CHAPTER SEVEN *BHL: Strange Feelings*

2874 Words
"Nandiyan ba si Paris?" Napatigil si Grecian sa paggamit ng kanyang cellphone nang makita ang isang lalaki na kanina lamang ay kaharap niya sa lamesa. Si Gilbert. Abala siya sa pakikipag-usap sa kaniyang Manager para sa mga susunod na gagawin niya sa shooting pagkatapos ng kaniyang bakasyon. Kasalukuyang nakaupo siya sa sofa. Napatingin siya kay Gilbert. "Wala siya di–" Hindi na natuloy ni Grecian ang sasabihin nang biglang bumaba mula sa kwarto si Paris at biglaang bumati kay Gilbert. "Uy! Gilbert nandito ka na pala! Dala mo ang gitara?" Nabigla si Grecian sa pagbaba ni Paris. Nakita na naman niya ang mga ngiti ni Paris nang dahil kay Gilbert. "Nandito! dala ko!" masiglang tugon ni Gilbert habang bahagyang ipinakita dito ang bitbit nitong gitara. "Nice! Tara!" Napatingin naman si Paris kay Grecian na nakatitig sa kanila. Hindi sinasadyang napatingin na naman si Grecian sa pwet nito. Napansin ni Grecian na nakapagpalit na pala ng damit si Paris. He is wearing a white sando and a black smooth shorts. Kapansin-pansin dito ang suot nitong kwintas. A dark necklace designed with a dream catcher in the middle. Bumagay ito sa suot nito. Napansin nito na nakatitig na naman siya sa kung saang ayaw nitong tinititigan. Nang makabawi siya sa ginagawa ay kaagad siyang nagsalita. "Sasama ako, Paris." Nakita niya ang reaksyon ni Paris. Sa isip ni Grecian ay tumatawa siya dahil sa reaksyon nito. Parang alam na nito na aasarin na naman niya ito. "Dito ka na lang! baka hindi mo magustuhan na tumugtog ako." Inismiran siya nito. "May sinabi ba ako?" tugon niya dito. Napatingin naman sa dalawa si Gilbert. "Puwede naman natin siyang isama Paris," sabi ni Gilbert pero tila walang emosyon ang pagkakasabi nito. Hindi niya alam pero medyo mainit ang dugo niya dito sa kaibigan ni Paris. "Puwede naman pala," walang emosyong sabi niya. "Sige," agad namang sumagot si Paris. Pagkatapos ay nauna na itong lumabas ng bahay sumunod naman si Gilbert na dala-dala ang gitara. Tumitig pa ito kay Grecian kaya sumingkit ang mga mata niya dito. "May problema ka?" tanong niya dito. Pero wala itong sagot. Ngumisi lang ito kay Grecian. Nang ibalik ni Grecian ang cellphone sa kaniyang tainga, nagulat siya sa lakas ng boses ng Manager niya. "Ang lakas ng boses mo!" Singhal niya dito. "I thought you were listening? Grecian, this is a serious conversation and I have to send all the updates for your new project!" Nagalit na ang Manager ni Grecian. "Sorry," tugon niya. "Nasaan ka ba Grecian?" takang tanong nito. "Nasa batanes ako ngayon, Frank," sagot naman niya dito. "Basta alalahanin mo 'yong sinasabi ko sayo ha?" pangungulit nito. "Oo na. Mamaya na lang. Send all the updates to my email. I'll call you later." Pagkatapos niyang kausapin ang Manager ay kaagad na niyang pinatay ang linya. Nang may makita siyang salamin ay agad siyang humarap dito. Inayos niya ang buhok. Pagkatapos ay agad siyang pumunta sa kuwarto ni Paris para magbihis. Naalala niyang may nabili siyang damit na katulad ng kay Paris. Isang puting sando at isang black shorts. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Grecian nang kunin niya ang nabili niyang kwintas na pareho ang disenyo sa kwintas ni Paris. **** Bawat bigkas ng salita na nararamdaman ni Gilbert mula kay Paris habang kumakanta ito ay parang isang balahibo na humahaplos sa kaniyang balat. Malapad ang ngiti niya habang nakatitig sa mukha ni Paris. Minimemorya niya ang bawat parte ng mukha nito. Ang galaw ng bibig nito ang mas napapansin niya. Aminado siyang maganda ang boses ni Paris. Isa iyon sa mga nagustuhan niya kay Paris. Kitang-kita ni Gilbert na damang-dama ni Paris ang kanta. Para nitong hinuhugot ang buong lakas at kagandahang ng kanta kaya mas lalo nitong naipapadama ang ibig sabihin ng awitin. Bawat kasa nito sa gitara ay ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. 'When we were young' by: Adele Bahagyang napasulyap si Gilbert sa kwintas ni Paris. Napangiti siya dahil bagay na bagay iyon kay Paris. Tumigil si Paris nang mapansing titig na titig na siya. "Gilbert?" Bigla naman siyang nagulat nang tinawag siya nito. "Yeah? Oh! Aaah haha wala nadala lang ako sa kinanta mo... Ang galing mo talaga." Napakamot nalang siya sa kaniyang batok. Hindi niya alam kung ano ba ang naging reaksyon niya nang mapansin nitong titig na titig siya kay Paris. "Weeeh? talaga ba?" natatawa niyang tanong dito. Nginitian niya ito bilang tugon. Napatitig naman ito sa kaniya. Nabigla siya sa ginawa ni Paris. "Bakit??" Tanong niya dito. Natawa naman ito. "Naku, namumula ka." Nahiya naman siya sa sinabi nito. Baka nahalata nito ang pamumula niya. "Ha? Hindi ah!" Natawa na naman ito. "Anong hindi? Ayan oh! naku! 'tong kaibigan ko..." Bigla naman itong umakbay sa kaniya. Natigil siya sa ginawa nito dahil sobrang lapit nito sa kaniya. Pero mas napaisip siya sa sinabi nito. kaibigan... "Baka pwedeng ako naman ang tugtugan mo?" Napalingon ang dalawa sa nagsalita. **** Nagulat si Paris sa nagsalita mula sa likuran nilang dalawa ni Gilbert. Napansin niyang napalingon din si Gilbert. Nagulat siya sa suot nito. "Kumuha ka na naman ba ng damit ko sa cabinet??!" Napalakas na ang boses niya. Aba! Sinamahan ko na 'to mamili ng mga damit tapos maglalakas na naman 'to ng loob para suotin mga damit ko?! Nakita niyang napatingin naman si Grecian sa sarili nito at saka siya tinapunan ng nakakalokong ngiti. Ang walang 'ya! Mas nainis siya sa suot nitong kwintas. "Talagang inaasar mo ba ako Grecian??!" Napasigaw na siya dito at naging dahilan iyon para magulat naman si Gilbert. Napansin iyon ni Paris. "Pasensiya na..." paumanhin niya kay Gilbert. "Okay lang," agad na tugon nito sa kaniya. Lumapit siya kay Grecian at agad na nagsalita. "Ibalik mo na 'yan Grecian. Bumili ka na ng mga damit mo diba?" Matalim ang titig niya dito. "It is not my fault that I bought something like what you're wearing right now." Hindi niya alam kung seryuso ang boses nito o pinipilit lang nitong maging seryuso. "Really? So did you choose to wear something like what I am wearing right now? You bought many right? Oo nga pala, alam kong sinasadya mo akong asarin." Tinitigan siya nito hanggang sa mas naging malapit ito sa kaniya. "Anong masama kung gusto ko 'tong suotin? Ako naman ang bumili nito. At alalahanin mo na hindi mo kami sinamahan ng mga bata kaya hindi ako nakapamili ng iba. Edi sana, hindi tayo magkapareho ngayon. One more thing, what's the problem with it? Does it really affects you?" Bawat salitang binibitawan nito ay tumatama sa kaniya. Hindi niya mahagilap ang kaniyang sarili para makasagot sa mga sinabi ni Grecian. Nag-iwas siya ng tingin dito. Hindi niya kayang titigan ang mga mata nito. Wala siyang maisagot sa sinabi nito. "Paris? Ayos ka lang?" Nakabawi si Paris mula sa mga sinabi ni Grecian nang biglang tanong ni Gilbert. Tiningnan niya si Gilbert. "Aah, oo ayos lang ako." Pinilit niyang ngumiti. Tumingin ulit siya kay Grecian. Nakatingin pa rin ito sa kaniya. "Tugtog ka na lang ulit Paris..." biglang sabi ni Gilbert. Napagdesisyunan niyang umupo na lang sa tabi nito at tumugtog ulit. "Sige," tugon niya dito. Naramdaman naman niya ang presensiya ni Grecian na nasa tabi na niya ngayon. "'Wag kang mag-alala, hindi naman kita guguluhin. Tumugtog ka nalang ulit..." Tahimik na nagulat siya nang mag-iba ang boses nito. Tila naging maamo ang boses nito kumpara kanina na nagsusukatan sila ng rason nang dahil sa pareho ang suot nila damit at maging ang suot nilang kwintas. Mabuti na lang at hindi parehas ang suot nilang tsinelas. Napapaisip siya kung bakit ganoon na lang ang pakiramdam niya. Nawawalan siya ng lakas ng loob kapag inuutusan na siya nito sa mga bagay na hindi niya masyadong ginagawa. Sa huli ay tumugtog na lang siya. Napaisip siya ng kanta. Napatitig siya sa palubog na araw. 'Too good at goodbyes' by: Sam Smith Napansin ni Paris na nakatitig sa kaniya si Grecian pero hindi na lang niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa pagtugtog at pagkanta. Ibang-iba ang nararamdaman ni Paris sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi niya alam kung epekto ba iyon ng kanta o dahil sa katabi niya ang tao na may kapareho ng suot sa niya. Napansin naman niyang nakatitig si Gilbert. Sa bawat pagtaas at pagbaba ng kaniyang kamay sa kwerdas ng gitara, mas lalong lumalakas ang t***k ng kaniyang puso. Bigla namang napatigil si Paris nang magsalita si Gilbert. "Ah Paris, teka lang ha, May emergency eh," biglang sabi nito sa kaniya. Narinig niya ang pagtunog ng cellphone nito. Napansin din niya ang epekto no'n sa mukha ni Gilbert. Tila naiinis ito nang may biglang tumawag mula sa cellphone nito. "Sige lang Gilbert, balik ka nalang..." nakangiti niyang tugon. "Well, I think I'll come back tomorrow. Medyo late na rin kasi kung babalik pa ako dito kaya bukas na lang Paris," paliwanag nito sa kaniya at bigla namang hinawakan nito ang kamay niya. Napatingin naman si Gilbert kay Grecian na nakatingin sa kamay ni Paris kung saan nakahawak ang kamay ni Gilbert. "Don't worry Gilbert I understand..." Tinapik naman ni Paris ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. "Sige sige, bukas na lang ulit Paris. Iiwan ko na lang muna 'yang gitara sa 'yo." Pagkatapos nitong magsalita ay agad naman itong naglakad palayo sa kanilang dalawa. Naiwan silang dalawa na sobrang tahimik. Napansin ni Paris na nakatanaw sa dagat si Grecian. Mas lalong naging maganda ang paglubog ng araw. Hindi alam ni Paris kung anong mararamdaman kasama si Grecian. May halong inis, kaba, at sa kung ano pang dahilan ay hindi na niya alam. May nararamdaman siyang gaan ng loob habang nakatitig ito sa paglubog ng araw. "Erhm," kunwari ay naubo siya. Nakakunot ang noo nito nang lingunin siya. "Hm?" Nagtatanong ang mga mata nito. "Wala naman, Ang tahimik mo..." Naramdaman ni Paris ang pagbuntong hininga nito. Parang mas mabigat pa ang problema nito kaysa sa dinadala niyang mga problema. "Nothing. I just think, when I will start my new journey aside from being a model..." Akmang magsisimula nang tumugtog si Paris nang mapatigil siya sa sinabi nito. Napaisip siya sa sinabi nito. "You have everything, Grecian. There is nothing to worry about–" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla naman itong nagsalita. "At the end of the day, I would still find myself nothing. If I don't know where to go, then I am nothing." Hindi niya lubos maisip na magsasabi ito ng saloobin sa kaniya. Ang alam ni Paris, isa itong tao na hindi marunong makiramdam ng damdamin ng iba. "Why you end up of being a famous model? There could always be reasons behind Grecian." "Alam ko 'yan, pero hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng 'to, hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko," biglang sagot nito. "Hindi mo naman kailangan na gawin ang lahat para mahanap ang sarili mo. May mga tao na patuloy sa pagpunta sa kung saan-saang lugar para lang mahanap nila ang sarili nila. Hindi ko sinasabi na mali 'yon. Pero pasa sa 'kin, minsan kasi hindi na natin alam kung ano ang gagawin... Kung ano ba ang tamang desisyon na dapat gawin sa mabigat na problema meron ang isang tao. Kaya may mga tao na kagaya natin na hinahanap ang sarili nila baka sakali na magkaroon sila ng kasagutan. Pero alam mo, sa unang beses pa lang na nagkaroon ka ng tiwala sa sarili mo, sa unang beses na pinaniwalaan mo ang sarili mo, doon pa lang nahanap mo na ang sarili mo at ang kasagutan sa lahat ng pinagdadaanan mo..." Nakatingin siya sa gitara habang ipinapaliwanag niya dito ang nararamdaman niya sa problema nito. Tumingin siya kay Grecian. Isang gulat na mga mata ang makikita kay Paris. Hindi niya napansin na kanina pa pala ito nakatitig sa kaniya habang nagsasalita siya. "Ikaw, Paris? Nahanap mo na ba ang sarili mo?" takang tanong nito sa kaniya pagkatapos ng tanong nito ay ang mas lalong paglapit nito sa kaniya. Naramdaman ni Paris ang balat ni Grecian sa balat niya. Napatigil siya at pinilit na sagutin ang tanong nito. "Matagal na... Kaso nga lang, kailangan pang may mawala... Isa 'yon sa pinaka-masakit na nangyari sa buhay ko. Nawala 'yong mga magulang ko. Pero nang dahil do'n, pinatibay nila ang sarili ko, nakaya ko naman kahit paano..." "Sorry..." Naging mahina ang pagkakasabi ni Grecian kay Paris. "Sorry for what?" tanong niya. "Sorry to hear that..." tugon nito. "Okay lang. Matagal na 'yon. Kaso hindi nalaman nila mama na ganito ako eh... Kaya siguro hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang magiging desisyon ko sa hinaharap..." Biglang napatitig si Paris sa dagat. Tuluyan nang lumubog ang araw. Kasunod nang paglubog ng araw ay ang paglitaw ng bilog na buwan. Madilim na sa paligid. Hindi sigurado si Paris kung narinig ni Grecian ang pagsinghot niya. "Teka, umiiyak ka ba?" biglang tanong nito. Hindi na niya makita ang mukha ni Grecian at sigurado siyang ganoon din ito. "Hindi ah!" angal niya. "Umiiyak ka!" "Hindi nga!" "Umiiyak ka nga??" "Ang kulit! Hindi nga sabi!" Dahil sa inis ay naisip ni Paris na iwanan nalang muna ito. Papasok na muna siya ng bahay. "Umiyak ka lang eh..." May halong pagtawa sa sabi nito "Bahala ka nga! Aalis na ako dito. Sumunod ka nalang gabi na rin," sabi niya dito. Bigla siyang napatayo. "Teka!" Nagulat siya sa boses nito at nabigla siya nang mahawakan nito ang kamay niya at hatakin pababa. Hindi sigurado si Paris kung tuluyan ba siyang mapapaupo sa buhangin o mismo sa tabi nito dahil mabilis ang pagkaka-hatak nito sa kaniya. Para siyang pinana ng isang mangangaso sa gubat nang bigla niyang maramdaman ang bibig nito sa bibig niya. Hindi niya lubos makita ang sarili sa isang hindi inaasahang sitwasyon na mangyayari sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya alam kung nakikita nito ang mukha niya. Hindi niya alam kung ano ang reaksyon nito sa gulat na mga mata ni Paris. Biglang napahigpit ang hawak ni Paris sa gitara. Halos maputol ang kuwerdas sa gitara dahil sa higpit ng hawak niya dito. Naramdaman niyang biglang napakalas ang isang kamay ni Grecian sa braso ni Paris. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong sitwasyon hanggang sa bumalik siya sa katinuan at biglang inilayo ang sarili mula dito. "G-grecian..." Gulat ang boses niya nang masambit niya ang pangalan nito. Ilang segundo siyang walang narinig na salita mula dito. "Hindi ko sinasadyang... Pasensiya na Paris..." Naging malamig ang boses nito. Naramdaman niya ang pagtayo nito mula sa pagkakaupo sa buhangin. "Mauna na ako." Pagkasabi nito ay mabilis naman agad itong nakaalis sa tabi niya. Naiwan siyang nakatulala. Hindi sinasadyang nahawakan ni Paris ang kaniyang bibig. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Hindi niya alam kung bakit nangyari ang bagay na iyon. Napabuntong hininga siya dahil sa nangyari. Ilang minuto ang lumipas at napagdesisyunan na niyang umalis sa dalampasigan. Naglakad na siya pabalik ng bahay. Naabutan niya si Grecian na may kausap sa cellphone nito. Nakatalikod ito mula sa kaniya at halatang seryuso sa pakikipag-usap. Natanaw niya ang isang lalaki malapit sa pintuan ng bahay niya. Nang makalapit siya dito ay ganoon na lang ang kanyang pagka-gulat. "Fredo??!" "Helen??!" Nabigla si Paris nang marinig niyang sabay sila ni Grecian na nagsalita at ganoon din naman si Grecian kay Paris. Nagpalipat lipat ang tingin ni Grecian at Paris sa isa't isa. Nasa isang tabi lang si Grecian malapit sa bahay niya. Alam niyang hindi nito napansin ang paglapit ni Paris sa bahay dahil sa pakikipag-usap nito sa cellphone. Napansin naman ni Fredo ang pagka-bigla ni Paris sa sitwasyon. Pero mas nakakagulat nang makita niya si Helen mula sa 'di kalayuan. Nakalapit na ito ngayon kay Grecian at nakita niyang bigla naman itong yumakap kay Grecian bagay na ayaw ni Grecian na ginagawa dahil sa tapos na sila ni Helen. Napatingin naman si Grecian kay Paris. Nag-iwas siya ng tingin mula dito. Ilang hakbang lang ang ginawa ng dalawa at nakalapit na ito sa kaniya. Nakita ni Paris na mahigpit ang hawak ni Helen sa braso ni Grecian. Naramdaman naman ni Paris ang paglapit at pag-akbay ni Fredo sa kaniya. Isang malapad na ngiti ang nakita niya mula kay Fredo. "Kumusta ka na Paris?" Nakangiting tanong ni Fredo. "O-okay naman ako Fredo..." sagot niya sa alanganing boses. "Hindi mo naman sinabing nandito pala si Grecian, Paris? Edi sana mas napadali ang paghahanap ko sa kaniya." Parang may tampo sa boses nito habang sinasabi ang mga salita kay Paris. "Let's talk Helen," Walang emosyong sabi naman ni Grecian at bahagyang napatitig kay Fredo. Nagpasalamat naman sa isip si Paris sa ginawa ni Grecian dahil hindi niya kayang tingnan ang kaibigan lalo pa at alam niyang nagtatampo ito sa kaniya dahil hindi niya sinabi dito na kasama niya si Grecian sa Batanes. "Tara sa loob Fredo?" biglang sabi niya sa kaibigan na nakaakbay parin sa kaniya. Ngumiti naman ito bilang tugon. "Tamang tama! May dala akong pansit palabok! Si nanay kasi, excited na papuntahin ako dito sa inyo eh!" natatawang kwento nito. Agad naman silang naglakad papasok ng bahay. Natanaw niya ang dalawa bago pumasok. Marahan niyang inilapag ang gitara sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD