Nagtataka si Patrick ng dumating sya sa bahay nila Ariana na maraming tao at marami ring nakaparada na tricycle sa tapat ng bahay ng mga ito kaya hindi sya nakapagpark sa malapit. May party yata bulong nya sa sarili. Wala naman kasing nababanggit sa kanya si Ariana. Balak sana nyang yayain ang mga itong mamasyal kasama na pati ang mga kapatid nito. Gusto nyang ilapit ang sarili sa mga bata dahil sooner or later ay magiging pamilya na din nya ang mga ito. At balak na din nyang ipakilala ang dalaga sa kanyang lolo at kay Samantha. Hinihintay nya lang itong makabalik dahil mayroon itong dinaluhan na school activity na ginanap sa isang cruiship. Gusto na ngang ayosin ang lahat sa kanila ng dalaga. Gusto na nyang lumagay sa tahimik. Tumigil sya sa tapat ng tindahan ng mga ito. Mayroong

