he bought the land

1774 Words

"Naku Ayang. Buti dumating kana. Kanina pa inaapoy ng lagnat ang dalawang bata." Natatarantang salubong ni Aling Pasing sa kanya. Ito kasi muna ang pinagbantay nya habang wala sya. Alam naman nito kung saan sila pumunta. "Ho. Hindi pa po ba bumababa ang lagnat nila?" Tanong naman nya na agad ng pumasok sa kwarto ng mga kapatid. May lagnat na kasi ang mga ito bago sila umalis kaya pinainom nya muna ang mga ito ng gamot. Kung hindi lang sana nya kailangan ng pera e hindi na sana nya iiwan ang mga ito kanina. Si Bobet at ang bunso na si Rian ang may lagnat. Nagsabay pa naman. "Kapapainom ko lang uli sa kanila ng gamot." Sabi naman ni Aling Pasing. Napasukan nya si Aries na abala sa pagpupunas ng basang bimpo kay Rian. "Mataas ba ang lagnat nila? Tanong nya agad na lumapit sa mga ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD