Contract

1865 Words

Pagkagaling na pagkagaling ni Ariana sa hospital ay nag empake na sya ng kanilang gamit. Iniwan nya uli doon si Aries para magbantay ulit sa kanilang mga kapatid. Si Jen jen at Cj naman ay inuwi muna ni Aling Pasing dahil wala syang natatapos sa kanyang ginagawa dahil sa kakulitan ng kanyang anak. May narinig syang kumatok. Si Ace na siguro iyon kausap nya ang sarili. Ang aga naman nito samantalang ang usapan nila ay bandang hapon na sila nito susunduin. Ang mga gamit lang muna nila ang ipapahakot nito dahil hindi pa sila sasama. Kila Aling Pasing muna sila makikituloy habang hindi pa nakakalabas ang dalawa. "Ace Tuloy" sigaw nya. "Nandito ako sa kwarto." Hindi na sya tumayo para pagbuksan ito dahil hindi naman nakalock ang pintuan nila. Maraming kalat sa bahay nila. Dahil mayroon na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD