumatakbo sa isipan nito. "I just want to remind you, that you'll be with me today. I'm gonna buy my personal things," Mabilis ang naging tugon nito habang sumusubo pa rin ng hipon. "When did you say anything about buying your personal things?" Takang tanong niya dito. Mas lalo siyang nainis nang magkibit balikat lang ito sa kanya. Sa pagkakaalala niya ay wala itong binanggit na kahit na ano tungkol sa pamimili ng gamit nito. Nag-isip ng maayos si Paris kung ano bang dapat gawin. Bakit ko naman sasamahan 'tong si Grecian? Tanong ng isip niya. "Gilbert, pwedeng mamayang hapon nalang natin gawin 'yong sinasabi mo? Sasamahan ko lang si mokong sa pagbili ng gamit niyang hindi naman niya sinabi sa 'kin. At okay na rin 'yon, nang hindi na siya manggamit ng gamit ng iba." Lahat ng sinabi ni Paris puro may laman at lahat ng iyon ay ipinupukol niya kay Grecian. Bigla namang tumingin si Grecian sa kanya. Tila hindi nito inaasahan ang sasabihin niya. "Aaah sure!" Parang hindi sigurado si Gilbert sa isinagot. "Promise darating ako," Ngumiti nalang ang binata sa sinabi ni Paris. "Kuya Paris sasama kami ni Sarah sa pamimili," Si Henry ang nagsalita. "Dito nalang kay–" hindi natuloy ang sasabihin ni Paris nang biglang unahan siya ni Grecian. "Sure!" Nakangiting sambit ni Grecian. "Yey!" Sabay ang ginawang reaksi yon ni Henry at Sarah. Tinignan naman ni Paris si Gilbert at nahihiyang ngumiti dito. "Hi! I'm Grecian Lopez Gray, and you are?" Nagulat si Paris sa pagpapakilala ni Grecian kay Gilbert habang inaabot nito ang kamay kay Gilbert. "I'm Gilbert Santiago Ramirez," Hindi alam ni Paris ang magiging reaksyon sa dalawa. Napatingin naman siya sa dalawang bata. Pabalik balik ang pagtaas at pagbaba ng mga kilay ng mga ito habang malapad ang mga ngiti habang nararamdaman niya ang tensyon sa mga mata ni Grecian at Gilbert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD