Hindi niya pinahalata na malungkot siya pagpasok sa kanyang silid dahil nakatingin ang ama at ina niya. ----- Samantala. Hindi mapakaling paikot-ikot si Don Ramon sa opisina niya. Mas lalo itong nanggilaiti sa ginawa ng anak nya. Kaya agad niyang kinuha ang kanyang selpon at mabilis na tinawagan ang isang tauhan niya. "Don Ramon." "Bumalik kayo sa lugar ng babaeng yun, dalhin nyo ang mag ina sa isang lugar kung magmatigas sila gawin nyo na ang dapat! Sinasagad ng dalawang yun ang pasensya ko!!" Galit na galit na sabi ng matanda sa kausap. "Masusunod po." Galit na inihagis ni ramon ang kanyang selpon sa knayang table. Napatakip sa bibig si Luisa ng marinig ang sinabi ng asawa nya. "What are you doing, Ramon? Bina block mail mo ba si Mariah?!" "Luisa?! Kanina ka pa ba dyan?" "Oo

