Paglabas ni Andrew ay sumakay agad ito ng kaniyang sasakyan nagmaneho at tinawagan ang kaniyang kaibigan na si Garry upang uminum ng alak sa bar. "Kita tayo sa tagpuan," saad ni Andrew sa kabilang linya habang nagmamaneho. "Aba! Mukha yatang may nangyari na naman na hindi maganda, ah," wika ni Garry nahihiwagaan sa tuno ng pananalita ng kaibigan. "Basta sumunod ka na lang at papunta na ako," saad na lamang ni Andrew at pinutol na ang linya. Habang si Aica naman ay naiwan mag-isa condo ni Andrew. Hinaplos nito ang kaniyang tiyan at sinabing, "Huwag kang mag-alala anak dahil hindi magtatagal mamahalin din ako ng ama mo. Dahil wala na siyang magagawa kung hindi ang mahalin din ako," saad nito. Nang makarating ang binata sa bar ay agad itong bumababa ng kaniyang sasakyan at pumasok agad

