Tumayo si Patrick sa pagkakaluhod sa kanyang harapan at tinungo ang isang pintuan kaya sinundan nya ito. Pumasok sila walk in closet nito. Nakita nyang naglabas ito ng damit na bibihisan. At halos mapanganga sya ng tanggalin nito ang twulyang nakapulupot sa baywang nito na para bang wala itong kasama sa loob. Mabilis syang tumalikod. "My God Patrick." Inis nyang ungol. Narinig nya ang pagtawa nito. "As if naman hindi mo pa nakita ito." Pilyo naman nitong sabi na pumunta pa sa harapan nya kaya tinakpan nya ang mata. Binaklas nito ang kamay nya sa mukha pero nakapikit naman ang kanyang mga mata. Pinatakan sya nito ng halik sa labi. "You can open your eyes now honey." Sabi nito kaya dahan dahan nyang minulat ang mata na para bang sinilip pa nya kung nakabihis na talaga ito. Nakahing

