"Sorry." Iyon ang salitang lumabas sa bibig ni Amor. Hindi niya talaga sinasadya na mapayakap kay Jack.
"You don't have to say sorry." Yakap-yakap ni Jack si Amor. Ang malambot na katawan nito ay mas lalong nakakapagpatigas ng kaniyang sandata. "It's okay."
Mabilis na tumayo si Amor sa labis na pagkapahiya. Naramdaman niya kasi na parang may tumusok sa kabila niyang pang-upo. Baka isipin ni Jack na sinadya niya na matumba para mayakap ito. Nag-iinit ang kaniyang pisngi. "I think kaya ko na maglakad." Inihakbang na niya ang kabilang paa.
"Aalalayan kita." Mabilis na ipinulupot ni Jack ang kabilang braso sa baywang ni Amor.
Panay ang panunukso ng mga kaibigan nila nang makarating sila sa dance floor. Ngiti lang ang isinukli ni Amor. Nakigulo siya sa grupo nila at sumayaw nang sumayaw hanggang sa mapagod. Nakalimutan niya ang iniindang sakit ng pakikipaghiwalay niya kay Raf. Masaya siya sa gabing iyon kasama ang mga kaibigan niya.
Lagpas alas dos ng madaling-araw nang matapos ang foam party. Ang akala ni Amor ay babalik na sila sa inupahan nilang cottage subalit nanatili ang tatlo niyang kaibigan sa mesa na nirentahan ni Jack at nagpatuloy sa pag-inom ng alak. Tila hindi nauubos ang mamahaling alak sa mesang iyon.
"Paalis tayo mamayang alas siyete, di ba?" wika ni Amor sa mga kaibigan saka tinanggihan ang alak na ibinigay ni Jack. "Tin, ikaw ang mag-d-drive pauwi. Tama ng inom."
Ngumisi si Tin. "Naku, Amor! Just enjoy the moment. Kahit sa hapon na tayo umuwi."
Umiling si Amor. "Bahala ka na nga." Nanatili siya sa pagkakaupo sa tabi ni Jack na panay na ang dikit sa kaniya. Nahihiya naman siyang sawayin dahil ilang beses siya nitong niligtas. Basta ang importante ay alam nito ang nilalaman ng kaniyang damdamin na hindi siya interesado dito. Puwede niya itong maging kaibigan, pero hindi puwede maging boyfriend.
"Okay!" saad ni Zack mayamaya. "Let's play truth or dare."
Tumaas ang kilay ni Amor. Ayaw na ayaw niya sa larong iyon. "Kayo lang, ha. Hindi ako sasali."
"No KJ, please?" sabat ni Gela.
"Yup!" Tumingin si Martin kay Jack saka kumindat. "Lahat tayo dapat kasali para fair."
Tumango si Jack. "Sure."
"You definitely know the rules, guys," sabat naman ni Irene. "Umpisahan na 'yan!" Lasing na ito at medyo malakas na ang boses.
"Sige." Kinuha ni Tin ang basyo ng alak. "Ako mauna, ha." Pinaikot niya iyon sa ibabaw ng mesa.
"Oh sh*t!" Tumawa si Jack nang tumigil ang bote sa pag-ikot at nakaturo ang bunganga niyon kay Zack. "Yari ka, dude!"
Ngumisi lang si Zack. Naghihintay siya ng tanong na manggagaling kay Tin. Alam niya na uusisain nito ang buhay niya.
"You know, Zack, parang nakita na kita before," maarteng wika ni Tin at pinakatitigan ang arkitekto.
"Oops!" natatawang saway ni Martin. "Tanong agad, Tin. Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa."
"Okay." Tumaas ang kilay ni Tin. "Truth or dare?"
Ngumiti si Amor. Pansin niya na kanina pa nakatingin sa kaniya si Zack. Kinukutuban tuloy siya.
Agad na tumugon si Zack. "Siyempre truth!"
Kakaibang ngisi ang pinakawalan ni Tin. "Sige nga. My question is, ilang taon na kayong magkaibigan ni Jack?"
"Si Jack? Matagal na rin." Tumingin si Zack sa gawi ni Jack. "Since college pa, di ba, dude?"
"Yup!"
"So Anong tinapos ni Jack?" muling tanong ni Tin.
Mabilis na nagsalita si Jack. "Oops! Isang tanong lang, Tin. Save your question for another round."
"Come on, Zack!" sigaw ni Irene. "Spin it!"
Agad namang pinaikot ni Zack ang bote na walang laman. Si Amor ay lihim na humihiling na sana ay huwag tumigil sa kaniya ang bunganga ng bote, pero tila nananadya ang pagkakataon. Nagsigawan ang mga kaibigan niya nang sa kaniya nakaturo ang bote.
"Oh sh*t!" Napasuntok pa sa hangin si Zack na waring tuwang-tuwa sa kinalabasan. About hanggang tainga ang ngiti nito. "At last I can ask anything about you, Amor."
Nagkibit-balikat si Amor. "Sure."
"Truth or dare?" tanong ni Zack.
Sumabat si Gela. "Dare, Amor! Choose dare." Humagikhik pa ito.
Umiling si Amor. "No, Gela. I choose truth."
"Ha?" Bumalatay ang pagkabigo sa mukha ni Zack. Ang inaasahan niya ay dare ang pipiliin ni Amor.
"I said I choose truth." Sumandal siya sa upuan at naramdaman niya ang init ng braso ni Jack dahil nakapatong iyon sa sandalan ng inupuan niya. Hindi niya na lang iyon pinansin.
Nakatingin si Zack kay Jack na tila kinukunsulta ang huli kung ano ang puwedeng itanong kay Amor. Ilang minuto ring nagkatitigan ang magkaibigan hanggang sa tumango lang si Jack.
"Saan ka nag-aaral?" tanong ni Zack.
Tumawa si Amor. "Am I look like a student, Zack?"
Ngumisi si Zack. Sinusubukan niya lang si Amor kung magsasabi ito ng totoo. "Hindi nga ba? You look like twenty years old so I thought nag-aaral ka pa."
Nakangiti pa rin si Amor habang umiling-iling. "Tapos na ako mag-aral."
"So nagtatrabaho ka na?"
"One question at a time, Zack." Ngumisi si Amor saka kinuha ang bote at pinaikot iyon. Tumigil iyon at nakaturo kay Tin.
"Ay bakit akez?" Maarte ang boses ni Tin at akmang iiwas subalit nahawakan nina Gela at Irene.
"Oops! Walang KJ," wika ni Martin. "Ask him, Amor."
Pumalakpak si Amor. "Finally, I have a chance to ask you this, Tin. Truth or dare?"
"Uhmm," kunwari ay nag-iisip si Tin. "Truth."
"Okay. Since ikaw ang nagplano na pumunta rito sa Punta de Gloria, sino sa mga boylet mo ang narito?"
"Hala siya!" Nagtakip ng bibig si Tin at mayamaya ay tinanggal din ang palad. "Wala 'noh! Bet ko lang talaga pumunta rito kasama kayong tatlo para i-mend 'yang broken heart mo, gurl. Jusme! Kung may boylet ako rito kanina n'yo pa nakilala, 'noh!"
"Yeah!" magkapanabay na wika nina Irene at Gela.
"See?" Nagsalin ng alak si Tin. "Concern lang ako sa 'yo bilang kaibigan, Amor. Simula noong maging kayo ni Raf ay bibihira ka na lang sumama sa aming tatlo sa mga out-of-town escapade. Mabuti na lang at natauhan ka."
Natigilan si Amor. Totoo nga ang sinabi ni Tin. Nawalan siyang oras sa mga kaibigan niya dahil kay Raf. Kay Raf umikot ang buhay niya.
"Yes!" sigaw ni Tin matapos nitong paikutin ang bote at tumigil iyon kay Jack. "Humanda ka, Jack! Malupitang tanong ang sasagutin mo."
"Try me, Tin!" Nakangisi lang si Jack.
"So you chose truth?"
"You should ask me first if it's truth or dare." Makahulugan ang tingin ni Jack. Maingay naman ang dalawa nitong kaibigan.
"Okay, Jack. Truth or dare?"
"Of course dare, Tin." Ibinaba ni Jack ang hawak na baso.
Nagreklamo si Tin. "What? Akala ko ba truth?"
"You ask me if it's truth or dare. And I chose dare." Sa utak ni Jack ay naroon ang mga bagay na puwedeng ipagawa sa kaniya ni Tin. At lihim siyang humihiling na sana ay utusan siya nito na halikan sa labi si Amor.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Tin. "Since dare ang pinili mo, I dare you to kiss Amor on her lips."
"Hala," reklamo ni Amor dahil sa pagkagulat. "Bakit kasali ako?"