Chapter 15

3000 Words
Nagising ako ng six ng umaga, para makapag breakfast na. Nag shower muna ako para pag baba ko ay makapag break fast na kami. Sakto pag baba ko andito na silang tatlo at sunod na pumasok si mark na bagong ligo din na may dalang gamit na gagamitin sa kasal, sabi kasi namin na mag sabay na kami pumunta sa pag bibihisan, kaya maaga syang pumunta dito kasi tutulong daw syang mag ayos duon. Ate~” Akala ko sis, tulog kapa, gigisingin na sana kita eh, tara na at kumain na tayo para pag tapos mag pahinga. Pumunta na tayo duon para naman, mga 9 mag umpisa na tayong mag ayos sa kanila. Bka pag natapos tayo ay mag mukha na tayong lantang gulay.” Camille~” Ready na ba yong mga kamay nyo para mamaya. ?” “yes, tsaka hiniwalay ko yong gagamitin ko sa mukha ko, alam nyo naman na may skin allergy ako, bawal na may kahalo sa brush. “ Ate~” nag hiwalay din ako ng sa akin, baka mamaya mangati pa yong balat ko neh.” Pagtapos namin kumain ay nag ayos na ako ng gamit na dadalhin duon at yong sususutin kasi namin naka ready na. Kaya mag rroba na lang ako pag inayosan sila para hindi ako mahirapan sa pag aayos sa kanila. Lahat kasi ng teenager na abay ay ako ang mag aayos, samantalang sa mga magulang naman ay si ate joana. Si camille sa mga bata. Dalawang butterfly make up kit ang dala ko, para extra sa mga gusto pang maayusan na aabot pa sa oras namin. Nag dala ako ng extra na damit sando at short short. Para fresh. Sa isang function hall kami mag aayosan mamaya. Mayaman naman ang mapapangasawa ni nancy pero gusto nya ang ganito kami kami daw ang mag tulongan. Ayos na din para makatulong nakaka tuwa nga lang eh, na nakaka excite din, Pag baba ko ng hagdan wala pa sila, kaya naupo na muna ako. 7;30 na wala pa silang apat aba naman. “Guys 7:30 na hindi pa kayo tapos.? Wag nyong dalhin ang buong kwarto nyo.” Camille~” Anjan na madam, inayos ko pa kasi yong buhok ko, para mamaya eh, hindi mahirapan yong mag aayos, tsaka pwedeng ako nalang din ang mag ayos” “Ikaw nalang mag ayos ng sa akin camille.” Ate~” me too.” Camille” Pagod na nga mamaya yong tao ako pa rin mag aayos ng buhok nyo, mag kanya kanya tayo mamaya.” “ Damot mo eh noh.” “Tara na at para duon nalang tayo mag antay ng oras.” Sumakay na kami ng van at para makapunta sa function hall, anduon na yong mga bata, excited ata silang maayusan. Nag lagay muna kami ng mesa at upuan, naka readyn na kasi yong salamin na malaki para sa makita nila ang sarili nila. Pag tapos namin silang ayusan. Inayos ko na din ang mga pang make up, tinabi ko lang ang ibang make up na hindi magagamit. “Guy's mag kape muna kayo, mamaya dito din mag tatambay yong mga grooms men, para hindi sila mainitan. “ Sabi coordinator sa amin. Mukang mapupuno kami dito mamaya, kahit sabihin pang malaki ang hall. Camille~” Mag palit pala tayo ng damit mag short at sando nalang tayo kesa naka roba, baka isipin nila ay nang aakit pa tayo dito.” “Kaya nga may dala din ako eh. Mahirap na, magka takbuhan man ready ako.” AteJ~” Utak mo umataki nanaman.” “ Ito naman nag reready lang ako, baka mamaya mangyare yon nako po. ~”Dapat yata sayo mag writer ang dami mong naiisip, wag kang mag alala, poprotektahan kita para naman walang mangyare sayo. “ “ay ang sweet naman, iba ka talaga makokoy.” ~” Para sa prinsesa namin. “ Camille~” Bagay kayong dalawa, ai, may chemistry kayo eh, nako po safe na ang kinabukasan mo jan sissy, hindi kana mag hihirap.” Atej~” oo nga naman.” “ haist, ang dumi ng mga utak, ano bang utak ang meron kayo huh.?” Busyng busy kami sa kwentohan ng may mapansin akong parang nakatingin sa akin. Hinahanap ko pero hindi ko naman makita kong nasaan, kaya nag resume nalang ako ulit ng kulitan sa kanila. Magkatabi kami ni mark sa upuan, at magkatabi naman si camille at vince, si ate joana naman ay katabi nya yong isa pang grooms men na bata pa. Hindi ko talaga alam bakit parang may matang nakatingin sa akin.Hinayaan ko nalang baka mamaya ai hindi naman sa akin nakatingin akala kom lang siguro yon. Jake pov. Ilang days na akong naiinis kasi hindi ko macontact si janine, Hindi ko din mahanap kong nasaan sya, nag tanong ako sa shop kung saan sya nag tatrabaho sabi naman duon ay may pinuntahan daw yong mag pipinsan. Kaya ilang araw na mainit ang ulo ko, hindi nya din dala si baby, mukang anduon sya sa bahay lang nila. Nakaka inis. Malaman ko lang na may lumalapit na lalaki sa kanya sisiguraduhin ko talaga na yare sya sa akin, iuuwe ko sya sa bahay namin. Para duon nalang sya. Nag pagawa pa naman na ako ng bahay para sa amin, gusto ko kasi pag naging kami na ay mag sasama na kami sa bahay kahit hindi muna sa luob ng isang kwarto. Basta makasama ko lang sya at alam ko kung anong ginagawa nya, mahirap na at baka malusutan pa ako ng iba. Hindi ako ppayag. Pinahanap ko na sya sa buong manila pero wala sya nag tanong nadin ako kung lumabas ba sya ng bansa, wala naman, asan na kaya ang babae na yon, magaling syang mag tago huh, siguraduhin nya lang na walang lalaki ang lalapit at hahawak sa kanya baka magdilim ang paningin ko. Aalis pa naman ako ngayong byernes pupunta ako ng zambales para sa kasal ng pinsan ko. Kinuha nya kaming grooms men. Kaming dalawa ni matt. Kasabay din naming lumaki yon dito sa manila ang nakakatuwa lang at ang napangasawa nya ay anak ng private nurse nila, mabait naman si nancy walang problema sa kanya, Ang pinsan ko naman wala din kinakatakutan, ngayon pala meron na magiging asawa nya na, pag tinawag ang pangalan nya ng buo alam na, kailangan sumunod kana kung ayaw mong msapak, bilib nga ako sa babae na yon ang galing sa martial arts, sabi nya yong mga kaibigan nya daw sa kanila ang nag turo nuon, kahit Arch. Magaling syang humawak. Kaya siguro ang pinsan ko ay nababaliw sa kanya. Bukas na ako pupunta ng zambales. Para makapag ikot pa ako marami daw kasing magandang lugar duon. Kaya susulitin ko muna, sayang wala si mahal ko, para sana kasama sya. Maaga akong nag ayos ngayon, dahil pupunta na ako sa zambales, uupa lang kami ng aprtment para sa tutyloyan namin, dahil pag tapos ng kasal ay uuwe naman na ako. Busy ako at may hahanapin pa ako. Nag pahatid ako sa driver ko. Ayaw kong mag drive tsaka sasabay naman ako kay matt pag balik namin, kaya hindi ako mag dadala ng sasakyan. “ Nelson ready naba yong pag tutuluyan ko.?” ~” Yes lord okay na po.” “good, “ Sumakay na ako ng kotse alam naman nya na kong saan ako pupunta. Iniwan ko yong bahay namin ng mahal ko sa mga taohan ko. Tatawag nalang sila sa akin kong meron mang problema. Hindi pa rin kasi titigil ang mga aso ko kakasunod sa akin eh. Umabot ng five hours ang naging byahe ko papunta ditong zambales. Kaya ayaw kong maf drive nakakapagod. Hindi ako nag dala ng bantay ko kaya ko naman protektahan ang sarili ko at andito naman ang mga bantay ng pinsan ko, kilala naman nila kami. Dumating ako sa bahay na tutuloyan ko ng 2 nights and day. Maganda dito tabing dagat at tahimik, Mamaya mag iikot ako sa tabing dagat para makapag relax ako.Matutulog muna ako. Nagising ako ng ala una, Tanghali na pala, kaya nag luto ako ng kakainin ko, mamaya pag tapos kong kumain duon nalang ako pupunta kay la gelo para alam nyang andito na ako. Andito na ako sa harap ng bahay nila nancy, Dumating na ang iba pang bisita kaya pumasok ako sa luob, sakto naman at nakilala ako ng isa sa bantay nya. “Good afternoon lord, Nasa kwarto po si lord gelo, tatawagin ko lang po antayin nyo nalang po ako.” Hindi ako sumagot, tumango lang ako, tiningnan ko angn paligid, may nakita akong putting kabayo, wow meron palang ganito dito, mataas ang breed nito at ang ganitong kabayo ay matatagpuan lang sa europe. Sino kaya ang may ari nito. Lalapit na sana ako sa kabayo ng lumabas naman si gelo. ~” Anong oras ka dumating.? Mamayang gabi pa darating si matt.?” “ Kaninang 11 lang ako dumating, kaninong kabayo yon.? “ ~” Hindi ko alam baka isa sa mga bisita ni nancy. Tara sa luob may sasabihin pala ako sayo. “ Pag harap ko sa kabayo, nakita kong may naka sakay na babae at pasakay naman yong lalaki, Parang kilala ko yong babae parang si janine. Haist eh pano naman mapupunta dito yon kong nasa bataan yon ngayon.? Na aannoy na ako sa kakaisip sa kanya. ~“Jake. Are you alright? Bakit kung saan ka nakatingin.?” “ Para kaing kamukha ni janine yong babae na sumakay sa kabayo kanina.” ~” Wala kaming janine na bisita tol.” “ Baka hindi nga sya. “ ~” Nahanap mo na daw ang babaeng mang lulumpo sayo.? Hahaha susunod kana sa akin. “ “ okay lang na sumonod sayo basta mahanap ko sya ngayon. Kaso wala sa manila, nag bakasyon ata sa pinsan, kasi naman si matt. Tinakot pina alam nya agad na mafia sya. Nagyon yong babae nya nag tatago na.” ~” Really.? Grave talaga si matt,. Mamaya makantyswan nga.” Habang nag uusap kami ay pumasok ang bride nya, simpleng babae lang pero may dating. ~” Hi, jake. Kamusta? Ang tagal na nating hindi nag kita.” “ Oo nga, nag tago ka kasi sa america eh.” ~” Ito kasing isang to, hinunting ako akala mo naman may kasalanan ako sa kanya.” “ oh sya. Mamaya na ako babalik dito, mag iikot lang ako sa lugar nyo pahiram ng kabayo nyo huh.” ~” sure, wag ka lang maliligaw sa kabilang Bakod huh. Bawal duon. Hindi ka sasantohin ng mga may ari nuon. Anjan pa naman yong tatlo.” “ saan? Tsaka sino yon.? ~” yong hacienda na kasunod nitong lupa namin. Sila din yong may ari ng tabing dagat sa side na to. Basta ang sabi nila ay walang na ngangahas na pumasok duon, marami kasing hayop at prutas sa luob ng hacienda. Tsaka iyan ang pinaka malaking hacienda dito. “ “ wala naman akong balak na pasukin sila, wag lang nila akong gagalawin para wala kaming gulo. “ ~” Kahit mafia kapa. Wala kang laban sa tatlo na yon. Maniwala ka sa akin. “ Sabay ngiti nya, mukang talaga ngang kakaiba sila, pero wala naman akong paki alam duon. Nag ikot na muna ako sa lugar na ito. May malaking lugar nga na nakabakod at matataas. Parang walang hangganan ang bakod na to. Mukang mayayaman din ang may ari. Nag naka lagay lang din sa gate nila ay Hacienda V. Mukang alaga nga sa linis ang lugar dito. Parang na curious ako sa lugar na yon kaya humanap ako ng lugar na mataas para makita sana ang luob. Kaso pag tingin ko ang nakita ko sa side ko ay puro manggahn lang naman walang kakaiba. Mukang malawak talaga to. Bawal naman mag palipad ng drone kasi binabaril ng mga tao sa luob. Strict yata masyado ang may ari nuon. Bumalik na ako sa bahay nila gelo, hinatid ko lang ang kabayo nila, at bumalik sa apartment ko para naman makapag pahinga at bukas ng maaga ako pupuna sa function hall, para duon mag antay ng oras, duon daw aayusan yong mga abay, Wala naman akong paki duon. Tutulong lang ako duon at mag tatambay kasi walang aircon dito sa bahay at wala ding internet. Parang wala talaga atang internet sa lugar na to. Naligo na ako at dinala ko na rin yong mga gamit na gagamitin mamaya. Wala naman ako msyadong dadalhin kaya nag lakad ako papasok sa compoind nila, andito na rin si jake nakita ko na yong van nyang itim. ~” Saan ka galing.?” “ sa apartment ko, ngayon ka lang ba dumating?” ~” yes, ang hirap kasi mag hanap ng babaeng ang galing mag tago.” “ me too. Mahahanap din natin yon chill ka lang, tara sa function hall para naman makapag palamig tayo” Nag lakad na kaming dalawa, kasunod nya yong iba nyang body guard. Ten palang naman ng umaga. Kaya maaga pa kami. May mga naka laan na upuan sa luob ng hall may mga mesa at upuan para sa luch. Sa kabilang dulo naman may ruong mga nag aayusan. Marami na ding nag aantay na maayusan sila nmg make up artist, pero hindi yata make up artist ang mag aayos kaibigan lang ni nancy. Hindi na sana ako titingin pa duon ng mahagip ng mata ko ang mahal ko at nakikipag kwentohan at tawanan pa sa mga tao duon ang kina init ng ulo ko may katabi pa itong lalaki hindi ko masyado makita ang suot nya dahil may nasa harapan nya at nakatalikod sa amin. Mukang napapansin nyang may nakatingin sa kanya kaya ginawa ko, nag lagay ako ng dyaryo sa muka ko para hindi nya agad ako makita. Matalas talaga ang paki ramdam nito ei. Janine~” Guy's start na po tayo. Mga naka rob. Naman na po kayo. Pila nalang po huh. Sunod sunod nalang po huh. Kay camille po lahat ng bata sa kin po lahat ng teens kay ate po lahat ng mother po.” ang hinhin nya mag salita nakaka tuwa, parang hindi marunong magalit. Nang pumuwesto na sila ay nakita kong tinanggal nya yong rob nya. Fu**, naka short lang syang maiksi at naka sandong puti, naka taas pa yong buhok nya. Parang gusto ko na syang lapitan. Nakita ko pa yong katabi nya kanina at nakatingin sa kanyang mga hita, nakita ko ding lumunok pa sya ng laway. Fu**, gusto ko yatang sumapak ngayon huh. ~” are you okay, bakit parang nakakita ka ng kaaway jan.?” “ andito si janine ayon yong nag aayos sa mga abay, fu** naka short ng maiksi at naka sando lang. “ ~” Andito kaya si joana.? Tara puntahan natin” “ wag muna, mamaya na. Baka bigla silang umalis hindi pa matapos ayusan yong mga abay. Wag lang may lalapit na lalaki sa kanya, sinisigurado kong tatagalan ko sya ng hininga.” Biglang nakuyom ni matt ang kamao nya. Nakatingin na din sya kayla janine. Kaya pala hindi macontact kasi andito sila walang signal. Maya maya pa may mga lalaking lumapit sa kanila at mukang gusto nitong mag pakilala sa kanila, hindi na ako nakatiis at tumayo na ako. Pinuntahan ko na sya sa pwesto nya. Subukan lang may lumapit tapos ang buhay nya ngayon. Kahit si matt ay sumunod na rin sa akin. Hindi pa sya kilala ni joana na sya ang katext nito. Dahil ayaw nya pang mag pakita, pero alam na mafia sya. Tsk, tang* Lumapit agad ako s pwesto nya nakatalikod sya sa akin kaya linagyan ko sya ng coat ko. Yon ang dala ko kahapon malinis yon kasi ngayon ko palang gagamitin. Nagulat pa sya ng may nag lagay sa kanya, pag tingin nya ay lumaki pa ang mga mata nyang maliliit. ~“ Oh my, jake? Anong ginagawa mo dito.? “ “ Grooms men ako. Pinsan ako ng ikakasal. Si gelo. “ ~” Ai really, abay din ako eh. Kaso mag mamake up pa ako sa mga teens. Kunin mo yong coat mo baka malagyan ng make up madudumihan at tsaka mainit.” “ Kesa naman pag pyestahan ka ng mga matang ang sarap dukutin!” ~” Bad ka, dayo lang tayo dito.” Hindi ko sya pinansin. Naiinis ako sa mga mata na ang lagkit mkatingin. Ng lumapit yong battler nya sa min ay agad ako nitong kinausap. ~“ Excuse sir may kailangan po ba kayo.?” “ wala, babantayan ko lang si janine. Ang daming mata ang naka tingin. “ ~” sir, busy pa po kasi sya, duon nalang po muna kayo. “ “ no, im fine here ako ang mag babantay sa kany.” Janine~” Hey stop, ang ingay nyo, may ginagawa ako dito. Duon na nga muna kayong dalawa” Hindi ako umalis kong saan ako nakatayo, at umupo pa ako sa pinag upuan nya kanina. Tiningnan ko lang nag battler nya na ang sama ng tingin. “Duon kana sa girl friend mo, pinag ppyestahan na ng mga tao yong hita.” Kaya pag tingin nya duon ay agad nag dili ang paningin. Pero hindi sya umalis at binulongan nya pa si janine. Janine~” okay na ako dito, sige iwan mo muna ako, baka mamaya ei, papakin si camille duon.” Tumingin pa sa akin ang battler nya at nag sign na im watching you. Wala akong paki alam. Yong tinanggal nyang coat na linagay ko ay kinuha ko at pinalapit ko sya sa akin para ilagay sa bewang nya, ng hindi sya nakikitaan. Dapat sa akin nya lang pinapakita yon. “ Mahal ko halika sandali may ilalagay lang ako sayo.” Pag lapit nya, linagay ko sa bewang nya yong coat at nag lagay ako ng panyo sa may dibdib nya. Napasinghap pa sya sa ginawa ko, pero hindi sya nag salita. Pag tingin ko sa mukha nya namumula na. So cute, mukang Kinilig ang mahal ko huh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD