“Leslie, pakidala nga sa labas ang mga basura dahil ngayong hapon magpi-pick-up ang truck ng basura.” “Sige po Manang Elna.” Kaliwa’t kanan niyang bitbit ang mga plastic ng basura nang madaanan at mapansin niya ang bagong mukha ng lalaking nag-aasikaso sa garden ng amo niya. Sakto namang nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mga mata nila. Tantiya niya ay kaedad lang yata ito ng amo niya o baka mas matanda lang ng ilang taon. Hindi niya rin sigurado dahil baka mas bata lang tingnan ang amo niya dahil naaalagaan nito ng maayos ang sariling katawan. Ngumiti sa kanya ang bagong gardener at binigyan niya rin ito ng tipid na ngiti bago siya tuluyang lumabas sa gate bitbit ang ilang garbage bag na puno ng basura. Pagbalik niya sa loob ay hindi niya napigilang mag-usisa kay Manang Elna. “M

