"Mom. Tama po kayo ng nakikita, si Mariah po." "My god iho, mas lalo mong pinalala ang sitwasyon. Dinala mo pa sya dito, alam mo naman na galit na galit ang ama mo sa iyo tapos hindi ka pa umuwi kagabi." Nag-aalalang wika ng ina nito. "Ma, ayos lang. Kaya nga nandito kami para harapin sya." "Tama po sya. Nakahanda na po kaming dalawa sa kung anung mangyari." "Iha, patawarin mo sana ang ama ni Alex sa mga ginawa sayo. Maging ako, kahit anung pigil ang gawin ko sa knaya wala na ako magawa." "Wala pong kaso saken yun. Naiintindihan ko naman po." Sabay-sabay na pumasok ang tatlo. Habang nakaupo si Ramon sa kanyang upuan sa opisina nito at pumasok ang tatlo. Nakita agad ng matanda ang magkahawak kamay na sina Alex at Mariah kaya mabilis na kumunot ang noo at nagalit ito. "Do you think

