Chapter 6

1048 Words
Nakapulupot sa tiyan ni Amor ang kabilang braso ni Jack habang ikinakampay ang kabilang kamay at mga binti. At dahil may lihim siyang pakay sa dalaga ay dinala niya ito sa mas malayo. Silang dalawa na lang ang naroon sa madilim na parte ng dagat. "Are you okay?" tanong niya sa dalaga matapos niyang lumanghap ng hangin. Umubo si Amor at ikinapit ang mga kamay sa batok ni Jack. Nakainom siya ng tubig-dagat at nalasahan niya ang alat niyon. Mangiyak-ngiyak siya habang umuubo. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa taong nagligtas sa kaniya nang maramdaman niyang humampas sa kanila ang medyo malakas na alon. Takot na takot siya. Hanggang ngayon ay pinupulikat pa rin siya. Hindi niya maigalaw ang kabilang binti. "It's okay!" Malakas ang boses ni Jack para marinig ni Amor dahil hinampas na naman sila ng alon. "I got you!" Naririnig niya kasi ang pag-iyak ng dalaga dahil naroon na sa may tainga niya ang bibig nito. Tila isang tuko si Amor sa pagkakapit sa binata. Kahit Anong mangyari ay hindi talaga siya bibitaw dahil gusto niya pang mabuhay. Ayaw niyang matapos ang buhay niya sa ganitong paraan. Marami pa siyang pangarap. Hinahaplos ni Jack ang likod ni Amor para patahanin ito. Wala muna siyang plano na umahon sa dagat. Mas gusto niya ang ganito. Yakap niya ang dalaga at tila isa siyang superhero sa paningin nito. Nanatili sila ng halos kalahating oras sa parteng iyon ng dagat hanggang sa mamalayan na lang nila na humina na ang alon. Nakababad sa tubig ang kanilang katawan at si Jack ay patuloy sa pagkampay ang mga binti. Tiwala siya sa sarili na kahit manatili pa sila roon ng isang isang oras ay hindi sila malulunod. Professional swimmer si Jack at ilang paligsahan na ang sinalihan niya noon kung saan siya ang itinanghal na kampeon. Ang saya-saya ni Jack sa pagkakataong iyon. Hindi niya akalain na mayayakap niya nang ganito ang babaing kani-kanina lang ay pinapangarap niya. Hindi niya ramdam ang lamig ng tubig bagkus ay nag-iinit ang buong katawan niya dahil sa pagkakadikit ng kanilang katawan. "Thank you," iyon ang nasambit ni Amor mayamaya. Medyo kumalma na ang kaniyang pakiramdam. "Oh, it's nothing," bulong ni Jack. Napapikit siya nang maramdaman niya na dumikit sa ibabang bahagi ng tainga niya ang labi ng dalaga. Nasa tubig sila pero ramdam na ramdam niya na tumitigas ang kaniyang sandata. Parang gustong-gusto niyang angkinin ang dalaga sa mga oras na iyon. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap ni Amor dahil gusto niyang makita ang mukha ng taong sumagip sa kaniya. Napansin niya kasi na kalmado na ang tubig. Wala na rin masyadong alon at nagpakita na rin ang buwan kaya medyo maliwanag na sa parteng iyon ng dagat. Nagulat si Amor nang mamukhaan niya ang taong nagligtas sa kaniya. "I-ikaw?" Napapikit siya habang nakapulupot ang mga braso niya sa batok ng binata. "I-I want to..." Napatingala na lang si Jack. Parang diyosa ang mukha ng babaing iniligtas niya lalo pa't natatamaan ito ng sinag ng buwan. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag dampian ng halik ang manipis at kaakit-akit na labi ng dalaga. Nadadarang siya at kapag nanatili pa sila sa ganoong ayos ay baka mangyari ang nasa kaniyang isipan. "Umahon na tayo." Iyon ang sinabi ni Jack saka dahan-dahan ikinampay ang kabilang kamay at mga binti patungo sa baybayin. Sa utak niya ay naroon ang plano na liligawan niya ang dalaga simula sa gabing ito. At dahil hindi makalakad nang maayos ang dalaga ay pinangko ito ni Jack. Naglalakad na siya papasok sa resort nang nakasalubong nila ang tatlong kaibigan ni Amor. Halata sa mga mata ng mga iyon ang pagkagulat. "Hoy, gurlalo!" pasigaw na wika ni Tin dahil napakalakas ng musika. "Kanina ka pa namin hinahanap. May nilalandi ka palang fafa. Nag-boy hunting ka talaga, ah." Lihim na napangisi si Jack dahil sa narinig. "She's on the verge of drowning when I found her." Tumingin siya kay Amor na nakatingin din pabalik kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata. Ngumiti si Jack dahilan para tumili si Tin pati na sina Irene at Gela. Tumuloy si Jack sa cottage kung saan naroon sina Martin at Zach. Nagulat din ang dalawa nang makita kung sino ang pangko ng kanilang kaibigan. Sa utak nila ay naroon ang hinala na may bago na namang biktima si Jack. "Care to get my bag, dude?" wika ni Jack kay Zack. Bumaling siya sa tatlong kaibigan ng dalaga. "Have a seat." Naguguluhan si Amor sa namamasdan. Parang hindi ordinaryong mga lalaki ang tatlo lalo na ang taong tumulong sa kaniya. Waring may mga kaya sa buhay ang mga iyon kung pagbabasehan ang mga mamahaling alak na naroon sa mesa. "How do feel?" tanong ni Jack habang pinupunasan ang mukha ni Amor gamit ang towel. Naupo si Jack sa tabi ng dalaga at dahan-dahan hinawakan ang mga paa nito. Ipinatong niya iyon sa sariling hita saka banayad na hinilot. "Medyo maayos na." Nauutal si Amor. Nahihiya siya dahil naroon ang mga kaibigan niya at nakikita ang pinaggagagawa ng lalaking tumulong sa kaniya. "Thank you talaga." "You were having cramps a while ago." Patuloy si Jack sa paghilot. Kay Amor lang nakatuon ang kaniyang atensiyon. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng kanilang mga kaibigan. Matapos hilutin ang binti ni Amor ay kumuha si Jack ng damit sa dalang bag at isinuot iyon sa dalaga. Alam niya na pinagpipiyestahan ng dalawa niyang kaibigan ang kaseksihan ng dalaga. Naiinis siya sa isiping hindi lang siya ang nakakakita niyon. "May nanalo na!" tili ni Tin saka itinaas ang hawak na baso. "For you, Amor! For your new boy toy." Tumingin si Tin kay Jack at tumawa nang malakas. Nagsitawanan na rin ang mga kasama nila sa mesa na kanina pa nagkakilala. Kaniya-kaniyang angat ng baso ang mga iyon na para bang nagpo-propose ng toast. Napapailing na lang si Amor. "Tumigil ka nga, baks!" Napansin ni Amor ang tissue sa harap niya. Agad niya iyong dinampot at matapos lamukusin ay ibinato niya sa gawi ni Tin. "Huwag mo akong igaya sa 'yo na naghahanap ng boy toy." Inirapan niya ito dahilan para mas lalong magsitawanan ang mga iyon. Napangisi na rin si Jack. Tumayo siya at inilahad ang kamay. "My name is Jack." Isa-isa niyang kinamayan ang mga kaibigan ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD