"O, ayan!" Nagulat si Grecian nang ibinato ni Paris sa kanya ang isang brown na shorts kasama na ang puti at manipis na shirt.
"Bakit ganyan ka?" Takang tanong niya dito.
Hindi niya alam pero nararamdaman niyang naiinis ito sa kanya. Iyon din ang dahilan kung bakit natutuwa siyang inaasar ito. Lalo na kapag nakikita niyang bumubusangot ang mukha nito sa inis.
"Alam ko kasing wala ka na namang susuoting damit, kaya binigyan na kita! Last na 'yan kasi bibili ka na ng damit mo!" Inirapan siya ni Paris.
Napangiti siya sa ginawa nito.
"Oo na, basta samahan mo ako bumili. Hindi ko kasi alam ang lugar na 'to eh,"
"Oo na!" Biglang umalis si Paris sa loob ng kwarto. Napaisip si Grecian. Napapahanga siya sa personalidad ni Paris. Alam niyang likas itong mabait at matulungin pero nang dahil sa kanya ay biglang nag-iiba ang ugali nito. Iyon ang gusto niyang gawin kung hanggang saan ang pasensiya nito.
Hindi nagtagal ay nakapagbihis naman siya agad. Nasa sofa siya ngayon at naghihintay. Natanaw niya si Paris sa itaas mula sa kwarto ng dalawang bata. Maya maya ay bumaba na ang mga ito.
"Excited na ako kuya!" Nakangiting sabi ni Henry. Nakita niya naman ang batang babae na nakakapit sa braso ni Paris. Nang makababa na ang mga ito ay agad naman siyang pinuntahan ng mga ito.
"Teka, may kukunin lang si kuya." Nagpaalam si Paris. Papunta ito sa kusina.
"Kuya Grecian, ibang iba ang titig mo kay kuya ah? Bakit ka nga pala sumunod dito sa batanes?" Naagaw ang pansin niya mula sa pagtitig kay Paris. Tinignan niya siya si Henry na nagtatanong. Napaisip siya sa tanong nito pero lihim siyang natutuwa sa ugali ng bata.
"Wala naman, pumunta ako dito kasi gusto kong makapag bakasyon. Medyo nakakatamad na rin kasi sa trabaho, kaya heto nagbakasyon muna si kuya Grecian niyo." Nakangiti niyang tugon dito.
"Pero bakit dito, kuya?" Si Sarah naman ang nagtanong.
"Kasi maganda dito, at nandito kayo. At si kuya Paris niyo..." Nakangiti si Grecian habang nagsasalita. Tumango na lang ang dalawang bata.
"Tara na," Nagulat ang tatlo sa pagsulpot ni Paris. Nakita niya itong may dalang plastic bag.
"Para saan 'yan kuya Paris?" Tanong ni Henry.
"Basta mamaya nalang malalaman niyo." Nakangiting tugon nito.
"Doon nalang tayo sumakay sa kotse ko?" Napatingin naman si Paris sa sinabi ni Grecian.
"Sige," walang emosyong tugon ni Paris Akala ni Grecian ay tatanggihan ni Paris ang alok niya. Naglakad sila papuntang kotse ni Grecian. Nang marating nila ang sasakyan ay mabilis na binuksan ni Grecian ang pinto sa likod ng kotse at agad na sumakay ang dalawnag bata. Tinignan niya si Paris na nasa tabi na niya ngayon.
"Bakit?" Tanong nito nang mapansing nakatitig na pala siya.
"Aaah Nothing," Nag-iwas siya ng tingin dito at kaagad na binuhay ang makina. Mabilis ang ginawa niya kaya napaandar niya agad ang sasakyan.
****
"Paris?! Naku! Ikaw na ba yan?! Diyos ko! Ang laki laki mo na! At ang pogi mo pa!" Napayakap ang ginang nang makita si Paris.
"Naku nanay Celia, hindi naman po..." Napatawa siya sa reaksyon nito.
"Ay naku! Bakit hindi ka na bumalik dito sa Batanes?" Masayang tanong nito sa kanya. Kasalukuyang nasa talipapa si Paris ngayon. Napagdesisyunan niyang dumaan muna sa tindahan ng ginang malapit sa talipapa.
Mga palamuti ang tinitinda ng ginang na maaaring maging souvenir. Mabenta ang mga ito sa mga turistang pumupunta sa Batanes. Malalapit sa kanyang puso ang ginang at isa sa mga taong tumulong sa kanya nang mawala siya sa Batanes. Mabuti na lamang at may mabuting loob ang ginang at tinulungan siyang makabalik sa bahay niya.
"Ayon ho, matapos ang libing ng nga magulang ko, napagdesisyunan kong pumunta sa makati at doon mag-aral." Nalungkot ang ginang sa sinabi niya.
"Talaga? Oo nga at nabalitaan ko ang nangyari sa mga magulang mo... Di bale, nandito pa rin naman ako at si Fredo. 'Yong naging kalaro mo dati sa bahay?" Nagpapasalamat siya dito dahil naging parte ito ng buhay niya at isa sa mga nagpagaan ng problema niya walong taon na ang nakakalipas. Isa na din doon si Fredo.
"Salamat po, nanay Celia." Napatingin ito sa dala niya.
"Ano 'yang dala mo?" Naalala niyang ibibigay niya ito sa ginang.
"Ay oo nga pala nanay Celia, dinalhan ko po kayo ng pagkain.."
"Naku! itong batang 'to, nag-abala pa... Pero maraming salamat Paris ah? Parang masarap ang luto ng tita Luming mo," Nakangiti pa rin ito. Medyo may edad na rin ang ginang dahil sa mga puting buhok nitong mangilan ngilan ding tumutubo.
"Naku walang anuman po! Kumusta po pala si Fredo?" Isang kababata si Fredo. Isa din itong malapit na kaibigan ni Paris. Kasama itong tumulong para maibalik siya sa bahay.
"Ay naku ayon sa wakas naka-graduate din." Lumapad ang ngiti nito nang banggitin ang pangalan ng kaisa isang anak.
"Anong kurso ang kinuha ni Fredo nanay Celia?"
"Isa na siya ngayong Guro," Nabigla siya sa tinuran nito. Sa wakas ay natupad na nito ang pangarap na maging Guro. Napangiti siya sa naisip.
"Talaga ho? Naku! mabuti naman at matutulungan na ho kayo ng anak niyong si Fredo," Tumango naman ito.
"Oo nga eh, hindi rin nasayang 'yong paghihirap niya sa pag-aaral." Maluha luhang banggit nito.
"Naku dahil din po 'yon sa suporta niyo, nanay Celia."
"Ikaw, Paris? siguro may trabaho ka 'din niyan ngayon?"
"Opo, nanay Celia. Sa wakas ay may trabaho na 'din,"
"Anong trabaho mo?"
"Nasa isang multimedia company ho ako ngayon, isang executive Manager."
"Naku! Ang galing ng batang ito!" Napayakap na naman ito.
"Hindi naman po, nanay Celia."
"Matutuwa si Fredo kapag makita ka niya!" Bulalas ng ginang.
Hindi naman inaasahan ni Paris ang pagdating ni Grecian mula sa looban kasama ang dalawang bata.
Napagdesisyunan naman niyang daanan na muna ang ginang para maibigay ang mga pagkaing dala niya para dito. Pumayag naman si Grecian sa sinabi ni Paris. Nauna ito kasama ang dalawang bata para bumili ng mga damit at gamit nito.
"Paris! We have been looking for you!" Nilingon niya ito at nakita niya ang nangungunot nitong noo. Natawa siya sa hitsura nito. Namumula ang tainga at pisngi nito dahil sa init. Nakita naman niya sina Henry at Sarah na halatang naiinitan na din.
"Henry! Sarah! Dito muna kayo sumilong dali! Ang init init, bakit naglalakad kayo sa gitna ng daan?"
"Eh kasi hinahanap ka po namin ni kuya Grecian," Biglang sagot naman ni Henry.
"Grecian naman, ang sabi ko nasa talipapa lang ako. Ang akala ko alam mo kasi um-oo ka naman," Parang nainis ito sa sinabi niya.
"I don't know what talipapa is," Nag-iwas ito ng tingin. Napatawa siya sa pagbigkas nito ng salitang 'talipapa' dahil medyo may accent pa.
"Paris? Sino siya? Aba! Ang gwapo ah!" Napansin ni Paris ang pagkamangha ni nanay Celia kay Grecian.
"Si Grecian po, nanay Celia. Kaibigan ko," Nakita niyang ngumiti si Grecian sa ginang.
"Parang pamilyar siya," Takang sabi naman ni nanay Celia.
"Modelo ho 'yan, nay." Biglang banggit niya.
"Oo nga! Madalas kitang makita sa telebisyon! Tama, ikaw 'yon!" Dahil sa sigaw ng ginang ay bahagyang napatigil ang mga tao. Hindi niya napansin na kanina pa pala naguusap-usapan ang mga tao sa paligid.
Yeah right, Grecian Grey again. Tsk! Inis na napaisip si Paris.
"Ako po si Grecian,"
Wow bakit biglang naging magalang 'to? Kanina pa kontra ng kontra ang isip ni Paris.
Inabot naman ng ginang ang kamay ni Grecian.
"Kuya ang init na!" Si Henry.
"Oo nga kuya!" Si Sarah naman ang nagreklamo. Tinignan ni Paris kung nakabili na si Grecian ng mga gamit nito.
"Kompleto na ba ang mga 'yan?" Biglang tanong ni Paris kay Grecian habang nakikipag-usap sa ginang. Nilingon siya nito.
"Yeah," Pagkasabi nito ay kaagad naman niyang ibinaling atensyon sa ginang at saka nagpaalam na aalis na.
"Nanay Celia, mauuna na ho kami ha? Marami pa po kasi kaming gagawin sa bahay pero babalik po ako dito, pakisabi nalang po kay Fredo na nagpunta ako dito."
"Sige Paris, sasabihin ko kay Fredo. Papupuntahin ko nalang mamaya sa bahay niyo," Nakangiting tugon nito.
"Who's Fredo?" Biglang tanong naman ni Grecian. Napansin iyon ni Paris.
"Anak ko," Tugon ng ginang. Tumango tango naman si Grecian.
"Sige po nay, papuntahin mo nalang po si Fredo sa bahay. Aalis na po kami, naiinitan na 'tong dalawa eh."
"Oo nga kanina ko pa napapansin ang mga 'yan. Anong pangalan nila?"
"Si Henry at Sarah po, nay." Bigla namang bumati ang dalawang bata.
"Hello po!" Nakangiting tinugunan naman iyon ng ginang.
"Naku ang cute niyo naman! O siya sige na mabuti pang iuwi mo na 'tong dalawang bata, masyadong mainit dito. Pati itong kaibigan mo, aba'y! Kanina pa namumula sa init!" Natawa siya sa sinabi ng ginang at saka tinignan si Grecian.
Tuluyan na nga silang nagpaalam sa ginang at saka umalis. Mabuti nalang at malapit lang ang kotse sa talipapa kaya napuntahan nila agad ito at agad na sumakay.
Naiinitang binuksan ni Grecian ang Aircon sa loob ng kotse. Napatawa siya hitsura nito. Ngayon niya lang nakita na naging ganoon ang isang sikat na modelo.
"What's so funny?" May inis sa boses Grecian nang mapansin nitong natatawa siya. Lumingon naman siya sa dalawang batang nasa likod nila. Napapatawa ang mga ito.
"Nothing," Hindi mapigilan ni Paris ang mapangiti.
Haaaaayst... 'Ayan sinama-sama ako pero hindi naman pala kaya ang init ng araw... Buti nga sa 'yo! Hahaha!
Hindi nalang pinansin ni Grecian si Paris at agad na pinaandar ang kotse.
****
"Sige na, doon nalang muna kayo sa sofa. Nandoon si tita Luming, nanonood. Para makapagpahinga naman kayo ang init eh, sabi ko naman na 'wag na kayong sumama. 'Ayan tuloy," Natawa siya sa hitsura ng mga bata.
"Ipagtitimpla ko kayo ng juice, sa kusina. Sige na, Napangiti naman ang mga ito at kaagad na sinunod ang inutos niya.
Hindi niya alam na nakatingin pala si Grecian sa kanya.
"Ang sabi ko kanina samahan mo ako, pero anong ginawa mo? Iniwan mo kami ng mga bata, ni hindi namin alam kung saan dadaan." Dahil sa narinig ay parang kumulo na naman ang dugo niya dito.
"Tinanong kita kung alam mo, sabi mo naman 'oo', kaya iniwan ko na muna sa 'yo ang mga bata. Tapos ngayon, sinisisi mo ako kung bakit nainitan ka?" Naalala niya ang hitsura nito kanina habang namumula ang ilong at ang dalawang tainga nito. Dahil sa sinabi niya ay nag-iwas ito ng tingin. Alam nitong tama si Paris. Pero napansin nitong napatawa siya.
"Kanina ka pa tumatawa ng walang dahilan, Pinagtatawanan mo ba ako?"
"Hindi ah," Sagot niya.
"Eh bakit ka nga tumatawa?!"
Natawa siya sa pagtaas ng boses nito. Natatawa siya kapag naiinis ito. Masaya sa pakiramdam para kay Paris na ito naman ngayon ang naiinis sa kanya.
"None of your business!" Kaagad niya itong tinalikuran at pumunta na ng kusina para magtimpla ng juice.
"Paris!" Narinig niya ang inis ng boses nito habang tinatawag siya. Hindi niya mapigilan ang mapahagikhik. Hindi na niya ito pinansin.
Hindi alam ni Paris na sinundan pala siya ni Grecian papuntang kusina.
"Paris," Nagulat siya nang makalapit ito sa kanya. Kumukuha palang siya ng malamig na tubig mula sa fridge nang mapansin niya ito sa likod niya.
"Grecian? Anong ginagawa mo dito? Ayusin mo na nga sarili mo! Tignan mo oh! Suot mo pa rin damit ko! Magpalit ka na do'n!" Hindi alam ni Paris kung anong dapat na sabihin.
Nakatitig lang ito sa kanya. Hanggang sa magulat siya sa sinabi nito.
"Ang ganda pala ng pwet mo," Parang wala ito sa sarili.
"What the f*ck?! Anong sabi mo?!" Gulat niyang tanong. Tila nahimasmasan din ito sa pagtaas ng boses niya.
"Ha? Wait, What?! Aaah W-wala!" Natatarantang nag-iwas ito ng tingin at mabilis na umalis. Nakatulala pa rin si Paris. Hindi niya alam kung ano bang dapat na isipin sa sinabi nito.
Gago ba 'yon?
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.