Emergency

1673 Words
Namulatan ni Ariana si Patrick na nakabihis na ito at for the first time ay nakita nya itong nakabusiness suit. Nakatalikod ito sa kanya. Hindi parin nya maiwasang humanga ito dahis sa bukod sa gwapo ito ay ang ganda ng tindig nito. Ang lapad ng balikat nito. Ang ganda kasi ng katawan. Ang dami nitong pandesal sa tyan na palagi nyang hinihimas himas lalo na pag katapos ng maiinit nilang sandali. Kaya nga palaging umuulit ito sa kanya dahil natuturn on daw ito pag hinahaplos haplos nya ito doon. Kipkip ang kumot na sumandal sya sa headboard. "Aalis ka?" Inaantok nyang tanong dito. Napahikab sya kaya naitakip nya ang kanay sa bunganga. Pero nagtatakang napakunot ang kanyang noo ng makita ang daliri nya. "Em. San'to galing?" Mahina nyang tanong na parang sarili lang nya ang kausap. Mayroon kasi syang suot na singsing na dati naman ay wala.Only to found out na nakatingin na si Patrick sa kanya. Nakangiting lumapit ito sa kanya. "Good morning honey." Bati nito at mabilis syang hinalikan sa labi. Huli na ng matakpan nya ang bunganga dahil hindi pa sya nakakapag toothbrush. "Ang hilig mo talagang manghalik sa umaga." Reklamo naman nya dito dahil wala pa sya kahit momug lang. "Why. Masama ba?" Sabi nito na parang wala lang dito ang panis nyang laway. Inirapan nya ito. Nahihiya kaya sya. Ang bango bango na kaya nito. Samantalang sya nangangamoy laway ni Patrick pa sya. Ikaw ba naman ang halos magdamag na angkinin nito. "Love bat may suot ako nito?" Malambing nyang tanong dito. Nakaupo ito sa side ng bed paharap sa kanya. Tinaas naman nito ang kamay na may suot na kapareho ng suot nya. Nanlaki ang mata nya. "Bumili ka kahapon?" Nasurpresa nyang tanong. "Yup. Nagustuhan mo ba?" Tanong nito habang pareho silang nakatingin sa mga suot nila. "Ang cute." Natutuwa naman syang sagot dito. "Ang ganda sa kamay." Komento pa nya. Habang tinitignan nila ang mga daliri nila. " I ask one of the staff to engrave our name inside the ring." Sabi nito saka tinanggal ang suot nitong singsing at pinakita ang nakasulat sa loob. Pangalan nya ang nandoon. Tinanggal din nya iyong sa kanya at tinignan nya ang nakasulat doon. At pangalan din nito ang nakasulat. "Ang sweet naman." Natutuwang sambit nya. "Pero sana naman sinuot mo noong gising ako." Nakalabi nyang sabi dito. Napatawa naman ito. "Gising ka noon sinuot ko yan honey." Sabi nito kaya napaisip sya pero wala syang matandaan. "Niluluko mo ako e." Irap naman nya dito ng hindi talaga nya maalala. "You even screamed my name when I put that on your finger." Nababasa nya ang pilyong ngiti nito sa labi. Naiisip parin sya. "Kailan?" "I put it on when we made love last night." Hindi sya makapaniwala. Ganon na ba sya kahibang kagabi at di sya iyon naalala. "Ikaw talaga ang dami mong kalukohan." Sabi nya dito. "Anyway. Thank you love. I love it." Siya na ang humalik dito pero dampi lang. pinutul nya agad iyon ng papalalimin na naman nito iyon kaya bahagyan pa nitong hinabol ang kanyang bibig. "May lakad kaba? Bakit parang gwapong gwapo ka yata ngayon." Tanong nya at inayos pa nya ang kurbata nito kahit hindi naman sya marunong. "A. That." Sabi nito na parang noon lang nito naalalang may lakad pala ito. "Nakalimutan ko. Sorry. Suddenly came up. Kailangan kung makipagkita uli sa negosyanteng nakadeal ko noong bago tayo nagkita. May nabago kasi sa contract kaya kailangang erefinalize." Paliwanag naman nito. Bagamat wala naman syang alam kung ano ang negosyo nito o trabaho nito. Pero naseseance naman nya na may kaya ito sa buhay. "Saan kayo magkikita?" Tanong nalang nya. "Along vicinity area din. Sila yong pupunta dito. Isasama sana kita kaya lang mabobored ka lang doon. Atlest dito makakapagpahinga ka. Maybe before lunch nandito na ako. Sorry kung mag isa ka lang magbreakfast ngayon. Nakapag order na ako." Parang humihingi ng pang unawa ang itsura nito. Nalungkot naman siya pero pinilit nyang hindi pahalata. Pinasigla nya ang boaes. "Ok lang. go. Baka malate kapa." Taboy naman nya dito. Iwan pero parang mabigat sa pakiramdam. "Sigurado kang ok ka lang maiwan dito?" Sabi nito na parang ayaw sya nito iwan. Natawa naman sya. "Parang temang to. Bat ako hindi magiging ok e Ilang oras ka lang naman mawawala." Sabi niya na parang ok lang talaga siyang maiwan. Napabutung hininga ito saka sya nito niyakap ng mahigpit. "Alam mo ba yong pakiramdam na ayaw kitang iwan. Na ang isang oras lang ay parang isang tao pag hindi kita kasama." Madamdaming usal nito. Hindi alam ni Ara pero naluluha sya at parang ang bigat din ng dibdib nya. "Hala sya o. B-babalik ka din naman agad." Sabi nya pero ang mga luha nito ay nalaglag na sa kanyang mga mata kaya gumanti nalang sya ng mahigpit na yakap dito. "I love you so much honey. Parang hindi ko na yata kayang malayo sayo." Madamdamin nitong bulong habang hinahaplos haplos na ang hubad nyang likod. "I love you too. Wag mong kalimutang mahal na mahal kita." Bulong din nya. "Para tayong tanga e." Kunyari ay inis syang lumayo dito pero napapahikbi na sya. "Umalis kana. Nalukot pa tuloy damit mo." Sabi nya habang ang mga luha nya ay patuloy na tumutulo. "Ang aga aga ang OA natin." Pinipilit nyang tumawa. Hindi naman ito nagcomment pero pinunas nito ang mga luha nya at saka sya hinalikan ng mariin sa labi na para bang pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanya. Saka ito tumayo at deretsu ng lumabas at hindi na lumingon sa kanya. "Tawagan mo ako ha." Pahabol nyang sabi dito iwan nya kung narinig sya nito. Mayroon na silang number sa isa't isa. Gumalaw na sya para tumayo sa higaan. Baka mamaya nanjan na yong pagkain na inorder nya. Gutom na din ako. Kausap nya ang sarili. Pero nahagip ng mata nya ang cellphone nya kaya kinuha nya muna iyon saka nagbasa ng message. Hanggang sa bakita nya ang message ng kanilang agency. Kagabi pa pala iyon. Dali dali nya iyong binuksan. Ang sabi ay kailangan nya ng mag impake ng mga gamit nya dahil may emergency sa pinas ay kailangan na nyang umuwi pero hindi iyon sinabi kung anong emergency. Dali dali nyang hinanap ang contact ng kanyang kababata saka nya iyon dinayal. Kinakabahan sya. Hindi sya pauuwiin kung hindi iyon malalang emergency. Narinig nya ang pagsagot sa kabilang linya. "Hello. Sino to?" Tanong ng kababata. "Grace si Ariana ito. May itatanong lang sana ako." Agad nyany sabi dito. "Hay bakla ka ng taon! Bakit ngayon ka lang tumawag! Kinocontact kita kaya lang nagpalit kana pala ng number." Pasigaw na sabi nito sa kanya na lalong ikinakaba nya. "May nangyari ba?" Tanong nya uli. "A e." Parang naging alanganin naman itong sumagot sa kanya. "Ano kasi e." "Grace. Pinapatay mo ako nyan e." Inis na nyang sabi sa kababata dahil ang lakas na ng kabog ng dibdib nya. "Naaksedente kasi ang nanay at tiyuhin mo at malas hindi sila nakaligtas." Parang sumabog iyon sa kanyang mukha at hindi sya nahuma. Hindi nya alam kung napatay ba nya yong cellphone o hindi. Basta nalang syang natulala. Nagring uli ang cellphone nya kaya parang wala sa sarili na sinagot nya iyon. "Nasaan ka?" Boses iyon ni Mayla. "Hindi ko alam." Wala sa loob na sagot naman nya. "Anong hindi mo alam. Nandito kami ngayon sa apartment mo. Inutusan kami ni sensei para tulungan kang mag impake. Nasan kaba?" mahabang lintaya nito. "Nasa hokaido." Garalgal na ang kanyang tinig. "Ano! Bat nandyan ka. Kailan kapa pumunta dyan. Kailangan mo ng mag impakeng babae ka. Dahil mamayang hapon susunduin na tayo dito para maisakay ang mga gamit mo." Mahabang lintaya nito. "Uuwi na ako. Kayo na muna bahala sa mga gamit ko. Nasa mailbox yong spare key ko. Paki kuha nalang." Mabilis syang gumalaw para magbihis na. Halos mangabangga bangga na sya sa table na nandoon sa kamamadali nya. Basta nalang nya sinaksak sa loob ng bag nya ang kanyang mga gamit. Hindi nya alam kung may naiwan pa sya o ano. Tinatawagan nya si Patrick pero hindi nyo ito macontact kaya nagsulat nalang sya sa memo note. Love; Pasinsya na. Nagkaroon kasi ng emergency kaya nauna na ako. Tawagan mo ako pagnakabalik kana ha. Ilove you. Your Autumn lover. Mabilis lang syang naksakay dahil may ticket na naman na siya pabalik. Anong oras na ng makarating sya at tapos na ding maisakay ang mga gamit nya. Dahil may kasama ang kaibigan nyang nag ayos ng mga iyon. Sya nalang talaga ang hinihintay. Umiiyak syang yumakap sa kaibigan ng makarating sya. Inaalo naman sya nito pero panay ang sermon sa kanya. Buti nalang at hindi ang sensei nila ang sumundon sa kanila. Paniguradong lagot sya dahil hindi sya nagpaalam na pupunta sya ng Hokaido. Tumuloy muna sya sa apartment nila Mayla at doon nalang sya susunduin bukas para ihated sa Airport mas malapit kasi sa office. "May. Deadbat ako. Pakicharge naman muna." Inabot nya ang cellphone sa kaibigan bago sya tumuloy sa office ng may hawak sa kanila. Hindi alam kung ano ang ginawa ng mga ito pero mabilis na naprocess ang papers nya at bukas na bukas din ay makakabilik na sya sa pinas. Parang walang laman ang utak nya. Parang syang nakalutang. Hindi nya alam kung ano madadatnan nya. Kung ano ang gagawin nya. Maliliit pa ang mga kapatid nya. Sampung taon palang ang panganay sa mga ito. Apat sila. Pang lima sana iyong nasa tyan ng nanay nya na kasama din nitong namatay sa aksedente. Hindi sya makaiyak pero ang bigat ng dibdib nya. Parang wala sya sa sarili. Diyos ko. Anong gagawin ko? Nakatulala nyang sambit habang nakaupo sa isang park na madadaanan lang nya pabalik kila Mayla. Umupo muna sya doon bago sya umuwi. Gabi na din. Pero gusto muna nyang huminga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD