Yakap ang aming wedding picture ng aking asawa habang naka upo ako sa kama, madilim dahil pinatay ko ang ilaw. Umiiyak na naman ako, halos gabi gabi ay ganito ang tagpo dito sa loob ng kwarto namin ni Cobe, tahimik at tanging hikbi ko lang ang maririnig. Habang nagpapahinga na ang lahat, inaalala ko ang lahat ng masasayang nangyari samin ng asawa ko. Humiga ako ng patagilid habang yakap parin ang aming litrato, ipinikit ko ang aking mata na patuloy paring lumuluha. Hanggang sa nilamon na ako ng antok at nakatulog habang umiiyak. ________ "Nicole tulungan mo ako!" Rinig kong sambit ng aking asawa na humuhingi ng tulong. "Nasaan ka Cobe?!" Sigaw ko naman. Andito ako sa isang masukal na gubat, madilim at puro mga huni lang ng mga kung anong hayop ang maririnig sa paligid ng gubat. "Tulung

