Halos mawalan na ako ng katinuan dahil sa nangyari, sumabay pa ang palagi akong nahihilo at naduduwal. Halos napapabayaan kona naman ang sarili ko. Alam ko na nagdadalantao ako, pero bakit ngayon pa na may panibago na namang problema na dumating, bakit sa tuwing nag bubuntis ako ay may problemang dumarating sa buhay ko. Kaylan lang ay masaya kami pero bakit ngayon ay mas gusto ko narin mawala, bakit kunting panahon lang ang ibinibigay na kasiyahan sa akin. Kung ibinibigay man ito ay merong kapalit na malaking problema. Paano na ako? Paano na ang mga anak ko at ang panibagong bata na isisilang ko, hindi mahanap si Cobe. Naibinta na ang isang kompanya sa ibang bansa para maibayad sa mga naghahanap kay Cobe, hanggang ngayon ay hindi parin kami tumitigil na mahanap ang nawawalang bangkay

