"Sa inyo. Kumain na tayo. Nandyan ang lahat ng paborito nyo, dapat malakas kayo lagi. Sige na sir Alex, Kumain kana." Alok ni Mariah. Tumingin muna ito sa dalaga bago kinuha ang mga utensils na nasa harapan nya at nagsimulang kumain. Unang beses nya itong naranasan na ginawa ni Mariah kaya subrang saya nya. Habang ang dalaga ay panay ang tingin sa orasan at mag aalas nwebe na. Alam nyang naghihintay sa kanya si Zaquieo, pero hindi sya makahanap ng tyempo kung paano magpapalam kay Alexander. Pasado alas dyis na ng gabi at parang nagmamadali na si Mariah sa pag uwi. Mabuti nalang at si Alex ang kusang nagsabi na ihahatid na sya nito. Nagpasalamat ng husto ang binata at noon lang muli syang nabusog ng ganun. Hindi na maiwasan ni Mariah ang mag aalala dahil palalim na ng palalim ang gabi. H

