"PAAAKKKKK!" Isang sampal sa kanang pisngi ni Mariah, galing kay Nayumi. Napapangiti pa ito ng ginawa iyon at hingal na hingal. Napahawak ang dalaga sa pisngi at nagulat sa ginawa ni Nayumi. Napansin din nyang nagtitinginan sa kanila ang mga tao sa lobby. "Para yan sa pananakit mo sa kapatid ko!! Malandi ka! Akala mo ba hindi ko malalaman na nagkikita kayo ni Alex, while you have a boyfriend!! Anung klase kang babae?" Matiim na tinignan ni Mariah si Nayumi. "PAKKKKKKKKK!" Sinampal din nya ito sa kaliwanag pisngi nito. "Para yan sa biglang pananampal mo saken!" At isa pa sa kanang pisngi. "Para naman yan sa paninira ng araw ko. Ngayon kung gusto mo pang madagdagan at magmukhang punching bag ang mukha mo, wag mo akong ipapahiya sa maraming tao. Hindi mo ako kilala, Nayumi. At wala kamin

