Chapter 3

1087 Words
"Bakit ngayon ka lang nakabalik?" tanong ni Gela kay Amor. "Halos kalahating oras kang nawala, ah." "Akala mo nakaligtas ka na sa tagay, ha." Tumawa si Irene at nagsalin ng alak sa shot glass. Puno iyon saka ibinigay kay Amor. "It's your turn." "Ano ba 'yan," reklamo ni Amor. "Bakit puno? Ayokong malasing, ano!" "Okay lang naman malasing paminsan, gurl." Ngumisi si Tin. "Saka ayaw mo n'on, mailalabas mo ang dinadala mong sakit sa didbib. Come on! Narito kami para makinig sa 'yo. It's okay." At dahil ayaw niyang sumama ang loob sa kaniya ng mga kaibigan niya ay tinungga na niya alak. Napapikit siya. Mapait pa rin ang lasa niyon. Nagpatuloy sila sa pag-inom hanggang sa malasing si Amor. Doon ay naibulalas na niya ang sakit na dinadala niya. Hindi na niya mapigilan na mapaiyak sa harap ng kaniyang mga kaibigan. "Hang-gang ngayon ay ma-hal na mahal ko pa rin si Raf." Walang patid ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Nabubulol na rin siya habang nagsasalita. "Niloko niya ako but still I want to be with him." "No," walang gatol na wika ni Irene. "I won't allow that, Amor. That man is a cheater. Hindi kami papayag na makipagbalikan ka sa kaniya dahil alam namin na lolokohin ka na naman niya. Huwag mo na siyang balikan pa. Masasaktan ka lang." "Yes, Amor." Hinaplos ni Gela ang likod ni Amor. "Nakawala ka na sa kaniya. Ayaw mo n'on hindi mo na makikita ang matapobre niyang nanay." "Pero, girl," saad naman ni Tin. "Sayang 'yung datung na ini-offer sa 'yo ng mudra ni Raf. Sana pala tinanggap mo na. Ganoon din lang niloko ka ng g*gong iyon. At least sana may datung ka ngayon. Bilang bayad na rin sa konsumisyon mo sa panloloko niya." Nasa boses nito ang panghihinayang. Pinandilatan ni Irene si Tin. "Ano ka ba, baks! Puro ka talaga pera." "There's nothing wrong about it, Irene," depensa ni Tin. "Napakaimportant ng datung sa panahon ngayon, 'no!" "As if naman ang laki ng pera na ini-offer ng matapobre na 'yun." Tumaas ang kilay ni Gela. "One hundred thousand lang naman 'yon, baks. Jeske! Kaya niyang kitain 'yon! Malaki rin naman ang sahod niya sa boutique, 'no." "Kahit na. Datung pa rin 'yon." Habang nagtatalo sina Gela at Tin ay tumayo na si Amor. Wala siyang plano na makinig sa mga kaibigan niya. Matutulog na lang siya para mawala ang kaniyang kalasingan. Plano niya kasi na maglakad-lakad sa tabing-dagat kapag hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw. At dahil hilong-hilong na siya ay humawak siya sa gilid ng cottage. May hammock sa labas at doon niya plano matulog. Presko kasi ang simoy ng hangin doon. Akma na siyang uupo sa hammock nang magawi ang paningin niya sa cottage na naroon sa dulong bahagi . May tatlong lalaki na nag-iinuman doon. Napansin niya 'yong isang lalaki na nakasuot ng sunglass. Iyon ang tumulong sa kaniya kanina. Ibabaling na sana niya ang paningin sa hammock pero umangat ang paningin ng lalaki. Hindi niya alam kung sa kaniya ito nakatingin dahil sa suot nitong sunglass, pero napansin niya ang pagngiti nito. Tumingin siya sa kaniyang likuran dahil baka ibang tao ang nginingitian ng lalaki, pero wala namang tao roon. Isang alanganing ngiti ang isinukli niya saka humiga na siya sa hammock. Kailangan na niyang matulog dahil inaantok na siya. Isa pa, gusto niyang umiwas sa iba pang mga katanungan ng kaibigan niya. Ayaw niya ring malaman ng mga iyon ang nangyari sa kaniya kanina nang pumunta siya sa ladies room. Sigurado kasi siya na uulanin siya ng mga katanungan. Wala naman siyang maisasagot dahil hindi naman niya alam kung sino ang lalaking iyon. Matapos kasi siyang tulungan na makatayo ay nagpasalamat siya saka dali-dali siyang nagtungo sa ladies room. Samantala sa cottage kung saan napatingin si Amor ay hindi magkamayaw ang tawanan ng tatlong lalaki na nagsisimula pa lang uminom ng mamahaling alak. Puro babae ang paksa ng kanilang usapan. Nagtatapikan ng balikat na para bang pinapalakas ang loob ng isa't isa. "Alam ko naman na ayaw mo talaga kay Rita, Jack," wika ni Zack. "Napilitan ka lang." "E, sino ba naman kasi ang makatatanggi, pare?" Tumingin si Martin kay Zack saka ngumisi. "Palay na ang lumalapit sa manok. At expert sa pagtuka itong si Jack." Tinapik ni Martin ang balikat ni Jack. "Hoy, Martin!" angal ni Jack, ang lalaking nakasuot ng sunglass na tumulong kanina kay Amor. "Huwag mo nga akong inihahalintulad sa manok. Mas magaling ako sa manok. Hindi lang pagtuka ang kaya ko. Mas pa roon." Sumimsim siya ng mamahaling alak. Nagtawanan sina Zack at Martin. Itinaas nila ang hawak nilang baso at nagbungguan. Seryoso naman si Jack habang nakatingin sa labas ng cottage kung saan sila nag-iinuman. Ang mga mata niya ay nakatingin sa babaing nakahiga sa hammock hindi kalayuan sa puwesto nila. Ibinaba niya pa nang kaunti ang suot na sunglass at sinilip si Amor. "Type mo, Jack?" Siniko ni Martin ang kaibigan. "Kanina pa namin napapansin na hindi mawala ang tingin mo sa babaing 'yan." Ngisi lang ang itinugon ni Jack at muli siyang sumimsim ng alak. Kinuha niya ang cellphone at pasimpleng kinuhanan ng litrato si Amor. Kanina pa siya nahihiwagaan sa dalaga. "Ang bango niya," usal ni Jack. "Sh*t, pre!" Humalakhak si Zack. "Lakas ng amats mo! Ang layo sa 'yo ng babae pero alam mo kung ano ang amoy. Tapatin mo nga kami ni Mart. May lahi ka bang aso?" Nakipag-apir ito kay Martin. Humalakhak na rin si Martin. "May animal instinct 'tong kaibigan natin, Zack. Kung hindi manok, e, pitbull na—" Hindi naituloy ni Martin ang nais sabihin dahil pabiro siyang sinakal ni Jack na tumawa na rin. "Hanep kayo. Ako na naman ang pinupulutan ninyo." "E, ikaw lang naman ang playboy sa ating tatlo," saad ni Zack. "Kami ni Mart, e, loyal kami. One man-woman kami, bro." "Yup!" sang-ayon ni Martin matapos siyang tigilan ni Jack. "E, ikaw? Tatlong babae ang pinagsasabay mo." Tumatawa pa rin si Zack. "Jack of all trades talaga itong kaibigan natin, Mart. Kahit saan mo ito ibala, asahan mo na pup*tok 'tong si Jack." "Mabuti at hindi ka natutuyuan, bro?" tanong ni Martin kay Jack. "Imagine tatlo." Ipinakita pa nito ang tatlong daliri sa kamay at tumawa na naman. "Sakit niyan sa tuhod." "G*go!" sambit ni Jack na napangisi na rin. Muli siyang tumingin sa gawi ni Amor. "Palagay ko siya na ang babaing magpapatino sa akin." Mahina ang boses niya habang tinatanggal ang suot na sunglass. "She's the one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD