bc

The Impotent Maniac

book_age18+
1.2K
FOLLOW
11.1K
READ
billionaire
HE
forced
independent
bxg
serious
city
friends with benefits
assistant
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG!

Please read at your own risk!

“Ano po ito?” taong niya habang binubuksan ang folder. “It’s a contract. Write your name and sign it.” Anito. Tiningnan niya ang kontrata at kontrata lang naman iyon ng pagiging katulong niya rito sa loob ng isang taon. May nakaipit na ring ballpen doon kaya agad na niya iyong sinulatan ng buong pangalan niya at pinirmahan pagkatapos ay iniabot na niya iyon pabalik sa Sir Matthew niya. Mabuti na iyong may malinaw siyang kontrata sa pagtatrabaho roon para anytime na bumalik ang Tiya Minerva niya at pilitin siyang isama ay may dahilan siya para suwayin ito. “Leslie Mendoza.” Basa nito sa pangalan niya. “Sige po, Sir, aalis na po ako kung wala na po kayong ipag-uutos.” Magalang niyang paalam rito sabay yuko at akmang tatalikod na siya nang pigilan naman nito ang braso niya. “Do you think that’s all I need from you?” matiim na naman itong nakatitig sa kanya at tila may pagnanasa na naman ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. “M-may… may kailangan pa po ba kayo s-sa’kin?” medyo pautal niyang tanong. Ganitong-ganito rin makatingin ang Sir Matthew niya kagabi at maging nang ilang beses na nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya! “I want you.” Anas nito habang malagkit nang nakatitig sa kanya at bumaba pa ang tingin nito sa katawan niya. “P-po??” Kinakabahang tanong niya at ngumiti pa ito sa kanya na lalong nagpakaba sa kanya. Unang beses nitong ngumiti sa kanya ngunit hindi ganoong klaseng ngiti sana ang gusto niyang makita. Naglakad ito ng mabagal paikot sa kanya at inilapat ang kamay sa balikat niya. Nang makabalik ito sa harap niya ay muli itong nagsalita habang pasimple nang hinihimas ang mga balikat niya. “After what I did to you last night, you still want to keep working for me? Then it means that you also want me.”

chap-preview
Free preview
Chapter 1 – Utang
“Leslie!! Tanghali na, bakit natutulog ka pa?! Bumangon ka na nga riyan at maglaba ka! Puro ka na lang hilata! Wag mong sabihin na kahit ngayong matanda ka na eh kailangang alagaan pa kita! Huwag kang tatamad-tamad!” Nagulantang ang mahimbing na pagtulog ni Leslie nang magsisigaw na naman sa loob ng kwarto niya ang Tiyahin niyang si Aling Minerva. Silang dalawa na lang ang magkasama sa bahay na iyon mula nang maulila siya at ito na ang nagpalaki sa kanya. Magkasunod kasing nagkasakit ng malubha ang mga magulang niya noong bata pa siya at dahil sa kahirapan ay hindi na nakapagpagamot ang mga ito hanggang sa magkasunod na taong pumanaw ang mga ito. At mula noon, ang Tiya Minerva na niya ang nag-alaga sa kanya. Noong una ay napakabait at napakalambing nito sa kanya pero habang tumatagal na inaalagaan siya nito ay nagbabago na ito. Hanggang sa paminsan-minsan na siya nitong sinasaktan at pinilit na siyang magtrabaho. Inisip na lang niya na marahil ay hindi ito handa sa responsibilidad na biglang napataw sa mga balikat nito kaya hindi naman niya ito masisi na minsan ay nagiging malupit ito sa kanya. Hindi naman talaga siya tamad. Ang totoo niyan ay pagkagaling niya sa iskwela kahapon ay pumasok siya sa part time job niya. Siya kasi ang nagpapaaral sa sarili niya dahil simula nang magkaisip siya ay ipinagpilitan ng Tiya niya na magtrabaho na siya ngunit pinilit niya pa ring pag-aralin ang sarili niya habang nagbibigay rin siya ng pakonte-konte sa Tiya niya. “Psensiya na po, Tiya, may trabaho po kasi ako—” “At ipagmamalaki mo pa ang kakarampot na kinikita mo sa pagbabantay sa burger stand na iyon? Kung itinitigil mo na kasi ang walang kwentang pag-aaral mo at ituon mo na lang sa pagta-trabaho ang oras mo, eh di sana mas marami pa ang kikitain mo! Hindi ka kasi nag-iisip! Puro ka pangarap! Wala ka namang mararating!” muling singhal nito sa kanya bago naglakad pabalik sa pinto ng kwarto niya. “Bumangon ka na diyan! Tsaka bigyan mo ako ng pera dahil may papuntahan ako mamaya.” Pautos nitong sambit sa kanya at tila sadyang hinihintay siya nitong bumangon. “Opo.” Pinilit na niyang bumangon kahit sobrang bigat pa ng talukap ng mga mata niya pati na rin ang katawan niya. Ilang oras pa lang kasi ang tulog niya pero mukhang hanggang doon na lang iyon dahil paniguradong tambak na labahin na naman ang kakaharapin niya maghapon. Wala namang ibang ginagawa ang Tiya niya kundi magsugal at paminsan-minsan ay uminom kasama ang mga amiga nito. Pero hindi naman niya ito masumbatan dahil ito na ang nakasama niya hanggang sa lumaki siya at malaki raw ang utang na loob niya rito. Marahil ay tama rin naman ito. Dahil kahit pinagtrabaho na siya nito kahit bata pa lang siya ay kinupkop pa rin siya nito at binigyan ng matitirhan. Inabutan niya ito ng 300 pesos na agad naman nitong kinuha sa kamay niya. Ngunit nangunot ang noo nito at tiningnan siya ng masama nang makitang iyon lang ang ibinigay niya. “Ano’ng gagawin ko sa tatlong daang piso?? Pinagdadamutan mo na ba ako?!” singhal nito sa kanya at halos maglabasan pa ang mga litid sa leeg nito. Palagi naman niya itong binibigyan ng pera kahit wala naman itong pinagkakagustusan ngunit nakukulangan pa rin ito. At kung minsan, pag hindi siya nakapagbigay ay sinasaktan siya nito. Tinitiis na lang niya dahil mahal niya ang Tiya niya at ito na lang ang nag-iisang kapamilya niya. Sa isip niya ay silang dalawa na lang ang magkaramay sa lahat ng bagay kaya dapat ay nag-uunawaan na lang sila. At bilang mas bata, siya na lang ang iintindi rito lalo at tumatanda na ito. “Tiya, kailangan ko pa po kasing bumili ng gamit para sa project namin sa school—” “Leche! Yan na nga ang sinasabi ko sa’yo! Tumigil ka na sa pag-aaral na yan dahil sayang lang ang oras at pera mo diyan!” Hindi na lang siya kumibo at muling kumuha ng pera sa wallet niya. Kinuha niya ang 500 pesos at balak sanang iyon na lang ang ibibigay niya imbes na iyong tatlong daan. Pero bigla na lang hinablot ng Tiya niya mula sa kamay niya ang limangdaan at napamaang siya rito. “Tiya, akin na lang po iyong 300—” “Tama na ito. Sige aalis na ako.” pambabalewala nito sa sinasabi niya at umalis na ito tangay ang walong daang piso niya. Napaupo na lang siya sa kama niya na nanghihina. Pinagkakasya na nga lang niya ang bawat sahod niya para sa lahat ng pangangailangan nila ng Tiya niya pati na rin sa pag-aaral niya sa tinatapos niyang vocational course pero heto at laging nasisira ang budget niya dahil sa walang pakundangang paggastos ng Tiya niya. Minsan pa nga ay hindi na lang siya nagmemeryenda kahit nagugutom na siya, makatipid lang siya. Mabuti na lang din at may scholarship siya at may kaunting suporta rin ang Gobyerno sa mga mag-aaral na tulad niya. Kahit inaantok pa at mabigat pa ang katawan ay bumangon na siya. Pumunta siya agad sa kusina at dinatnan niya roon ang mga kalat sa mesa. Inayos muna niya iyon at dinala ang ilang hugasin sa lababo. Kahit sa lababo ay maraming kalat at mga hugasin. Napabuntong-hininga na lang siya. Ganoon naman lagi ang bawat umaga niya. Kahit mga simpleng gawain gaya ng pagwawalis at paghuhugas ay siya lahat ang gumagawa. Palagi kasing umaalis ang Tiya Minerva niya at pagbalik nito ay kakain lang ito at iiwan pa ang mga kalat nito. Kumain muna siya at pagkatapos ay saka siya naghugas ng plato at naglinis sa loob ng bahay. Pagkatapos niyon ay hinarap na niya ang labahin niya na karamihan ay damit ng Tiya niya. Nang mapansin niyang malapit nang magtanghalian ay nagluto na agad siya. Mahirap na at baka maya-maya ay dumating na ang Tiya niya at magalit itong wala pa siyang naihahandang pananghalian. Nang makaluto na siya ay tinapos na muna niya ang paglalaba niya. Mabuti na lang at wala siyang pasok noon sa iskwela kay may oras pa siyang matulog mamaya—yon ay kung walang iuutos sa kanya ang Tiya niya. Minsan kasi ay pinaglalako pa siya nito ng kung anong meryenda kahit alam nitong may trabaho pa siya pag gabi. Minsan ay hirap na hirap at pagud na pagod na siya pero wala naman siyang magagawa kundi sumunod sa Tiya niya. Ang Tiya Minerva na lang niya ang nag-iisang kapamilya niya kaya kahit ganoon ito sa kanya ay mahal niya ito at hindi niya ito maiwan-iwan. Siguro naman balang araw, pag nagtiis pa siya ng kaunti ay mababayaran rin niya sa wakas ang lahat ng utang niya sa Tiya niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
38.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.0K
bc

Daddy Granpa

read
277.7K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook