"Bakit narito ka?" kunot-noong tanong ni Andrew kay Aica nang makita ito mula sa pintuan at bigla itong pumasok. "Bakit? Hindi ko ba puweding dalawin at dalhan ng pagkain ang magiging asawa ko?" matapang na sagot naman ni Aica na may matamis na ngiti sa labi. "Pati ba naman dito sa trabaho ko nakabuntot ka," naiiritang saad ni Andrew. "Magiging asawa mo na ako. At malapit na, kaya kung nasaan ka man dapat naroon din ako. Kailangan mo rin na pakitunguhan ako ng maayos sa ayaw at gusto mo, alalahanin mo pinagbubuntis ko ang anak mo," matapang na saad ni Aica. "Sinabi ko naman 'di ba? Bata lang ang namamagitan sa 'tin. Kaya huwag kang umastang asawa ko. Isa pa free ka namang umuwi sa inyo. Hindi naman kita pinagbabawalan," wika ng binata. "Ayokong umuwi sa amin na hindi ka kasama. Dahil

