Chapter 8

1015 Words
Wala siyang balak patulan ang kalokohan ni Jack. Lasing lang ito kaya nakakapagsalita ng kung ano-ano. At bukas ay makakalimutan na nito ang mga nangyari. "I am really serious, Amor." Hinawakan ni Jack ang palad ng dalaga saka pinisil iyon. "Just give it a try. You won't regret it." Malamlam ang mga mata ni Jack patunay na seryoso ito sa mga sinasabi. Ngumiti lang si Amor saka ibinaling ang paningin sa mga basyo ng bote ng alak na naroon sa ibabaw ng mesa. "Lasing ka, Jack. You didn't mean what you said, right?" "I mean every word I say, Amor." Hawak pa rin ni Jack ang palad ng dalaga. "Yes, marami akong nainom na alak, pero maayos pa ang takbo ng utak ko." Ipinatong niya ang braso sa sandalan ng upuan ni Amor kaya parang nakaakbay na rin siya sa dalaga. Hindi umiwas si Amor nang hindi sinasadyang madikit ang braso ni Jack sa likod niya. Parang may hatid iyon na kakaibang init lalo na at puro salitang pag-ibig ang namumutawi sa bibig ng binata. Panay na ang bulong nito sa kaniya dahil papalakas nang papalakas ang musika. "I will do anything, Amor, just be my girlfriend." "Pass muna ako, Jack. Narinig mo naman 'yong mga sinabi kanina ng mga kaibigan ko, di ba? Kagagaling ko lang sa hiwalayan and I don't intend to entertain another man. I hope you understand." Ngumisi si Jack. Naiinis siya sa sarili pero hindi niya ipinapakita. "Kaya kong maghintay, Amor. Just tell me kung ilang araw o buwan." Tumawa na si Amor. Tinatamaan na rin siya ng kalasingan. "Makulit ka rin, ano? What if sabihin ko sa 'yo na ayoko ng makipag-relasyon pa." "Am I that ugly, Amor? I mean pangit ba ako sa paningin mo?" Nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga. "You think pangit ka?" "Hindi nga ba?" Itinodo na ni Jack ang pagpapaawa sa pagbabakasalaking mahuli niya ang loob ni Amor. Diretsong tumingin si Amor sa mga mata ni Jack. Para siyang nahihipnotismo. Nakatingin din sa kaniya ang binata at bahagyang nakaawang ang bibig nito na tila ba nag-aanyaya na dampian niya ng halik. "Jack..." Parang naaakit si Amor na halikan iyon lalo pa't halos isang dangkal lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa. "You are too handsome for me," mabilis niyang wika saka ipinikit ang mga mata. Tuwang-tuwa si Jack sa narinig. Kung ganoon ay hindi pa rin kumukupas ang karisma niya sa babae. May pag-asa pa siya ngayong gabi. Alam niya na nagpapa-hard to get lang ang babaing kaharap. Ilang boladas na lang ang kailangan niya gawin at mayamaya ay binigay din si Amor. "Really? So, can I kiss you, Amor?" unti-unti na niyang inilalapit ang sariling labi at balak na niyang halikan si Amor. Agad na naimulat ng dalaga ang mga mata nang marinig ang sinabi ni Jack. Bahagya siyang lumayo para hindi matuloy ang nais ng binata. Oo, lasing siya pero nakakapag-isip pa siya nang maayos. Hindi siya puwedeng basta na lang magpahalik. "Jack, no!" Kabado ang boses niya. Bumuntong-hininga si Jack. Tingin niya ay nagpapakipot lang si Amor kaya mas lalo siyang na-challenge. Ngayon lang siya naka-encounter ng babaing tumatanggi sa halik niya. Unang beses na may babaing malakas ang loob na apakan ang ego niya. "I understand." Ngumiti si Jack pero labis na galit at inis ang nararamdaman niya. Hindi talaga siya makapaniwala na tinatanggihan siya ng babae. "Sorry to say this, Jack." Namumungay ang mga mata ni Amor dahil unti-unti na siyang nalalasing. Malakas na rin ang loob niya na sabihin ang nilalaman ng kaniyang damdamin. "Pero hindi tayo bagay." "I beg to disagree." Kinuha ni Jack ang bote ng alak at sinalinan muli ang baso ng dalaga. Lalasingin niya si Amor hanggang sa bumigay ito. "Just give me time to prove it." Iniabot niya sa dalaga ang baso na may lamang alak. Ngumisi si Amor. Alam niya na nilalasing siya ni Jack pero hindi siya magpapadala sa plano nito. Kinuha niya ang bote at sinalinan ang baso ni Jack. "Hindi puwedeng ako lang ang malalasing, Jack. Kailangan ikaw rin." Ibinigay niya rito ang baso. Napailing-iling na rin si Jack habang nakangiti. Matalino si Amor at mahihirapan siya na mapa-oo ito ngayong gabi. Alam na alam ang tumatakbo sa utak niya. "You know, Jack, nagkaroon ako ng boyfriend na lasinggero at sa kaniya ko natutunan ang paraan kung paano tatagal sa inuman," pagtatapat ni Amor nang nakangiti. "Kaya kung plano mo akong lasingin, hindi ka magtatagumpay." "Baka gumagamit 'yon ng ipinagbabawal na teknik." Tumawa si Jack. "Puwede malaman kung ano 'yon?" Hindi iyon sinagot ni Amor bagkus ay tinungga niya ang alak sa hawak na baso. Tumingin siya sa dance floor at tanaw niya na nagkakasiyahan ang mga kaibigan niya kasama ang dalawang kaibigan ni Jack. Sumasayaw ang mga iyon at mayamaya pa ay nakipag-agawan sa pagsalo ng neon glow stick na ibinabato ng lead vocalist na naroon sa stage. Habang pinagmamasdan ni Jack ang dalaga ay may kung anong banyagang pakiramdam sa puso niya. Hindi niya maintindihan dahil ngayon niya lang iyon naramdaman. Ang gaan ng loob niya sa dalaga at nagtatalo ang kaniyang isipan kung susundin ang nauna niyang plano. Hindi niya magawang akitin ang dalaga kahit anong paraan ang gawin niya. Waring tantiyado ng dalaga ang mga kilos ni Jack kaya hindi makaporma ang huli. Plano pa lang gawin ng binata pero may solusyon na si Amor. "Why don't we dance, Jack?" suggestion ni Amor mayamaya. Hinubad na niya ang suot na puting t-shirt. "Let's join them." Namilog ang mga mata ni Jack nang mapasadahan ang angking kaseksihan ni Amor. Nakasuot na lang ito ng two-piece bikini at halos maglaway ang binata nang tumayo si Amor sa harap niya. Wala siyang masabi sa katawan nito. Nasa tamang puwesto ang lahat. "Oh no!" bulalas ni Jack at agad na niyakap si Amor dahil na-off balance na naman ang dalaga. Napamura si Amor. "Sh*t! I thought kaya ko na tumayo." Napayakap siya kay Jack at hindi sinasadyang dumampi ang labi niya sa sulok ng labi ng binata. Nagulat siya dahil magkadikit na magkadikit ang kanilang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD