Mabilis lumipas ang mga araw naging busy na si Patrick sa trabaho pero hindi parin ito nawawalan ng oras sa kanya. Nauulit na nauulit ang maiinit na tagpo sa pagitan nila. At parang nasanay na din ang secretary nito na palagi itong nakadikit sa kanya. Masaya naman sya pero parang mayroong kulang na hindi nya matukoy. Palagi naman nya itong kasama, malambing ito, hindi naman nababawasan ang init ng kanilang p********k. Pero parang hugkang ang kanyang pakiramdam. Gusto na nga nyang sabihin dito ang tungkol sa anak nila pero parang may pumipigil parin sa kanya. Hindi parin nya nakikilala ang pamilya nito. Alam nyang wala na itong mga magulang at ang lolo at tita nalang nito ang tanging pamilya nito pero hindi pa nya nakikilala ang mga ito. Hindi naman sya nagdedemand na ipakilala sya. Si

