Chapter 5

1145 Words
"Hoy, Jack," wika ni Martin. "Hindi ka pa ba kuntento sa cottage at umupa ka pa ng mesa?" Walang imik si Jack habang inaayos ng ilang staff ng resort ang mesa at mga upuan na nirentahan niya. Pumwesto siya ng upo kung saan makikita niya ang loob ng cottage na inuokupa nina Amor. Naiinis siyang isipin na may boyfriend na ang dalaga. Hindi pa siya nakakapag-first move pero naunahan na siya ng lalaking iyon. Hindi niya pinansin ang dalawa niyang kaibigan nang maupo iyon sa harap niya. Kinuha niya ang bote ng alak na nangangalahati ang laman at tinungga iyon. Kahit anong mangyari ay sisiguraduhin niya na makikilala niya mamaya ang dalaga at aagawin niya sa lalaking iyon. "Lakas talaga ng tama mo sa babaing 'yon, Jack," saad ni Zack na nakatingin na rin sa cottage nina Amor. "Ang sarap suntukin ng lalaking 'yan." Kumuyom ang kabilang kamao ni Jack. Napansin niya kasi na sinubuan ni Tin si Amor. Mas lalong nanggigil si Jack. "Dahan-dahan ka sa pananalita mo, Jack p're," wika ni Martin. "Hindi natin alam baka kapatid niya 'yan o kaya pinsan, o tiyuhin." "Tang 'na, Mart, nagsusubuan, o? Kanina nagyakapan. Hindi 'yan blood-related. I know dahil marami na akong nakitang ganyan." "At marami ka na ring relasyon na sinira," pagtatapos ni Zack. "Basta gusto mo ang babae, ay hindi ka tumitigil hangga't hindi mo nakukuha. Kahit makipag-away gagawin mo para lang sa babae." Kinuha ni Martin ang bote ng alak na hawak ni Jack. "Naku, Jack. Mukhang tagilid ka sa babaing ito. Hayaan mo na 'yan. Marami pa namang babae at—" "She's the one I like," mabilis na sagot ni Jack. "And no one can stop me. I will make her mine by hook or by crook." Hinubad niya ang suot na polo. Hindi pa naman siya lasing at kayang-kaya niya pang hamunin ng duwelo ang lalaking katabi ng babaing iniligtas niya kanina. "Maghunos-dili ka nga, Jack." Hinawakan ni Martin ang kabilang braso ni Jack at pinipigilan ito sa pagtayo. "Huwag ka nga mag-iskandalo rito." Tumayo na si Zack at pinuwersa si Jack na maupo. Muli siyang tumingin sa cottage at napansin niya na sumasayaw na ang lalaki. Humagalpak siya ng tawa nang mapansin na iba ang sayaw ng lalaki. Pumipitik pa ang mga kamay nito. "Sh*t, pare!" Naningkit ang mga mata ni Martin sa labis na pagtawa. "Pingselosan mo ang isang sirena." Hinimas nito ang sariling tiyan dahil masakit na iyon sa katatawa. "Ang lambot ng katawan, p're. Hanep!" Natigagal si Jack. Sa nakikita niya ngayon ay malayo na maging boyfriend iyon ng babaing tinulungan niya. Nag-twerk pa kasi ang lalaki at dinaig pa ang babae kung sumayaw. Naihilamos na lang ni Jack ang sariling kamay. Habang natatanaw niyang sumasayaw ang lalaki ay nakukumbinsi siya na binabae iyon at malayo nga na maging boyfriend ng babae. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Sa utak niya ay naroon ang pag-asa na magiging kaniya ang babae. "Ganito na lang, p're." Tinapik ni Martin ang kabilang balikat ni Jack. "Sakaling ayaw sa 'yo ng babae, you can have that amazing gay. Hinding-hindi ka niyan tatanggihan." Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Jack sa kaibigan. "Gusto mo mawalan ng trabaho?" banta niya. Isang engineer ang kaibigan niyang si Martin at nagtatrabaho ito sa kompanyang itinayo niya. "Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Suggestion lang naman." Nakangisi pa rin si Martin nang tumingin sa cottage nila Amor. Doon ay patuloy sa pagsasayaw si Tin na medyo tipsy na. Dumating na rin ang dalawa pang kaibigan ni Amor. "I have nothing against the third gender, Martin." Seryoso ang boses ni Jack. "But you know me...Babae ang gusto ko." Itinuro niya si Amor. "At siya...siya ang gusto ko." Mayamaya ay narinig na nila ang banda na nagsisimula ng tumugtog sa stage. Matapos ang isang kanta ay ini-announce na mayroong foam party na magaganap. May mga nag-iikot na rin na staff at nagbibigay ng papel sa mga bisita kung saan pwede nilang isulat ang kanilang request na kanta. Punong-puno na ng tao ang resort na iyon subalit ang mga mata ni Jack ay tanging na kay Amor lang. Ayaw niyang mawala sa paningin ang dalaga. Plano niyang makuha ang loob nito at maging girlfriend ito bago matapos ang gabi. Bandang alas diyes ng gabi nang magsimula ang foam party. Agad na hinila nina Irene at Gela si Amor patungo sa dance floor. Kasunod nila si Tin. Nakipagsisiksikan sila sa mga tao at pumwesto sila sa gitnang bahagi ng dance floor. Naroon sa stage ang paborito nilang banda at aliw na aliw sila sa rock music na kinakanta ng mga iyon. Sinasabayan pa nila iyon habang nagsasayaw. Sigawan ang mga tao habang unti-unting bumabagsak ang mga bula na galing sa foam machine. Para silang mga bata na ngayon lang nakakita ng bula. Sumasayaw sila habang naiipon ang mga bula sa ibabaw ng kanilang ulo at balikat. "Oh my gosh!" sigaw ni Gela. Tuwang-tuwa ito nang bumagsak ang makapal na bula sa mismong gawi nila. Kasabay niyon ay napansin niya ang isang lalaki na tumabi kay Amor. "Go, Amor!" sigaw naman ni Irene nang mapansin din ang lalaki sa tabi ni Amor na walang iba kundi si Jack. Dahil sa narinig ay ginanahan si Jack sumayaw sa harap ng babae na gusto niyang makilala. Medyo lasing na rin siya kaya mas lalong lumakas ang loob niya. Sumabay pa siya sa pagkanta habang nakangiti kay Amor. Tumigil sa pagsayaw si Amor nang maapakan niya ang paa ng lalaki at makita ang mukha nito. Kahit medyo madilim sa puwesto nila ay hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking sumasayaw sa harap niya ay walang iba kundi ang lalaking tumulong sa kaniya kanina. Gusto na niyang umalis sa dancefloor dahil nawalan na siya ng ganang sumayaw. Tatalikod na sana siya nang bigla na lang siyang itulak ng kung sino man mula sa kaniyang likuran. Nawalan siya ng panimbang subalit agad naman siyang sinalo ng lalaki sa harap niya na walang iba kundi si Jack. Tilian ang tatlo niyang kaibigan na tila kilig na kilig sa nangyari. Yakap-yakap kasi siya ni Jack na ngayon ay nakangiti na rin sabay kindat sa kaniya. Kinilabutan siya. Dalawang beses na siyang niyakap ng lalaki. Oo hindi naman nito sinasadya pero nahihiya siya. Matapos magpasalamat ay dali-dali siyang umalis ng dancefloor at nagpunta sa banyo para magbanlaw subalit napakaraming tao sa banyo. Mahaba ang pila roon kaya nagpasya siya na sa dagat na lang magbanlaw. Nagtungo siya roon at lumangoy. Maligamgam ang tubig kaya nawili siya sa paglangoy nang hindi niya namalayan na naroon na siya sa medyo madilim na parte ng dagat. Malalim doon at mayamaya pa ay naramdaman niya na pinupulikat ang kabila niyang binti kaya hindi niya iyon maikampay. Takot na takot siya. Lumulubog na siya kaya hindi niya alam ang gagawin nang may maramdaman siyang mga bisig na pumulupot sa kaniyang balakang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD