Chapter 10

1064 Words
"Oh my god!" bulalas ni Tin habang nagmamaneho. "Ang guwapo niya talaga. Type ko siya." Halatang-halata sa boses nito ang kilig na nararamdaman. Alas dos na ng hapon at pauwi na sila sa Maynila. Sa backseat ng kotse nakaupo sina Gela at Amor. Naroon naman sa tabi ng driver's seat si Irene. "Ang tanong, Tin," wika ni Irene. "Type ka ba ni Jack?" Bumungisngis ito. Umirap si Tin saka tumingin sa rear view mirror. "Choosy pa kasi itong si Amor. Anyway, andito naman ako sakaling ayaw talaga sa kaniya nitong kaibigan natin. Willing naman akong maghintay." "Ang landi mo, baks!" Tumawa na rin si Gela. "Di ba may sister code tayo? Kapag ayaw ng isa sa atin, dapat ayaw na rin ng lahat? Saka walang trayduran, baks!" "Then you better entertain him, Amor, kung ayaw mong umeksena ako." Malandi ang boses ni Tin, subalit may halo iyong pagbibiro. "Huwag n'yo nga akong isama sa kalokohan ninyo." Ipinikit ni Amor ang mga mata niya. "Ayoko nga mag-boyfriend at lalong ayaw ko sa Jack na 'yon. Okay na sa akin na maging single. Hindi ko naman ikamamatay iyon." "Ayaw talaga?" Pinandilatan ni Gela si Amor. "Pero sarap na sarap makipaghalikan kay Jack." "You are right, Gela," segunda ni Irene. "Nakita ko rin 'yon. Huwag kang mag-deny, Amor. Gusto mo si Jack dahil magaling siya humalik." Napamulat ng mga mata si Amor para depensahan ang sarili. "That was just a dare." "Kahit na, gurl." Ngumiti si Tin. "Kitang-kita ko kung paano ka makipagkiskisan ng labi kay Papa Jack." "You planned that game," akusa niya sa mga kaibigan. Dalawang beses kasing dumapo ang labi ni Jack sa labi niya dahil sa truth or dare na 'yon. Aaminin niya na ayaw niya sanang gawin iyon pero gusto niya maging good sport kaya napilitan siya. Ang hindi niya inaasahan ay sinamantala naman ni Jack ang sitwasyon. Imbes na smack lang ang halik ay naging french kiss. At dahil nakainom siya ay nadala siya sa halik na iyon. "Hindi, ah," sabay-sabay na wika ng tatlo niyang kaibigan. Uminit ang pisngi ni Amor. Hanggang ngayon talaga ay hindi mawala sa utak niya ang halik na iyon. Ilang lalaki na ang nakahalik sa kaniya pero tanging ang halik lang ni Jack ang hindi niya makalimutan. Tila may hinihigop iyon sa bibig niya. Masarap sa pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag. Nag-iinit ang buo niyang katawan. Napailing-iling na lang si Amor. Gusto niyang iwaksi sa isip niya ang nangyari. Isang oras na silang nakaalis sa resort pero si Jack pa rin ang nasa utak niya. "May cellphone number ako ni Jack," wika ni Tin mayamaya. "Baka gusto mong tawagan ko, Amor." Agad na nagsalita ang dalaga. "No, Tin! Please, don't you dare call him. Ayoko." Pinisil ni Gela ang kabilang balikat ni Amor. "Relax, Amor. It's up to you naman, e. Ang amin lang naman, e, you have to go on with your life kaya gusto namin na makilala mo nang husto si Jack." Nilingon ni Irene ang dalawa. "Yeah! Isa pa mabait si Jack. And simple lang siya at hindi mayaman. You have to give him a chance." "No," giit ni Amor. "Hindi natin alam kung totoo ang pinapakita niya. Saka hindi ba kayo nagtataka na mga mamahaling alak ang iniinom nila? Baka nagpapanggap lang na mahirap ang taong iyon." "Martin is an engineer and Zack is an architect," depensa ni Tin. "Natural lang na can afford ang mga iyon." Hindi na lang kumibo si Amor. Basta desidido na siya na maging single forever. No suitor, no boyfriend. Hindi niya kailangan ng lalaki para maging masaya sa buhay. May magulang siya at mga kapatid, mayroon din siyang mga kaibigan at sapat iyon para sa kaniya. Wala siyang suwerte sa pakikipag-relasyon at tanggap niya iyon. Halos tatlong oras din ang biyahe nila pauwi. Hindi na siya nakisali pa sa pag-uusap ng mga kaibigan niya. Nakatulog siya sa labis na pagod at nang magising siya ay naroon na sila sa siyudad. "Sino ang una kong ihahatid?" tanong ni Tin. "Me," tugon ni Amor. "Gusto ko ng makapagpahinga." Umangat ang isang kilay ni Tin. "Makapagpahinga? E, halos natulog ka lang sa buong biyahe natin." Nagbiro ito. "Tell me, Amor, napanaginipan mo ba si lover boy?" Umirap siya saka tumingin sa labas ng bintana. "Tigilan mo nga ako, baks. Wala akong oras patulan ang mga biro mo." Tumawa ang dalawa pa nilang kaibigan. Pati ang mga iyon ay nagbiro na rin. "Just please huwag na huwag ninyong ibibigay sa taong iyon ang address ng tinitirhan ko o ang cellphone number ko." Natatakot siya sa sarili dahil baka hindi niya mapanghawakan ang sinabi niya kahapon. Guwapo si Jack at may karisma ito na hindi basta-basta matatanggihan ng isang babae. "Sinabi mo, e." Iniliko na ni Tin ang kotse papasok sa isang kalye kung saan ang daan patungo sa tinitirhan ni Amor. "Thanks." Tipid na ngiti ang isinukli ni Amor. "Mas gusto ko na wala akong boyfriend para nakakasama ako sa mga lakad ninyo. Ayaw n'yo ba n'on?" "Oh well," saad ni Gela. "Bet ko 'yon, Amor." Tumingin si Irene kay Tin. "So pare-parehas na tayo single, right, baks?" "I don't intend to be single in a span of two weeks." Umismid si Tin. "Maghahanap ako ng papa, 'no? Bahala kayo kung gusto ninyo maging single. Desisyon n'yo 'yan. Ang sarap kaya ng may boyfriend." Isang malanding ngiti ang pinakawalan nito matapos itigil ang kotse sa harap ng tinitirhan ni Amor. "Oh, d*mn!" bulalas ni Irene nang mapagsino ang naroon sa labas ng gate ng bahay ni Amor. Kumuyom ang palad ni Tin. "The nerve of that sh*t!" Napatingin na rin si Gela sa labas. May nakagarahe na kotse sa tapat ng bahay ni Amor. Nakasandal sa hood ng kotse ang lalaking kinaiinisan ng mga kaibigan niya na walang iba kundi si Raf. "Salamat sa paghatid, mga besh," wika ni Amor. "Don't worry about me. Hindi ako makikipagbalikan sa g*gong 'yan." Tinapunan niya ng tingin si Raf. May hawak itong palumpon ng bulaklak at abot hanggang tainga ang ngiti. "You sure?" paniniguro ni Gela. "Sabihin mo lang, Amor at uupakan ko ang l*ntik na 'yan. Kapal ng mukha niya na magpakita, ah." Bubuksan na sana ni Tin ang pinto ng kotse sa gawi ng driver's seat subalit napigilan iyon ni Irene. Pagkababang-pagkababa ni Amor sa kotse ay agad na lumapit si Raf subalit isang malutong na sampal ang isinalubong ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD