"Why did you not tell me Paris?" Gulat ang mukha ni Paris nang tanungin siya ni Helen. Nasa sofa siya kasama si Fredo. Kanina pa sila nag-uusap ni Fredo at alam niyang hindi mapakali ang kaniyang utak nang bigla niyang makita si Helen.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang takot niya nang makita niya ito.
Napatigil naman sa pag-uusap si Paris at si Fredo. Mabuti na lang at hindi niya kasama ngayon ang mga bata nasa tita niya ito at nakikipaglaro sa kwarto. Alam niyang hindi malapit ang loob ng mga bata kay Helen. Gabi na rin nang dumating si Helen.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Paris bago magsalita.
"I'm sorry–" Hindi naituloy ni Paris ang sasabihin nang bigla naman itong nagsalita. Nasa tabi naman ni Paris si Fredo habang kausap si Helen. Kita ang pagka-lito sa mga mata nito sa nangyayari.
"It's okay, nasabi na sa 'kin ni Grecian. It was not actually your fault. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ni Grecian at pinipilit na iwasan ako. I'm sorry, Nadadamay ka pa sa gulong 'to..." Pagkatapos nitong magpaliwanag ay mabilis ang na napatingin ito sa katabi ni Paris na si Fredo.
"Sino siya Paris?" tanong ni Helen.
"Aah si Fredo kababata ko..." tugon naman niya. Tumango naman ito. Ngiti ang ginawa ni Fredo kay Helen.
Hindi alam ni Paris kung ano ang iniisip ni Helen. Bigla itong napatingin sa suot niya. Isang bagay na nagpa-kaba sa dibdib niya. Hindi malaman ni Paris kung ano ba ang dapat niyang maramdaman gayung alam na nito na nasa batanes si Grecian. Alam ni Paris na wala siyang dapat na katakutan dahil hindi naman siya kasali sa alitan ng dalawa.
"Parehas pala kayo ng suot ni Grecian?" takang tanong nito. Nabigla ang sistema ni Paris. Nalilito ang utak niya kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag.
"Sa totoo lang, nagkataon lang na nagkapareho kami ng suot. Pagdating niya dito sa batanes wala siyang dala kahit na isang damit kaya bumili siya sa bayan. Hindi namin alam pareho na 'yon din ang bibilhin niya. It was a coincidence when I realized that we have also the same necklace." Pinilit niyang tumawa para hindi mahalatang kinakabahan siya. Tumango naman ito. Hindi sigurado si Paris kung naniwala ito sa sinabi niya.
"Oo nga eh nakita ko 'din 'yong suot niyang kwintas," sabi naman ni Helen. Kahit na walang magsabi kay Paris na dapat na niyang palitan ang damit niya, kailangan niya iyong gawin.
"Anyway, gusto ko sanang, dito na lang muna ako, kaso alam kong hindi na tayo magkakasya dito sa loob ng bahay..." Sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Helen, alam na nito ang kabuuan ng bahay dahil napunta na ito dati sa bahay ni Paris.
"Pero wala naman akong kakilala na pwedeng tuluyan ng bahay, Paris pwedeng dito na lang muna ako?" Ang akala ni Paris ay hindi ito makikituloy sa bahay niya pero parang nag-iba ang pakiramdam niya sa pangalawang sinabi nito.
"Oo naman, Sure... Dito ka na muna, tutal nandito rin naman si Grecian."
"Thank you Paris!" Napangiti ito.
"You're welcome Helen," tugon niya.
"Sige puntahan ko na muna si Grecian sa labas baka naghihintay." Pagkatapos nitong magsalita ay mabilis naman itong nakaalis agad.
"Kaibigan mo 'yon Paris?" Tila nabigla siya sa tanong ni Fredo. Umupo ang dalawa.
"Ah oo, kaibigan ko siya at magka-trabaho kami sa isang kompanya," tugon niya.
Napapahanga siya sa kasipagan ni Fredo. Dati pa lang alam na niyang makakapagtapos ito ng pag-aaral at hindi nga siya nagkamali. Isa na itong ganap na Guro sa isang public school.
"Alam mo Paris, no'ng hindi ka na bumalik dito sa batanes, lagi ka naming napapag-usapan ni nanay... Ang sabi niya, malayo daw ang mararating mo at hindi nga siya nagkamali. Bukod sa mabuti, mayaman, at mapagmahal na tao, alam namin ni nanay na matatag ka sa kabila ng lahat." Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan.
"Ayon nga ang gusto kong ihingi ng pasensiya sa inyo ni nanay Celia, hindi agad ako nakabalik dito dahil alam mo na," tugon niya dito. Agad naman itong tumango.
"Dahil sa mga magulang mo," dugtong nito.
"Pero masaya naman ako ngayon sa trabaho ko. Kailangan ko lang ng pahinga at 'yon ay ang pagbalik ko dito..."
"Mabuti naman at naisipan mong bumalik dito," nakangiti nitong sabi.
"Naku Sir Fredo, nahihiya ako sa 'yo ah... Naka uniporme ka pa." Napatawa naman ito sa sinabi niya.
"Naku ikaw talaga Paris, kahit kailan hindi ka nagbago, mapang-asar ka pa rin! pagkatapos akong kausapin ni nanay tungkol sa pagdalaw mo doon sa tindahan, syempre hindi na ako nakapagpalit. Siguro na-excite lang ako." Napatawa naman si Paris sa sinabi nito.
"Uy ang sarap ng palabok mong dala!" Biglang sabi ni Paris.
"Ah 'yon? Nabili ko 'yon sa bayan. Sa may pinakamasarap na tindahan ko 'yon binili." Napagikhik naman ito.
"Bibilihin ko tindahan nila," Napapatawang sabi ni Paris.
"Ang sama mo." Tumawa rin ito.
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa mapagdesisyunan nang umuwi ni Fredo. Nagpaalam ito sa kaniya dahil marami itong gagawin kabilang na doon ang paggawa niya ng panibagong lesson plan. Ibang iba na ito kumpara sa dating Fredo na nakilala niya. Isang ngiti ang nakita niya sa mukha ni Fredo bago tuluyang makaalis sa bahay.
Nabalot ng katahimikan ang buong kabahayan. Nagtaka siya kung bakit hindi niya marinig sina Henry at Sarah. Akmang aakyat na siya papuntang kwarto nang may nagsalita mula sa likod niya.
"Paris, si Henry at Sarah ba ang hinahanap mo?" Lumingon siya at nakita ang kaniyang tita Luming. Kakarating lang nito mula sa labas ng bahay.
"Opo tita."
"Ay naku ang dalawang 'yon, 'ayon tulog na. Napagod yata sa lakad niyo kanina kasama si Grecian." May dala itong tasa at kasalukuyang nagkakape.
"Gano'n ho ba? Sige po mauna na po akong matulog ah... Kayo na po ang bahalang magsara ng gate tita, Napagod din po ako eh." Ramdam ni Paris ang kirot sa kaniyang paa. Alam niyang kailangan na niyang magpahinga.
"Aba'y, hindi ka pa kumakain!"
"Busog na po ako, Napasarap din po ang kain ko sa dala ni Fredo na pansin palabok." Tumango ito sa sinabi niya.
"Oh siya sige. Mauna ka na.. Manonood pa ako eh.." Alam naman ni Paris na hindi pa ito matutulog dahil manonood na naman ito ng korean drama.
Napagdesisyunan na niyang magpahinga.
Nang makarating siya sa loob ng kuwarto, agad siyang nagpalit ng damit at kaagad na kinumutan ang sarili sa kama. Naisip na naman niya ang nangyari kanina. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya 'yon. Ilang sandali ang lumipas at nakatulog na siya.
****
"What the f*ck Helen! Are you really that desperate?!" Isang malakas na sigaw na naman ang natanggap ni Helen mula kay Grecian.
"Yes! I'm desperate! And I will do everything to get you back! I love you... Please Grecian... Let's start–"
"We will never start! Not anymore Helen! Just stop this!"
"No! I will never stop Grecian! I know you love me!"
"Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan sa harap ko! Kahit kailan hindi ako tumingin sa ibang babae! Kahit na alam kong iba ang tingin ng mga tao sa 'kin!" Naniningkit na ang mga mata ni Grecian habang nakatitig kay Helen.
"I know! I know... Ako lang ang mahal mo pero ginagawa ko naman 'to para sa 'ting dalawa, gusto kong itama ang mali ko. Please... Give me another chance... Grecian..."
"I said we're done! I will not waste my time to a woman who had s*x with another man." Dahil sa galit ni Grecian, hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin ang katotohanan. Sa kabila ng lahat, hindi niya sinabi sa kaibigan nito ang pagkakamaling ginawa ni Helen sa kaniya.
Ayaw niyang mapahiya ang babae sa harap ng maraming tao kahit na ang kapalit no'n ay ang sakit na kanyang mararamdaman, ang panloloko nito, at ang pangalan niya sa industriya.
He let people judge him base on what they observe without any justification. At ngayon mas lalo siyang nasaktan sa ginawa ni Helen sa kanya. Hindi na ni Grecian mapapalampas ang ganitong bagay.
Hindi nakapagsalita si Helen sa sinabi nito. Puro hikbi ang maririnig mula kay Helen. Alam niyang mahal siya ng babae pero mas mahal niya ang sarili niya. Kung talagang minahal siya nito, bakit ito gagawa ng isang bagay na sisira sa relasyon nila? At ang makitang nakikipagsiping ito sa ibang lalaki ay isang malaking na suntok para kay Grecian. Hindi lang ang p*********i niya ang natapakan kundi ang kanyang dignidad bilang isang modelo.
"I'm sorry..." Sunod-sunod na iyak ang maririnig mula kay Helen.
Sa huli, alam niyang babae ito at kailangan niya itong respetuhin pero hanggang doon na lang iyon dahil hindi na nito maibabalik ang pagkakamaling ginawa nito sa kaniya.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Grecian bago magsalita.
"How did you know that I'm here?" seryusong tanong niya kay Helen nang hindi pinapansin ang pag-iyak nito.
"Sa Manager mong si Frank. Kaya nang malaman kong nandito ka, naisip ko na baka nandito ka sa bahay ni Paris. Alam ko ang lugar na 'to. Napunta na ako dati dito nang mamatay ang mga magulang niya pero hindi pa kami magkakilala noon. Tanging mga magulang lang namin." Paliwanag naman nito habang pinupunasan ang mga luha gamit ang ilang piraso ng tissue na kinuha nito mula sa dala nitong shoulder bag.
Grecian suddenly clenched his jaw.
"F*ck Frank!" Hindi makapaniwala si Grecian na nasabi iyon ni Frank kay Helen.
"Bakit ba Grecian? Gusto lang naman kitang sundan at gusto kong makapag-usap tayo ng maayos. At kung alam ni Paris na nandito ka, bakit hindi niya sinabi sa 'kin?! Bakit ka niya tinago sa 'kin?!" biglang sigaw ni Helen.
Napalitan ng galit ang lungkot ng boses nito. Hindi sigurado si Grecian sa nararamdaman pero alam niyang isang kaba ang kaniyang naramdaman nang banggitin ng babae ang pangalan ni Paris
Tumitig si Grecian kay Helen.
"Ako ang nagpumilit na pumunta dito sa batanes at makituloy dito sa bahay ni Paris."
"How did you know this place?" takang tanong nito.
"Hindi ko kailangan na magpaliwanag sa 'yo. At sobrang nakakahiya kay Paris kung idadamay mo siya sa gulong ginagawa mo. Ako ang nagpumilit dito."
"Kakausapin ko siya."
"Hindi ko alam kung ano pa 'ng dapat kong sabihin para tumigil ka na. Ayoko na sa 'yo." Iritado na ang boses ni Grecian.
"Sumama ka na sa 'kin. Umalis na tayo dito." Natigilan siya sa sinabi nito.
"Hindi ako sasama sa 'yo Helen. Go home. Wala ka nang aasahan sa 'kin."
"Let's go." Bigla naman nitong hinawakan ang kamay niya.
Mabilis na binawi niya ang pagkakahawak nito. Kailanman ay hindi niya pinangarap ang mapunta sa isang babae na katulad ni Helen.
"Grow up Helen! Hindi ka na bata at mas lalong hindi ka tanga para gawin ang bagay na 'to!" Natigilan ito sa sinabi niya. Nagpatuloy sa pagsasalita si Grecian.
"I don't love you. Kahit na ano pa 'ng gawin mo, tapos na tayo at hindi na babalik pa sa dati kung ano man ang iniisip mo. Ngayon umalis ka na. Sabihin mo nga sa 'kin kung bakit mo nagawang makipag s*x sa ibang lalaki?" Parang nanlamig ang hangin nang maramdaman ni Helen ang mga sinabi ni Grecian.
"Kakausapin ko pa rin si Paris." Parang binalewala nito ang mga sinabi niya. Pagkatapos nitong magsalita, agad naman itong umalis. Naiwan siyang nakatulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Alam niyang pupunta ito kay Paris kausapin.
Ayaw niyang madamay pa si Paris sa gulo na ginagawa ni Helen.
Napatitig siya sa hampas ng mha alon. Naalala niya na naman ang nagyari kanina. Sa pagkatataong iyon, mas inaalala niya si Paris. Kaibigan lang ito ni Helen at wala pa rin itong kinalaman sa gulo nilang dalawa.
Ilang minuto ang lumipas at napansin niyang palapit na sa kaniya si Helen. Sigurado siyang nakausap na nito si Paris.
"Are you done?" Walang emosyong tanong niya dito.
"Hindi ako matatapos hangga't hindi tayo nagkakabalikan Grecian." Isang seryosong mukha ang nakita niya kay Helen habang nagsasalita ito.
"Kahit na ano pang sabihin at gawin mo, hindi na tayo magkakabalikan. Do'n ka na sa lalaki mo Helen."
"Hindi ako papayag," mariing sagot nito.
"What I want right now is to have time for myself. Sana maintindihan mo. Pagod ako at wala akong oras makipagtalo sa 'yo. Umalis ka na muna dito."
"Nakapagpaalam na ako kay Paris. Dito na lang muna ako." Biglang uminit ang ulo ni Grecian nang marinig ang sinabi nito.
"Sige. Stay here. I better leave." Wala na siyang magagawa. Kahit na ano pa ang sabihin niya, magpupumilit pa rin ito. Nang akmang aalis na siya papunta kung saan naka-parada ang kotse niya, bigla naman itong nagsalita.
"Sige na! Oo na. Ako na ang aalis. Pero hindi ibig sabihin no'n, tapos na 'tong pag-uusap natin. Babalik ako Grecian. Babalik ako..." Pagkatapos nitong magsalita, bigla itong umalis sa harap niya.
Nabalot ng katahimikan ang buong dalampasigan nang umalis si Helen. Kahit na anong pilit na huwag alalahanin ang nangyari kanina sa pagitan nilang dalawa ni Paris, hindi naman ito maalis sa isip niya. Hindi niya pa rin alam kung ano ang magiging reaksyon sa nangyari.
Sa bandang huli, nagpasalamat siya nang umalis na si Helen. Mas gusto niya na ilaan ang buong oras sa batanes at makapag-isip. Kahit na alam niyang may bumabagabag sa isip niya sa nangyari kanina.
****
Naramdaman ni Paris ang pagbigat ng kaniyang kama. Malalim na ang gabi at ramdam din niya ang lamig kahit hindi nakabukas ang bintana. Alam ni Paris na si Grecian ang tumabi sa kaniya kahit na alam niyang nakatalikod siya mula dito. Nagtaka si Paris kung bakit ito bumalik sa kwarto niya at kung bakit hindi na niya nakita si Helen. Ang akala niya ay makikituloy si Helen sa bahay niya.
Ilang minuto ang lumipas nang hindi na niya naramdaman ang paggalaw ng mga paa ni Grecian mula sa likod niya. Nakatulog na ata ang loko. Naisip niya.
Nilingon niya ito at napansing hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. May kung anong bumabagabag sa kanya dahil kay Grecian. Hindi niya alam kung ano ang rason nito kung bakit nakipaghiwalay ito kay Helen. Hindi rin naman nasabi ni Helen kay Paris kung ano nga ba ang dahilan bukod sa pagiging babaero nito.
Ilang sandali siyang nakatitig sa mukha nito habang unti unting pumipikit ang kaniyang mga mata.
****
Alas nuwebe na ng umaga nang unti-unting pukawin ng liwanag si Paris. Kahit hindi pa niya minumulat ang kanyang mga mata, ramdam niya ang bigat sa kanyang ibabang bahagi ng katawan kasabay 'din ang bigat sa kanyang dibdib. Dahil do'n nahirapan siyang huminga. Hindi niya alam kung anong bagay ang nakadagan sa kanya dahilan para mahirapan siya sa paghinga.
Unti unti siyang nagmulat ng mga mata. Sa hindi inaasahan ay napahawak siya sa kung anumang bagay sa kanyang kama pero naramdaman niyang isang matigas na bagay ang kanyang nahawakan. Nang maalala niyang katabi niya pala si Grecian ay bigla siyang nagulat. Mabuti nalang at mahimbing ang tulog nito.
Nagulat siya nang makita ang braso nitong nasa ibabaw ng kanyang dibdib nagulat 'din siya nang mapansin naka-dantay ang hita nito sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Hindi siya sigurado kung may nararamdaman ito mula sa pagkakadantay sa kanyang maselang bahagi.
Pero mas nagulat siya nang mapagtantong naramdaman niya ang kanyang kamay sa may ibabang bahagi ni Grecian. Hindi niya mapigilan ang lakas ng t***k ng puso niya. Dahil sa sobrang lapit ng katawan at mukha nito sa kanya, naipit ang kanyang braso sa pagitan nilang dalawa dahilan para mahawakan niya ang ibabang bahagi nito.
Alam ni Paris na aksidente na naman ang nangyari. Pero bakit hindi siya makagalaw? Sh*t!!!
Hindi alam ni Paris ang gagawin.
Sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan pero nang akma niya itong galawin ay bigla nalang humigpit ang yakap nito sa kanya dahilan para mas maramdaman niya sa kanyang kamay ang ibabang bahagi nito.
Nang mapansin ni Paris na naalimpungatan si Grecian, wala na siyang ibang naisip kundi ang magkunwaring natutulog.
Naramdaman niya ang paggalaw ng katawan ni Grecian. Hindi niya alam ang gagawin dahil naramdaman niya na nagising ito bigla. Ramdam niya pa rin ang init ng braso at hita nito sa katawan niya.
Ilang segundo lamang ang lumipas nang gumalaw ulit ang katawan ni Grecian. Naramdaman niyang tinanggal nito ang kamay at hita sa katawan niya pati na rin ang naramdamang init sa kamay niya nang magbigay ito ng distansiya mula sa kanya.
Sigurado siyang hindi pasmado ang kamay niya pero sa sitwasyon na 'yon ay ramdam niya ang pawis sa kanyang kamay.
Habang nagkukunwaring natutulog si Paris, ginamit niya ang pagkakataong iyon para tumagilid para hindi nito mahalatang gising na siya.
Narinig niya ang mahinang tawa ni Grecian.
What the f*ck! Alam niya bang gising ako?!
Napasigaw sa isip si Paris.
Hangga't hindi ito umaalis sa kwarto niya ay hindi siya magtatangkang magmulat ng mga mata. Narinig ni Paris ang isang buntonghininga mula kay Grecian. Ilang minuto ang lumipas at naramdaman na niya ang paglabas nito sa kwarto niya. Nakahinga siya ng maluwag.
Muntik na ako do'n ah...