Chapter 11

1083 Words
"So, what's your plan, Jack?" Inaalog ni Martin ang hawak na baso na may lamang alak at ice cubes saka ngumisi. "You were junk like a hot potato several times by that girl." Sumimsim ng alak si Jack. Narito na silang tatlo sa pag-aari niyang mansiyon. Kararating lang nila at dahil hindi niya nagustuhan ang nangyari sa Punta de Gloria ay alak agad ang napagbalingan niya. "Mukha namang disente ang babaing 'yon," mahinang wika ni Zack. "And seems to me she's afraid of giving herself another chance to love." Sumandal siya sa sofa at tiningnan si Jack. "Mahihirapan ka sa isang 'yon, pare." Inilapag ni Jack sa mesita ang hawak na baso saka humiga sa mahabang sofa. Hindi niya pinansin ang dalawa niyang kaibigan. Nakatingala siya habang ang kanang braso niya ay nakapatong sa noo. Ang utak niya ay okupado ni Amor. Hindi niya maintindihan kung bakit kuhang-kuha ng babaing iyon ang atensiyon niya. Kadalasan naman kapag ilang oras na niyang hindi nakikita ang babaing nakasama niya ay wala na sa isip niya. Nagagawa na niya nang matiwasay ang trabaho niya. Pero ngayon ay tila iba ang kilos niya. Imbes na kasi dumiretso siya sa library para i-review ang mga kontrata na kailangan niyang pirmahan ay nagbukas siya ng mamahaling alak. Mas gusto niyang maglasing. Mula sa pagkakatingala sa grand chandelier na naroon sa high ceiling ng mansiyon niya ay tumagilid siya ng higa. Dumapa siya saka inabot ang baso na may lamang alak. Agad niya iyong tinungga at muling inilapag ang baso. Kumuyom ang kanila niyang palad. "What's wrong with me?" usal niya sa sarili. Hinilot niya ang sentido. "I can't get her out of my mind. Sh*t!" Agad siyang umupo, sumandal sa sofa at tumingala na naman. Ngumisi si Martin. "D*mn, man! You are so smitten!" Tumayo na si Zack. "Itulog mo na lang 'yan, bro! I need to go. I have to meet a client tomorrow morning." "Stay for dinner," wika ni Jack. Nakatingala pa rin siya. "No, thanks! Si Martin na lang." Tinapik nito sa balikat si Martin. "Stay with him tonight, p're. Masama ang tama n'yan kay Amor." Tumawa siya. "Na love at first ang g*go," bulong ni Martin na may halong pagngisi. "Parang na-nuno. Ipatawas kaya natin, Zack?" "Tawas my a*s! Para sa kili-kili 'yon, Martin! Si Amor ang gusto kong makita." Bumuntong-hininga si Jack. "I think I'm in love for the first time." Nakatinginan sina Zack at Martin. Parehas silang napabunghalit ng tawa. Hindi sila naniniwala na in love nga si Jack. "In love?" natatawang tanong ni Martin. "Tell that to the marines, Jack." "Pang ilang first time na ba, Jack?" tanong naman ni Zack at humalakhak. Lumapit siya saka tinapik ito sa balikat. "I really need to go, bro. If you need anything, just give me a ring." Muli nitong tiningnan si Martin saka tumango at naglakad na palabas ng mansiyon. Matagal na niyang kaibigan Sina Martin at Zack. High school friends sila at kapatid na ang turing niya sa mga ito. Sila ang naging karamay niya noong magkasabay na sumakabilang-buhay ang mga magulang niya. Wala siyang kapatid at kakaunti lang ang mga kamag-anak niya na nasa malayo pang lugar. "Jack p're," untag ni Martin nang mapansin na natutulala na naman ang kaibigan. Silang dalawa na lang ang naroon sa sala dahil nakaalis na si Zack. Kanina pa sinabi ng kasambahay na handa na ang hapunan pero hindi iyon pinansin ni Jack. "You wanna talk to Amor? May number ak—" Agad na napatingin si Jack sa kaibigan at mabilis na nagsalita. Nagliwanag ang kaniyang mukha. "May I have it now!" Bigla siyang tumayo at nilapitan si Martin saka hinablot ang hawak nitong cellphone. "Hoy, dude, wait! Wala akong cellphone number ni Amor. Ayaw nga niyang ibigay, e." "D*mn! Ang sabi mo mayroon ka." Halata sa mukha niya ang pagkabigo. Naihilamos niya pa ang kabilang palad saka ikinuyom iyon. "Are you playing a trick on me?" Galit na ang boses niya. "Calm down, Jack." Tumayo na si Martin at hinawakan ang magkabilang balikat ng kaibigan. "I am not playing a trick on you. Masyado ka kasing excited, e. Patapusin mo muna ako sa mga sasabihin ko." Napaupo si Jack sa pang-isahang sopa. Pinagpapawisan siya sa labis na inis. Desperado na talaga siya. Gustong-gusto niya makita si Amor. Hinahanap-hanap niya ito. "As I was saying if you want to talk or see Amor, I have her friend's cellphone number. Pwede natin siyang mahingian ng address ni Amor and you can visit her tonight." "D*mn! Ayaw nga ibigay ng mga kaibigan niya. Isa-isa ko na silang pinakiusapan pero ayaw talaga. Saka kanina hindi mo ba napansin na iniligaw tayo ng kaibigan niya?" Binalak niya kasi na sundan ang kotse na kinalululanan ni Amor pero naisahan siya ng mga iyon. Bigla iyong lumiko at hindi na nila nakita pa. "Tawagan mo kaya si Zack, bro? Type 'yon ni Tin, e. Gawin nating pain si Zack para makuha natin kay Tin ang number ni Amor." Napaisip si Jack saka umiling. "Knowing Zack, hindi 'yon papatol kay Tin. Alam mo naman na babae ang gusto n'on saka may girlfriend si Zack at loyal 'yon." "O, e di, Plan B tayo." Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito saka nagtipa sa cellphone. Ini-loudspeaker nito ang cellphone at naghintay na may sumagot sa kabilang linya. "Whose number is that?" Mahina ang boses ni Martin. "Kay baks 'to, bro. Huwag kang maingay." "Hello..." Boses iyon ni Tin. "Sino 'to?" "Ah...Tin, this is, Martin." "Oy, Martin. Napatawag ka?" "Ah...ano kasi, Tin...uhm. Si Zack kasi nag-aaya mag-bar. Baka gusto mong sumama at—" "Oh I'm sorry, Martin. Hindi ako puwede sa ngayon. I have things to do tonight. Maybe some other time." "Sayang naman, Tin. Hindi ba puwedeng ipagpabukas mo na lang 'yan?" "Ay hindi puwede, Martin. It's about Amor. Ayokong iwan ang best friend ko." Nangunot ang noo ni Jack habang nakikinig. Bumulong siya kay Martin na tanungin kung ano ang problema. "What about her, Tin?" patay-malisyang tanong ni Martin saka nag-thumbs up kay Jack. "Puwede mo naman siyang isama. I'll call Jack para—" "Oh no, Martin, please don't. It won't help. Gusto ni Amor mag-stay sa bahay niya para maiwasan si Raf. I'm sure by now ay nasa bar na naman ang g*gong iyon. Ayaw niyang makita si Raf." Ikinuwento ni Tin ang nangyari nang ihatid nila si Amor sa tinitirhan nito. Nagtagis ang bagang ni Jack sa narinig. Kailangan talaga niyang gumawa ng paraan para makitang muli si Amor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD