Chapter 4

1053 Words
Lagpas alas singko ng hapon nang magising si Amor. Tinatamad pa siyang bumangon kaya nanatili pa siya ng ilang minuto sa duyan. Hinilot niya muna ang magkabila niyang sentido saka dahan-dahan siyang umupo. Iniangat niya ang kaniyang paningin at hindi sinasadyang mapadako ang paningin niya sa cottage kung saan naroon pa rin ang lalaking tumulong sa kaniya. Wala na itong suot na sunglass kaya kitang-kita na niya ang mga mata nito. Tinamaan siya ng hiya nang mapansin niya na tumingin sa gawi niya ang lalaki. Nagkatitigan sila at muli ay nginitian siya nito. Tumango lang siya dahil wala siya sa mood makipagngitian. Isa pa ay baka iba ang maging dating sa lalaking iyon kapag ngumiti siya pabalik. Baka isipin na nakikipag-flirt siya. Wala siyang plano makipagkilala sa taong iyon. Tinulungan siya nito at sapat na ang simpleng 'thank you' mula sa kaniya. "O, gising ka na pala, Amor," wika ni Tin. "Sino ang tinitingnan mo riyan?" Nabahala si Amor kaya agad niyang ibinaling ang paningin sa stage. "Tinitingnan ko lang kung ano ang ginagawa nila sa stage," pagdadahilan niya. May pagka-marites si Tin at kapag nakita nito na sa cottage sa kabilang gilid siya nakatingin ay baka usisain nito ang umuokupa niyon. Aaminin niya na guwapo ang lalaking tumulong sa kaniya. Gano'ng mukha ang mga tipo ng kaibigan niyang bakla. Baka pag-trip-an pa iyon ni Tin pati na ang dalawang pang kasama ng lalaking iyon. "Weh? Di nga? Parang hindi naman." Nilapitan ni Tin si Amor. "Hindi ka naman sa stage nakatingin kanina, e." Inilibot nito ang paningin. "Sa stage nga, baks! Ang kulit mo." Hinila na ni Amor si Tin papasok sa cottage. "Ay bad!" Hinablot ni Tin ang sariling braso mula sa pagkakahawak ni Amor. "Akala mo hindi ko mahahalata na naghahanap ka rin ng boylet, 'noh?" Inakbayan niya si Amor. "Mamayang Gabi, besh, magbo-boy hunting tayo." Napailing na lang si Amor. Lumapit siya sa mesa at nagsalin ng juice. "Huwag mo akong isali sa kalokohan mo, baks." Uminom na siya ng juice. Nagreklamo si Tin. "Ito naman! Parang hindi nanghihinayang sa chance na ito. Ang ganda kaya ng lugar at ang daming pogi sa paligid, di ba, girls?" wika nito kina Irene at Gela na sinang-ayunan naman ng dalawa. Tumaas ang kilay ni Amor. "Don't tell me na hanggang ngayon, e, umiinom pa rin kayo ng alak?" Napansin niya kasi ang ilang basyo ng alak sa ilalim ng mesa pero tila hindi pa nalalasing ang tatlo niyang kaibigan. Ngumisi si Irene. "Parang gano'n na nga, besh." "What?" "E, sa walang sumusuko sa aming tatlo," tugon ni Gela. "Naku! Kung magpapakalasing kayo, sino magda-drive pauwi? Alam ninyo na hindi ako marunong mag-drive." Itinuro ni Irene Si Tin. "Si baks ang driver natin pauwi, Amor. So hanggang alas nuwebe ng gabi lang siya iinom." Napanganga si Amor. "You mean madaling-araw tayo uuwi?" "Anong madaling-araw?" Kinuha ni Tin ang iniinom na juice ni Amor. "Bukas ng tanghali pa tayo uuwi. Sulitin natin ang outing na ito tutal Sunday naman bukas." "May pasok ako sa boutique at—" Agad na nagsalita si Tin. "Naipagpaalam na kita sa boss mo, Amor, so no need to worry. All we need to do is to make harot to every guy here in Punta de Gloria. O my!" Tumili ito saka nagpatuloy, "I think nahanap ko na ang magiging papa ko." Tumirik ang mga mata nito at segundo lang ang dumaan ay sumilip sa labas ng cottage at tumanaw sa dulong bahagi ng lugar na iyon. "Kahit kailan talaga, baks!" Pabirong binato ni Gela ng chips si Tin. "Ang harot mo!" Tumingin si Tin sa mga kaibigan. "Kaya nga hahawaan ko ng kaharutan si Amor." Ibinalik din nito ang paningin sa cottage na naroon sa hindi kalayuan. Sumayaw-sayaw pa ito na tila kinikilig. "Ang guwapo no'ng lalaki doon sa kabilang cottage. Bet ko. For the go na itez! Samahan mo ako later, Amor." Binatukan ni Amor si Tin kaya muntik nang mauntog sa kawayang poste ang huli. "Huwag mo nga akong isama sa kalokohan mo." Kumuha siya ng bihisan at tuwalya. "Maliligo lang ako. Sama kayo?" "No," agad na wika ni Irene. "Usapan namin na walang aalis sa cottage na ito hangga't walang nalalasing." "Then good luck sa inyong tatlo." Kumuha muna si Amor ng ilang piraso ng chips at natatawang lumabas ng cottage. "May the best tumador win!" Naglakad na siya papunta sa banyo habang kumakain ng tsitsirya. Isinusubo na niya ang huling chips nang mapansin niya na makakasalubong niya ang lalaking tumulong sa kaniya kanina. Nakangiti ito sa kaniya at tila ba siya ang pakay nito kaya patay-malisya siyang lumiko at nagmadaling tinunton ang kabilang daan patungo sa banyo. Papagabi na at dumadami na ang nagsisidatingan na mga tao. Agad na sinundan ni Jack si Amor subalit bigla itong nawala sa kaniyang paningin. Napabuntong-hininga na lang siya. Parang bumaba ang tingin niya sa sarili. Unang beses na iwasan siya ng isang babae. Dati-rati ay siya ang umiiwas kapag hindi niya gusto ang isang babae. Pero tila nabaliktad ngayon ang sitwasyon. Sa banyo ay kabadong-kabado si Amor. Nakasandal siya sa pader habang nagsa-shower. Ngayon niya nakumpirma na siya nga ang sadya ng lalaking iyon. Parang ayaw na niyang umalis ng banyo dahil baka nakaabang iyon sa labasan. Nagsuot siya ng kulay pula na two-piece bikini saka pinatungan niya iyon ng kulay puti na beach cover up na may hati sa gitna. At dahil papagabi na rin naman ay hinayaan na niya na nakabukas ang butones. Karaniwan na kasi sa lugar na iyon na nakasuot ng swimsuit ang mga babae kaya hindi na siya naaasiwa. Sumabay siya sa apat na babae na nagkataon din na papalabas ng banyo nang sa ganoon ay hindi siya mapansin ng lalaking iyon. Naalarma talaga siya dahil baka add*ct iyon at siya ang napag-ti-trip-an. Nagpasalamat na nga siya pero tila kulang pa at nagmistula ng stalker ang lalaking iyon. Huminga siya nang malalim nang makarating siya sa cottage nang matiwasay. Agad niyang niyakap si Tin saka napaluha siya. Nag-aalala naman nang husto ang mga kaibigan niya. Sa hindi kalayuan ay nakatanaw si Jack sa cottage na inuokupa nina Amor. Napakuyom ang magkabila niyang palad nang manataw niya na yakap-yakap ng isang lalaki ang babaing kanina niya pa gustong makilala. Ngayon niya napagtanto na kaya siya iniiwasan dahil may boyfriend na pala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD