Nagpapatuloy ang foam party samantalang sina Jack at ang mga kaibigan ni Amor ay patuloy sa pag-inom ng alak. Marami na rin silang napagkuwentuhan nang dumako ang topic nila sa love life. Napatingin silang lahat kay Amor.
"It seems to me that you have no boyfriend, right?" natatawang tanong ni Martin kay Amor saka tumingin kay Jack. "Kasi kung mayroon ay kasama mo siya ngayon."
Agad na nagsalita si Tin. "Last week may boyfriend siya. Pero ngayon wala na."
Lihim na napangisi si Jack. Mas lalo siyang nagpupursige na ligawan si Amor. Tila umaayon sa kaniya ang tadhana.
"You mean break na sila?" Nakiusyuso na rin si Zack. "Why?" Sumimsim ito ng alak.
"That b*stard cheated on her." Nagsalin ng alak si Irene. Saglit siyang tumingin sa gawi ni Amor na katabi ni Jack. Ngumiti siya. "Well anyway hindi naman siya gusto ni Amor, di ba besh?"
"Anong hindi gusto?" sabat ni Gela. "Mahal na mahal ni Amor ang g*gong iyon na kahit ilang beses na siyang niloko ay gusto pa rin niyang balikan."
"Shup up, Gela!" Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Amor sa kaibigan.
Nangunot ang noo ni Jack. Hindi pa man siya nagsisimulang manligaw ay tila may nakaamba ng problema. Hinding-hindi siya papayag na makipagbalikan si Amor sa dati nitong boyfriend.
"Never ever accept that b*stard again, gurl," wika ni Tin na abala sa pagnguya ng pulutan nila na barbeque. "Or else friendship over na tayo."
"Saka hindi naman siya ang ideal man mo, di ba?" Ngumiti si Gela. "Maybe mahal mo pa siya pero makakalimutan mo rin siya."
"Yup!" segunda naman ni Irene. "Just remember 'yong gusto mo sa isang lalaki, bes. 'Yong simple lang, hindi mayaman at hindi playboy."
Agad na nasamid si Jack nang marinig ang sinabi ni Irene. Tumawa naman sina Martin at Zack. Palibhasa alam nila na wala ni isa man sa qualities na 'yon ang mayroon si Jack.
"Ayaw mo ng mayaman, Amor?" tanong ni Jack nang makabawi sa pagkasamid. Pasimple niyang hinubad ang suot niya na mamahaling relos at inilagay iyon sa bulsa ng suot niyang cargo shorts. Ayaw niyang magkaroon ng ideya si Amor kung anong pamumuhay mayroon siya. Baka iyon pa ang maging dahilan para layuan siya nito.
"Uhm..."
"Bakit? Ayaw mo n'on mabibili niya lahat ng gusto mo."
"Hoy, huwag kang ganyan, Jack!" sabat ni Irene. "Hindi materyosa ang kaibigan namin, 'no!"
"Based from my experience," saad ni Amor. Lumagok siya ng alak. Doon niya napatunayan na iba talaga ang lasa ng mamahaling alak. Swabeng-swabe iyon habang dumadaloy sa kaniyang lalamunan. "Mapangmata ang mga taong mayayaman. Akala nila porke't may pera sila ay mabibili na nila ang mahihirap. Well, not me."
"Someone tried to bribe you?" tanong ni Martin.
Si Tin na ang sumagot. "Ay oo, Martin! 'Yong mudra ng ex boyfriend niya na cheater. Guess what? Si mudra nag-offer ng one hundred thousand pesos basta iligwak lang ni Amor ang mama's boy na 'yon. Jeske!"
"One hundred thousand pesos?" Tila naniniguro si Martin.
"Ang liit naman ng offer niya." Sumandal sa upuan si Zack. "You sure mayaman ang ex boyfriend ni Amor?"
"May-ari sila ng shipping lines." Umangat ang isang kilay ni Gela. "Well, parents ng g*gong 'yon ang mapera."
"Shipping lines?" seryosong tanong ni Jack.
"Olicia Shipping Lines," sagot ni Gela.
Lalong nangunot ang noo ni Jack. Kilala niya ang may-ari ng shipping lines na iyon pati na ang nag-iisang anak ng mga iyon na si Rafael. Sikat si Rafael sa mga bar na pinupuntahan niya at minsan na niyang muntik na makaaway ang taong iyon.
"Kilala mo ang anak ng may-ari niyon, Jack?" tanong ni Irene.
Agad na umiling si Jack. "Ah hindi." Mas gugustuhin niya pang magsinungaling. "Wala akong alam sa shipping lines na iyon." Tila may nag-uudyok sa kaniya na protektahan si Amor sa Rafael na iyon. Alam niya na gaya niya ay isa ring playboy ang taong iyon at hindi niya maatim na makipagbalikan si Amor sa dati nitong boyfriend.
Mayamaya ay napansin ni Amor na umalis ang tatlo niyang kaibigan kasama sina Martin at Zack. Hatid niya ng tanaw ang mga iyon habang papunta sa dance floor. Wari bang sinasadya ng mga iyon na magkasarilinan silang dalawa ni Jack. Kung maayos na sana ang binti niya ay sasama siya para sumayaw.
"Masakit pa rin?" tanong ni Jack nang hawakan niya ang binti ng dalaga. Muli niya iyong ipinatong sa mga hita niya para hilutin ulit. Nadama niya na tila nahihiya ang dalaga.
"Maayos na," pagsisinungaling ni Amor. Ramdam pa rin niya ang sakit at pakiramdam niya ay matutumba siya kapag tumayo siya dahil walang lakas ang kabila niyang binti. "Okay na ako. Kahit huwag mo ng hilutin."
"Kailangan hilutin para maayos ang pagdaloy ng dugo." Nagpatuloy sa pagmasahe si Jack.
Nakatingin lang si Amor. Wala siyang magawa kundi maupo lang. Kung kaya niya lang sana maglakad ay ginawa na niya para makaalis sa lugar na iyon. Ramdam niya na kumukuha lang ng buwelo si Jack. Nag-aantay lang ito ng tamang pagkakataon na magkasarilinan sila.
"You know what, Amor, kung ako ang boyfriend mo hindi-hinding ko magagawang lokohin ka." Ngumiti si Jack saka tumingin nang diretso sa mga mata ng dalaga.
Napaawang ang labi ni Amor. Hindi talaga siya nagkamali ng hinala. Tama ang kutob niya.
"You can't say that, Jack." Bumaba siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito. Parang nang-aakit na hindi niya maintindihan. "Maraming magandang babae at—"
"Wanna bet?"
"W-what?" Kumalabog ang dibdib ni Amor. Parang naghahamon ang binata. O mas tamang sabihin na pinapakagat siya nito sa patibong na iyon. Baka mamalayan niya na lang ay girlfriend na siya nito.
"I said try me, Amor. I can be your boyfriend. Promise, hinding-hindi kita lolokohin. Ikaw lang sapat na."
Natigagal si Amor. Hindi niya akalain na ganito ka-prangka ang binata. Ora mismo ay gusto nito na maging girlfriend siya.
"So what do you think?" muling wika ni Jack dahil hindi na nagsalita pa si Amor. Dahan-dahan niyang ibinaba ang paa ng dalaga saka inilapit ang labi sa tainga nito. Bumulong siya, "We can give it a try."