Alanganing kumatok si Ariana sa pintuan ng opisina ni Patrick kung nasaan ito ngayon. Hindi ito lumabas mula ng dumating sila kaya sya na ang nagtanong kung nasaan ito. Gusto lang nyang magpasalamat dito bago sila umalis dahil sa pansamantalang pagkupkop nito sa mga bata. Kahit naman galit sya dito ay marunong parin naman syang tumanaw ng utang na loob. Pero nagtataka sya dahil nakailang katok na sya ay wala paring sumasagot kaya pinihit nya ang doorknob at narinig nya ang klik na tunog nito na tanda na hindi nakalock iyon. Huminga sya ng malalim bago nya napagpasyahang pumasok. Madilim sa loob dahil nakasara ang mga kurtina pero nagtuloy tuloy parin sya sa loob. "Patrick?" Kinakabahan nyang tawag pero walang sumagot. Lalabas na sana sya ng may mabangga ang kanyang paa. Sinuri nya iyo

