Couple ring

1581 Words
Pakiramdam ni Ariana ay nakalutang sya sa ulap sa subrang saya nya. Gumaan ang pakiramdam nya. Hindi nya sasabihing nakalimutan nya ang kanyang mga problema pero masasabi nyang hindi na nya iyon masyadonng iniintindi. Masaya silang dalawa ni John, para lang silang mga bagong kasal na naghahoneymoon. Subrang maasekaso ito sa kanya na para bang sya ang reyna nito at ito ang kanyang hari. Palaging nakaalalay sa kanya at sadyang napakalambing. Hindi nya ramdam ang pagod sa kanilang paglilibot. Kung saan saang park sila nakarating. Panay ang kuha nito ng picture dahil bukod pala sa hobby ang photography ay nature lover din ito. Nag food trip sila. kung saan saang restaurant sila kumain. Nagshopping. Doon naman sila nagkaproblema dahil panay ang pili nito para sa kanya ay panay naman ang tanggi nya. Bukod kasi sa talagang mahal ang bilihin sa Japan ay puro mga branded yata ang alam nitong pasukin na pamilihan. Hinila sya nito sa isang boutique na itsura palang ay hindi na basta basta. Kumpleto iyon mula sapatos bags. Mga dress at kung ano ano pa. "Bat dito tayo pumasok. Parang mahal dito." Pigil nya dito. "Wala namang mura sayo." Biro naman nito sa kanya. Kasi kanina lahat ng ipinapakita nito ay puro "wag yan mahal" ang sinasabi nya. Medyo naiilang pa sya dahil parang sosyalin ang loob nito. At saka kita naman sa mga sales lady na tinalo pa ang mga stewardess sa ayos ng mga ito. Binati sila ng mga ito at saka lumapit ang isa na parang aral na aral pati lakad. Saglit na nakipag usap dito si Patrick na parang sinabi nito kung ano ang kanilang hinahanap. Iginiya naman sila nito. Tahimik lang ito sa isang tabi. Tahimik lang din nyang inilibot ang tingin sa loob na parang nakakatakot mahawakan ang mga product nila. habang si Patrick ay tahimik lang pero parang namimili kung ano ang kukunin. "Sumimasen. Sore wo misete kuremasen ka." Tanong ni Patrick kung pwede ba nilang makita iyong dress na napili nito sa sales lady na nakatayo. "Hai kashikomarimashita." Mabilis namang tumalima ang sales lady para ibaba ang tinurong damit ni Patrick. "Honey look." Baling nito sa kanya "this is good to you." Pakita nito sa isang dress na light brown ang kulay. Galing pumili. Sabi nya. Dahil kahit sya ay nagandahan din sya sa damit. Kaya lang itsura palang ay mamahalin na. Kinunutan nya ito ng noo. "Saan ko naman yan isusuot?" Tanong nya. Hindi kasi sya mahilig sa dress. Tumawa ito sa tanong nya. "Sa bahay." Birong sagot naman nito kaya napasimangot siya. "Maraming uutang na kapit bahay pag ganyang ang isusuot ko. Baka sabihin nila yayamanin ako." Naiiling naman nyang sabi dito. "Patingin nga ang presyo?" Tanong nya sabay abot ng tag nong damit. Balak pa nitong ilayo sa kanya pero naabot na nya. "Don't mind the price." Mabilis na sabi nito sa kanya na pilit inilalayo sa kanya ung tag kaya lang ay nakita na nya kaya nanlaki ang mata nya. "Woooow... four hundred eighty five thousand yen! Seryoso?" Di makapaniwalang sambit nya. "Ano yan ginto. Malakas nyang nasabi dito. Napatingin sa kanya ang mga ibang nandoon. Pero nakangiti lang ang sales lady'ng malapit sa kanila. "Sshhh" pagpapatahimik naman nito sa kanya dahil napalakas yata ang bunganga nya. "Grabe. IIang buwang sahod ko na yan a." Reklamo nya dito. Natawa ito sa kanya ng ilabas nya ang kanyang cellphone at kwenenta nya kung magkano ito sa peso. "Don't convert it into peso. And as I've said, don't mind the price. I will buy it for you." Giit naman nito sa kanya. Nilokutan nya ito ng mukha. "No. Hindi mo yan kukunin. Anong don't mind the price ka dyan." Inagaw nya ang damit dito at saka nya maayos na inabot sa sales lady na nakasunod lang sa kanila. Magalang nyang sinabi na hindi nila iyon kukunin. "Honey. Afford ko namang bumili ng ganon kamahal" giit nitong sa kanya na parang hindi nagustuhan ang ginawa nya. Napabuntong hininga naman sya. Nagpaalam sya sa sale's lady saka nya ito hinatak na palabas. Tahimik naman itong nagpahatak sa kanya pero halatang nagtampo ito sa kanya. Naupo sila sa isang bench na malapit sa nilabasan nilang boutique. Tahimik lang din itong umupo at hindi nagsalita. Bumuntong hininga sya. "Galit kaba?" Malambing nyang tanong dito. Hindi ito umimik. Hinawakan nya ito sa kamay. "Look. Sorry na. Ayaw ko lang na gumasto ka sa akin ng subra subra." Paliwanag nya dito. Bumuntong hininga din ito. "Maliit na bagay lang iyon." Giit nito. "Gusto lang kitang bilhan masama ba iyon. Bakit ayaw mong tanggapin." Seryosong sabi nito. "D'yos ko naman Patrick. Ang mahal non. At saka hindi naman reasonable na gagastos tayo sa damit ko ng ganong kamahal. Oo. Sabihin na natin na afford mo. Siguro nga parang wala lang sayo dahil nasanay ka sa mga mamahaling bagay. Pero ako. Magsusuot ng ganong kamahal parang di naman yata bagay sa akin. Nagegets mo ba iyong point ko?" "You deserve it. I want to gave you the best that I can. I want you to be happy. Kung tutuusin nga maliit lang iyon kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong ibilhan kita." Giit pa nito. "Love. Hindi ko kailangan ng materyal na bagay. Hindi mo kailangang gumastos para maging masaya ako. Kung hindi mo lang alam. Masayang masaya ako dahil iyon sayo. Salamat kasi gusto mong ibigay sa akin ang pinaka the best kahit hindi ko naman hinihiling." Pang aami nya dito. Hindi parin ito umimik. "Sige. Ganito. Mamimili tayo. Ako ang pipili kung saan tayo mamimili." Hila nya dito. May nakita kasi syang sikat na pamilihan doon sa may mga murang mabibili. Walang nagawa ito kundi sumunod sa kanya. May nakita syang mga couple hooded jacket. Rug jens, shoes at myroon pang headcups eye glasses. Couple watch couple ring. Basta mga pang couple. "Dito nalang tayo." Hila nya dito. Mahal din naman ang mga presyo ng mga iyon kumpara mo naman sa dress na gusto nito. Atlest couple pa sila. Parang bumalik naman ang mood nito dahil panay na ang tawa nito sa kanya. Gabi na ng makabalik sila sa hotel. "Honey. Sabay na tayong magshower." Lambing na yaya nito sa kanya. Napangiti sya ng lihim. "Mauna ka na. Aayosin ko pa itong mga pinamili natin." Sagot naman sya. Lumapit ito at niyakap sya mula sa likod. Alam na nyang hindi lang shower ang magaganap pag sinabayan nya ito. "Love. Mauna kana. Aayosin ko lang to." Giit naman nya. "Sige na huh." Bulong nito sa taynga nya at sinimulan na nito kagat kagatin ang earlobe nya. Napahagikhik naman sya. "Ano ba love. Nakikiliti ako."saway nya. Marupok din e. "Alam kong may binabalak ka na naman." Pilit syang lumalayo dito pero hindi sya pinakawalan. "Bakit ayaw mo ba huh?" Mapang akit nitong tanong sa kanya. "Love. Sige na. Mamaya na-lang." s**t anong yong nasabi nya! Mura nya sa sarili. Napatampal pa sya sa noo Napatawa naman ito sa sagot nya. "O sige. Mauuna na ako." Mabilis itong kumilos na parang tuwang tuwa. "Honey. Bibilisan ko para mabilis ka ding matapos. Mamaya ha." Dagdag pa nito na lalong kinapula nya. Hinalikan pa sya sa labi bago ito pumasok sa banyo. s**t! Mura nya ulit. *. *. .* He smiled as he watched Ara sleeping soundly. Alam nyang napagod na naman ito after their mind blowing love making. Hindi sya makatulog. Iniisip nya ang nalalapit nilang paghihiwalay. Paniguradong hahanap hanapin nya ito. Kinuha nya ang kamay nitong may sising at hinalikan nya ito doon. Sinuot nya iyon dito habang inaangkin nya ito. Kaya hindi nito namalayang may singsing na syang suot. Bukas na siguro nito iyon mapapansin. Sabi nya sa sarili. Nakatulog agad e. It wasn't an engagement ring actually. It just a simple couple ring at mura lang din niyang nabili. Hindi nito alam na bumili sya habang abala ito kanina. Sabagay it's not the price naman. It so simple but that ring is symbolize his promise. A promise to love and to cherish her until the end. Kung sya lang sana ang masusunod ay wedding ring na agad ang ilalagay nya sa mga daliri nito e. Kaya lang ay ayaw muna nya itong biglain. He had already a plan. Liligawan nya parin nya ito. He want to put it things right. Hindi naman nya sinasabing mali ang simula nila. Pero alam nyang naging mabilis ang lahat sa kanila. Alam naman nyang ito na ang babaeng para sa kanya. Maybe it's to early to say that but he already know that she is the one. He lay beside her and gently move her head on his shoulder in then his other hand move down to her flat tummy and gently caress it. So tinny bulong nya dahil gadangkal lang yata nya ang baywang nito.Ara is like a drugs to him. He got even more crazier as time goes on. He feel like his drowning in her and she is the only one who can save him. He heaved a sign. Ang bilis ng araw Pang anim na araw na nila bukas. For sure He will definitely miss her. Balak kasi nyang Ibalik ito sa apartment nito sa pangpitong araw nila para may isang araw pa ito para makapagpahinga. "I love you honey." Bulong nya kahit alam nyang tulog na tulog ito. Sumiksik naman ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD