Wala na silang sinayang pa na oras. Kasama ang mga pulis at dala ang Arrest Warrant ay sinugod nila ang address ni Chelsea. Hindi na kailangang alamin ang address nito dahil alam na iyon ni Matthew. Sunud-sunod ang ginawang pag-doorbell ng mga pulis sa bahay ni Chelsea kaya agad na lumabas ang isang katulong para pagbuksan sila. Pagkakitang may kasama silang pulis ay halata sa mukha nito ang pagkaalarma. Ayaw sana sila nitong papasukin agad ngunit nang ipakita na ng mga pulis ang dalang warrant of arrest ay wala na itong nagawa kundi papasukin sila at nagmadali na itong makapasok upang marahil ay sabihan ang amo nito kung sino ang mga dumating. Mabibilis din ang mga ginawa niyang hakbang papasok. Hindi niya hahayaang makakalusot pa si Chelsea sa pagkuha nito sa baby nila ni Matthew! Bab

